GILMARIE POV Mabilis na lumipas ang mga araw dahil dumating na ang araw na ayaw ko sanang dumating. These past few days, I tried my best to clear my mind—especially for today. Inayawan ko na muna ang ibang pwede kong maisip lalo pa at ito na ang huling araw na masisilayan ko si mommy. Hindi ko pa rin maisip na ito ang magiging huling ala-ala ko sa kaniya. Maybe, if I came in early, baka nagkaroon pa ako ng pagkakataon na ayusin ang sa amin but I was too late. Nagkamali ako no’ng inakala ko na hindi ako kailangan ni mommy. Things were not in good terms pagdating sa aming dalawa but this is not how I envisioned my last memory with her. I can’t help but wish that I could bring back time. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni mommy na ginagamit ko ngayon. I

