CHAPTER 6

2015 Words
GILMARIE "Paul Laxamana and Gilmarie Saavedra of Saavedra Group of Companies, caught kissing in public." "Laxamana and his new flavor of the month, Gilmarie Saavedra, kissing." "Laxamana and Saavedra, what a hot night!" "Sana lahat nakakahalikan si Paul!" "Ang swerte ni Gilmarie! How to be you po?" "Anong lasa ng labi ni Paul, Saavedra? For sure masarap. Kyaaah!" "Gusto ko nalang maging si Gilmarie." "s**t!" bulalas ko matapos makitang sabog na sabog ang notification ko dahil sa kung ano-anong mga balita at pictures ang kumalat dahil sa nangyari kagabi. Pinagpepiyestahan ngayon sa mga social media platforms ang picture namin ni Paul na magkalapat ang labi. Hindi ko rin magawang magpaliwanag dahil normal iyon sa mga mata nila, kahit ang lahat ng namamagitan sa amin ay deal lang talaga. Kagabi palang, gustong-gusto ko nang sapakin si Paul right there and then but I stopped myself because I know, if I'll do that, it will damage my reputation and it will be another mess for my family. I don't want to disappoint,Dad. Again. Ilang beses ko na ring tinatawagan si Paul pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Maging si Zuriel ay tinutulungan akong icontact siya pero wala, pareho namin siyang hindi macontact. Maybe, he's enjoying this kind of spotlight kung kaya ay ayaw niya munang ientertain ang kahit na sinong sisira sa saya niya ngayon! f**k you, Laxamana! I sighed when my phone rang and showed the name of the last person I wanted to talk to right now. Kahit labag sa loob ko at alam ko na ang pag-uusapan namin, wala akong nagawa. "Dad," I called. "I saw the news—" I cut him off. "I promise, I'll clean it. Si Paul kasi—" "No, hija. It's okay," ani Dad na pinagtaka ko. "It's a bad publicity, Dad. I can clean this—" again, he cut me off. "Bad publicity is still publicity, Gilmarie. Paul Laxamana has a big name on the industry, we need him. Keep him, hija and don't let him go until I say so. Do everything to keep him, do you understand?" Hindi ako agad nakapagsalita. Halos masabunutan ko rin ang sarili ko sa inis. But when dad called my name again, I knew I have to agree. "Yes, Dad. I understand po..." I sighed. I can't believe this is happening! "Good, hija. I'll go now." In a snapped, he ended the call. Tomorrow, I will be going back to work and I don't know what awaits for me after the news spreaded like wildfire. Paniguradong kahit sa opisina ay mapag-uusapan ako. From: Zuriel I'm sorry, Gilmarie. Do you want me to ask help from Dad? I know what she's talking about. Mayaman din ang pamilya ni Zuriel. In fact, her Dad has a huge name in the business industry. For sure, isang hingi niya lang ng pabor kay tito, kayang-kaya na nitong iblock lahat ng balita na about sa akin. My Dad can do the same thing, but he wants me to take responsibility for everything. To: Zuriel Thanks, Z pero hindi na. Don't want to involve tito in my own mess. Hindi kaya ng loob ko na may ibang taong madadamay sa gulong si Paul Laxamana ang nagsimula. Kung ang sarili kong tatay ay walang ginawa para tulungan ako, hindi ko kayang lumapit sa tatay ng iba para humingi ng tulong. Besides, Laxamana's my own business. Kung gusto niya ng laro, I'll give him what he wants. I muted all of my social media accounts. Hindi ko kaya ang dami ng notifications na halos pasabugin na ang phone ko. Mas naririndi lang ako kada maririnig kong tumutunog nang tumutunog ang cellphone ko dahil sa isang bagay na hindi ko naman ginusto. Laxamana's in control at ayoko sa ganung pakiramdam. Nawawala ang lakas ko bilang isang Saavedra kung hahayaan ko siyang gawin ang mga bagay na ginagawa niya ngayon. Kung inaakala niya na isa ako sa madali niyang mapapaikot, nagkakamali siya. I am Gilmarie Clement Ramos Saavedra, and I am going to take control of this game. Kinabukasan,  maaga akong naghanda para sa pagbabalik sa opisina. Kung pagpipiyestahan man ako mamaya, I don't care. Sumunod din agad sa akin si Alvarez na hindi pa rin ako kinakausap, siguro'y galit pa rin na tinakasan ko siya ulit. I entered our company with head held high, nakasunod din agad si Alvarez. I am wearing a simple Neiman Marcus peplum dress partnered with Stuart Weitzman Platinum guild stilettos. This is one of my most favorite, not because it cost almost 56 million in Philippine peso but because of its platinum strap composed of 464 kwiat diamonds. Plus, this is a rare collection! "Good morning, ma'am," bati sa akin ng mga nakakasalubong ko. I tried my best to smile and greet them back. Alam ko naman na alam na nila ang balita ngayon tungkol sa akin. Hanggang sa makasakay ako sa lift, hindi ko maiwasang maconscious. Pakiramdam ko, lahat ng nakakasama ko ay hinuhusgahan ako. Ako na anak ng may-ari ng kompanyang 'to, nakikipaghalikan in public. Nakahinga lang ako nang maluwag nang matiwasay akong makarating sa Legal Department. Kaniya-kaniyang bati na naman ang ibang empleyadong narooon sa akin so I greeted them back. May sarili akong office rito kung kaya kahit papaano ay nababawasan ang anxiety na meron ako. "Ma'am, nasa table niyo na po ang ibang kontrata na kailangan niyo pa pong ireview," ani Eleanor, ang nagsisilbing Secretary ko rito. Nginitian ko siya. "Thank you, Eli." Pagpasok na pagpasok ko ng office ko, I was surprised to see na may bouquet of red roses na nakapatong sa mesa ko. I picked it up and read the card included in it. Red roses symbolize love and romance. I love you, sweetie. -your Paul I hissed saka hinagis sa kung saan ang bouquet na 'yon. I don't want ro accept it kung galing lang din sa taong dahilan ng sakit ng ulo ko. "Sayang naman, ma'am. Galing pa naman po sa boyfriend niyo," ani Alvarez na diniinan pa ang pagkakabanggit sa boyfriend na word. I raised a brow on him. "Nasasayangan ka edi ikaw tumanggap," saka siya tinalikuran para maupo na sa swivel chair ko. Naupo na rin sa mini sofa si Alvarez at nagbuklat ng kung anong mabubuklat niya roon, same old routine gaya ng dati. Buong araw, I kept myself busy. Muntikan ko na rin makalimutan mag-lunch kung hindi lang ako ininform ni Eli. May times na chinecheck ko phone ko but when I saw na trending pa rin ang sa amin ni Paul, in-out ko rin kaagad. I even set my phone to airplane mode. I don't want any negativity right now and Laxamana gives out big ball of negative energy. "Eli, here's the contracts na nareview ko na. My recommendations are also included inside. Ikaw na bahala mag-abit kay Daddy ha?" sabi ko saka abot sa kaniya ng mga kontrata. "Noted, ma'am. Anyway po, tumawag si Sir Hanwill kanina, hindi raw po kayo macontact kaya pinapasabi nalang po na may meeting po kayo with new client bukas. Need daw po kasi maclose agad ang deal na 'yon, ma'am," ani Eli. "Alright. Ako na magcoconfirm kay Daddy ng attendance ko for tomorrow. Thank you, Eli and take care sa pag-uwi," nginitian ko siya and she smiled back saka umalis. Inayos ko na ang natitirang mga papeles na nasa mesa ko saka binalingan si Alvarez na abala na naman sa Nokia niyang cellphone. "Uwi na tayo," sabi ko. "Wait, ma'am. Hard level kasi 'tong nilalaro ko eh," sabi niya nang di nakatingin sa akin. I raised a brow. Talaga bang paghihintayin niya ako dahil lang sa snake?! "Mahirap po kasi pag na-dead—" I cut him off. "Saan mo gustong ma-dead? Sa laro o sa akin mismo?" pagbabanta ko. Agad niya namang naitago ang phone niya saka tumayo at nilapitan ako. "Sabi ko nga po tara na, ma'am eh. Ang bagal niyo po kumilos, kanina pa ako nag-aaya, ma'am," he said, full of sarcasm. "Akin na po bag niyo, ako na po magdadala," saka kuha ng bag ko mula sa akin at nauna nang lumabas ng opisina. I tsked then immediately followed him. Sa gulat ko, hindi siya sa parking lot dumiretso. Pumunta siya roon sa may mga bentahan ng kung ano-ano na malapit sa building. Ang alam ko, marami rin sa mga empleyado namin ang mahilig kumain dito. Turo-turo ang tawag nila sa ganito but me, I haven't tried it dahil sabi, nakakahepa raw. "Ma'am, sandali lang ha. Kuha ka lang din po kung gusto niyo tapos ako na magbabayad," sabi ni Alvarez na abala na sa kakatuson ng kung ano-ano at nilalagay iyon sa plastic cup na hawak niya. "Manong, yung kukunin niya, ako magbabayad ha?" sabi niya sa tindero. "Walang problema, Alphrase!" masiglang sagot naman ni manong. I didn't know na pati tindero ay ka-close na ni Alvarez. Also, ano 'to? Pambawi sa pagsusungit niya sa akin dahil sa mga nangyari? Mas matindi pa ang mood swings niya kesa sa akin! Lumapit ako sa lalagyan nung mga binebenta at may ibang pamilyar naman sa mata ko. Meron silang fish ball, squid ball, kikiam, another ball na kamukha ng squid ball at meron ding small size and large size na neon colored ball. If I am not mistaken, ito yung may quail egg sa loob. I got one plastic cup saka naglagay ng tig-iisa ng lahat doon, liban sa large size neon colored ball. Sabi ni Alvarez ay masarap daw paghaluin ang maanghang na sawsawan at yung suka kaya ayon ang ginawa ko. Una konh sinubo ang fish ball dahil de hamak na mas madaling kainin 'yon kesa sa iba and it taste good. Sinunod ko ang squid ball and then yung other ball na kamukha niya then yung kikiam at ang hinuli ko ay ang neon colored ball na may quail egg nga sa loob. Out of those five, I like the neon colored ball with quail egg the most. "Sarap, ma'am nuh?" tanong ni Alvarez. I simply nodded as an answer. "Gusto mo pa?" he asked. "No, thanks. I'm good," sagot ko saka tinapon sa basurahan ang plastic cup na ginamit ko. Akmang kukuha na ako ng pambayad sa wallet ko, pinigilan ako ni Alvarez. "Ma'am, ako na po," sabi niya saka kumuha ng one hundred sa kaniyang bulsa at inabot kay manong. "Thanks," I said, not looking at him. Gaya ng dati, wala pa rin kaming imikan hanggang sa makarating kami sa parking lot. Inuna niya muna akong ihatid sa sasakyan ko dahil magkahiwalay kami ng kotseng gagamitin. Nang maabot niya sa akin ang bag ko at akmang isasara na and driver's seat ng kotse ko, I called his name. "What do you call that neon colored balls with quail egg, Alvarez?" I asked him. Bahagya na akong nakatingala dahil nasa loob na ako ng sasakyan habang siya'y nakatayo, hawak ang pinto ng kotse ko. Kumunot pa ang noo niya, tila iniisip kung ano yung tinutukoy ko. Kalaunan napangiti siya. "Kwek-kwek 'yon, ma'am. Ang sosyal naman ng tawag niyo," natawa pa ito. I rolled my eyes. "Thanks, Alvarez. You can leave now," ani ko. "Didiretso na ako sa bahay kaya pwede ka na ring umuwi ng mansyon," dagdag ko. Sumaludo pa siya sa akin, ang mga ngiti'y naroon pa rin sa kaniyang labi. "Affirmative, ma'am!" Hinintay ko pa na isara niya ang pinto pero ilang minuto na ang nakakalipas, hindi niya pa rin sinasara ang pinto ng driver's seat at para pa rin siyang tangang nakangiti sa labas ng sasakyan ko. "What?" asik ko. He smiled. "Wala, ma'am. Ang cute lang ng tawag niyo sa kwek-kwek," aniya. "Mas cute ako," pagbibiro ko. "Totoo naman," bulong niya ngunit sapat ang lakas para marinig ko. "Ingat, ma'am!" bago pa man ako makasagot, naisara niya na ang pinto ng kotse ko. Nakita ko pa ang pagkaway niya mula sa labas bago niya tinahak ang daan papunta sa sasakyan niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nararamdaman ko na naman ang bilis ng t***k ng puso ko. This is not good, kailangan ko na ata magpatingin sa doktor!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD