Pagkatapos nilang nagtalo at magtampo ni Eriza at ng magpakuha ng aming litrato ay humantong kaming lima sa maliit naming bayan. Sa isang kainan na hindi pangmahirap at lalong hindi rin naman ito pangmayaman. “Kumuha tayo ng inihaw na pusit? Tapos alimango na rin.” tanong at suhestiyon ni Senda habang hawak ang menu ng mga pagkain, “Arlo, anong sa tingin mo ha?” Tahimik lang akong nakaupo sa kanilang tabi. Pinagmamasdan ang mga kasiyahan nila. Malapit na kaming magkahiwa-hiwalay, sa ibang paaralan na rin papasok ang iba pa. “Sige lang, umorder ka na ng kahit anong gusto mo diyan Senda.” tugon sa kanya nitong abala na mayroong itinuturo pa kay Geron sa menu. Saglit kaming nagkatitigan doon ni Eriza na ngayon ay ayos na, may iisa kaming iniisip. “Sabi mo iyan ah, ikaw ang magbabayad n

