GILMARIE POV "Huwag mo masyadong titigan, baka maglaho silang dalawa," panunukso sa akin ni Andrius sa hindi ko na mabilang pa na beses. Gaya kanina, sinamaan ko ulit ito ng tingin pero nginisian lang ako ng loko. Ibinalik ko sa mga taong nasa harap ko ang mga mata ko at halos mapunit ko na ang magazine na hawak ko dahil sa nakikita ko ngayon. Kasalukuyan kaming nakasakay ng pampasaherong bangka papuntang Amargo at itong si Andrius ay mukhang nag-eenjoy sa pang-aasar sa akin dahil magkatabi sina Alphrase at Honey sa upuan na nasa harapan lang namin at kasalukuyan silang nagtatawanan. Si Ariella naman ay nakatulog na ata sa byahe dahil kanina pa ito walang imik habang nakasandal sa upuan niya at nakatakip sa mata nito ang sun glasses niya. "Gusto mo na harutin din kita para patas na—aw

