-------- ***Zariyah’s POV*** - Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Aiden. Hindi ako galit sa kanya noong umalis ako—nasaktan lang ako. Mahal ko siya, kaya kahit gaano kasakit ang lahat ng pinagdaanan ko sa piling niya, hindi ako nagtanim ng galit. Mahal ko si Aiden, kaya kahit gaano ako nasaktan, wala akong pinagsisihan sa lahat ng namagitan sa amin. Napagod lang talaga ako. Napagod akong maghintay na magbago siya. Napagod akong umasa na mamahalin din niya ako. At noong tuluyan na akong sumuko, gusto ko na lang magsimula ulit—isang bagong buhay na wala siya, malayo sa lahat ng alaala naming dalawa. Kaya ako umalis. Hindi dahil sa ayaw ko na, kundi dahil gusto kong buuin ulit ang sarili ko. Pero ngayon—ngayon, sa naririnig kong mga salita mula sa kanya, hindi ko mapigilan

