GILMARIE POV “Shot pa!” Tawa naman ako nang tawa dahil ang lakas na ng tama ni Clarisse. I am a little tipsy, too. Marahil ay dahil ito sa pag-aadjust ng katawan ko sa alak na matagal ko ring hindi tinikman. Bakit nga ba mas pinili kong hindi tumikim ng alak? Hindi ko rin alam. Kahit naman kasi malalasing ako no’n, pareho pa rin naman ang problema na mayroon ako paggising ko. “Wooh! Todo na ‘to!” ani pa ni Clarisse sa tunog Ruffa Mae Quinto at saka ininom ang laman ng baso niya kaya mas natawa ako. “Umiikot na ang mundo ko…” aniya pa at saka tumawa nang mailapag niya ang baso sa mesa. “Ay, mali. Hindi pa pala umiikot ang mundo ko…” she breathed, napailing naman ako, “kasi nakaupo lang naman si Andrius kaya…stable pa ang mundo ko.” Napatingin naman ako kay Andrius at napapailing-ilin

