------- ***Zariyah’s POV*** - Mabilis ang t*bok ng puso ko habang nakahiga ako sa malamig na kama ng ospital. Ramdam ko ang malamig na hanging nanggagaling sa aircon, ngunit mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot, sa pagod, o sa bigat ng lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Sa tabi ko, maingat na inilalagay ng nurse ang IV sa kamay ko habang nakatingin ako sa puting kisame sa itaas. Malalim ang aking iniisip. Hindi ko na nga namalayan na wala na akong kasama. Lumabas na pala ang nurse na kasama ko kanina. Pagkaraan ng ilang minuto, pumasok ang doktor. Babae siya, marahil ay nasa edad kuwarenta, may mahinahon at kalmadong tinig, at ngiting pilit nagbibigay ng kapanatagan. Ngunit kahit hindi pa siya nagsasalita, ramdam ko na agad na may

