GILMARIE POV Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak-hawak ang ilan sa pinamili namin ni Andrius. Lumabas muna kami ng rehabilitation center matapos ang nakita naming eksena kanina. Kada maiisip ko ang nakita ko sa kwarto ni Alphrase, hindi ko mapigilan ang kurot sa dibdib ko. Siguro nga'y ako na lang ang nananatiling lumalaban sa aming dalawa. Siguro nga'y ito na ang sinasabi nila na ako na lang ang nakahawak sa mga ala-ala namin noon, sa pagmamahal namin na hindi na nag-eexist pa sa mundo na mayroon si Alphrase ngayon. It hurts...pero may kung ano pa rin sa loob ko na ayaw sumuko, na umaasang mayroon pang pag-asa. "Anong plano mo ngayon?" biglaang tanong ni Andrius. Napatingin ako sa kaniya at seryoso lang naman itong nakatingin sa gawi ko. Bumuntong-hininga ako at saka bahagyang

