GILMARIE POV "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ng kakapasok lang ulit sa kwarto ko na si Alphrase. Kasunod naman nito si Ariella na may dala-dalang baso ng tubig at paniguradong gamot na naman ang nasa kabilang kamay nito. Nginitian ko naman siya at naupo naman ito sa tabi ko. "Masakit pa rin ulo at katawan," sabi ko at saka nagtangkang bumangon para umayos ng pwesto. Agad namang umalalay si Alphrase sa akin. "Sarap maligo sa ulan 'no, ate?" ani Ariella bilang pang-aasar sa akin. Agad naman akong natawa nang bahagya dahil doon. "Kinikilig na sana ako sa scene ninyo kaso nagising ako kanina na nagpapanic si kuya dahil ang taas daw ng lagnat mo." "Wrong timing ata na ginusto kong magpaulan," komento ko na sinang-ayunan naman niya. "Kumain ka na muna para makainom ka ng

