GILMARIE POV Hindi ko na ulit nagawa pang lumabas ng kwarto matapos kong maglinis ng katawan at mula no'ng mangyari ang tagpo sa amin ni Alvarez kanina. Maraming beses na na nakaramdam ako ng gano'n but something felt weird...something felt different than usual. Gustuhin ko mang alisin sa isip ko ang mga tingin niya kanina, I couldn't do it dahil maliban sa tingin niya ay ginugulo rin ako ng sinabi niya kanina. That's out of his boundary. That's over the limit...para sa akin. Hindi ko lang alam kung may meaning ba lahat ng sinabi niya o ako lang ang nag-iisip no'n. But whatever, I don't want to see him for a while. Napatingin naman ako sa pinto nang biglang may kumatok. "Pasok..." I hesitantly said. Bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Ariella. Nagtuloy-tuloy naman ito sa higaan ko ma

