GILMARIE POV Kung kahapon ay busy na ang mga tao, mas naging busy sila ngayong araw na 'to dahil kapistahan na talaga. May mga palaro na rin na ginanap sa plaza at sinamahan ako ni Ariella roon kanina pero naging mabilis lang din kami dahil kasali rin sila sa singing contest mamaya ni Alvarez. Hindi ko alam kung magpapractice pa ba sila pero tingin ko ay hindi na nila 'yon magagawa dahil na rin sa dami ng lulutuin ni tita Amelia. Panigurado raw kasi na marami ang pupunta rito mamaya para makikain. Mas maigi na raw na sobra kesa kulangin. Tumulong na rin naman na ako sa kanila but I am only useful when it comes to cutting things because I don't cook. Mayamaya ay may kumatoko sa pinto nina tita Amelia and there, I saw Kamisha. May dala-dala itong planggana ng hipon. Napatingin ako kay Ariel

