GILMARIE POV Pagkatapos naming kumain ni Alphrase ay agad din akong nagpaalam sa kaniya dahil kako ay may pupuntahan ako. Nagsabi naman ito na hintayin ko na siyang matapos sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin at sasamahan niya ako but I told him na I needed a few minutes by myself dahil may kakausapin akong importanteng tao. Good thing ay hindi na siya nagpumilit pa at sinabi na lang na mag-iingat daw ako. Hindi ko rin napigilan ang kilig ko nang marinig ko ang bagay na 'yon. Sanay naman ako na sinasabi niya 'yon but with things going on with us right now, iba na ang epekto sa akin ng bawat salita niya. Dala-dala ang cellphone ko ay pumunta ako ng signalan. I have to call someone because I think I have something important to tell him. Sa gulat ko ay isang pangalan ang lumitaw agad sa

