------- ***Third Person’s POV*** - Kuyom ang kamao ni Aiden habang nakaupo. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari—na talagang iniwan siya ni Zariyah. Buong akala ba talaga nito ay matatakasan siya? Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang lakas ng loob na gawin iyon. Kahit saan ito magpunta, kahit saan ito magtago, hinding-hindi niya ito mapagbibigyan na mawala na lang na parang bula. Alam niyang matatagpuan at matatagpuan niya ito, dahil hindi siya kailanman susuko. Mas lalo siyang nagngitngit sa isipin na niloloko lang pala siya nito. Hindi pala totoong may medical mission ito. Mas lalo pa siyang nainis nang malaman niyang bago pa man ito umalis—para raw sa “medical mission”—ay nakapag-resign na pala ito sa ospital. Ibig sabihin, pinagplanuhan talaga nito ang pag-alis. Maing

