GILMARIE POV
"Let's go back to Manila, Alvarez," asik ko sa lalaking kakarating lang
Inabangan ko talaga ang pagbalik niya kahit pa medyo hapon na nang makauwi ito. Hinatid ko lang sa bahay na lilipatan namin ang mga gamit ko then I went back to the sea shore to wait for him. I even endured mosquito bites. Anemic na nga, sinisipsipan pa ng dugo. Mosquitoes are annoying!
Heather's presence made me realized na I have to go back to Manila, ASAP. I knew her from the very beginning, she's a backstabber two-faced b***h na handang gawin ang lahat just to steal everything away from me! They already took everything away from me when she and her mom came in to the scene! I won't let her do the same thing...not again!
He sighed. Bakas pa ang pagod sa mukha nito. "Nandito ka na rin lang, might as well sundin niyo na lang po ang gusto ng daddy niyo, ma'am," ani nito, tila hinahabaan pa ang pasensya sa akin.
I knew why he seems so irritated. It was because of what Ariella said earlier habang nasa hapag-kainan kami. But as much as I want to understand him, I really have to go back to Manila...or Heather will ruin everything I have right now. Being daughter of my father, Hanwill Saavedra, means that she's capable of getting—stealing rather, everything that I dreamed of.
"Pasensya na po talaga, pagod din po ako," ani Alvarez. I sighed saka tinanguan ito.
"Go get some rest, Alvarez," saad ko. Tinignan ko pa ang likod nito nang magawa niyang lampasan ako. You have to go back to the city, no matter what Gilmarie.
Nang magawa niyang humakbang ng ilan pang steps, I called him again. He looked at me, naghihintay sa susunod kong sasabihin. This time, ako ang napakamot sa batok ko.
"Next time, can you..." I paused, I bit my lip then looked away, "teach me how to operate a boat?" halos pahina nang pahina ang boses ko nang sabihin ko 'yon.
"Sige po," sagot nito then showed me a little smile. I replied with just a subtle smile then I waved goodbye, to not be rude.
I am sure, once na marunong na akong mag-operate ng bangka, I can sail back to Manila. I am also sure na I can learn about navigation sa google. Besides, google knows everything! But damn how? Walang signal dito.
Nang makabalik ako sa bahay na tutuluyan na namin from now on, hindi ko nadatnan si Alvarez. Maybe he's in his room. I entered mine saka sinalampak ang sarili sa higaan. Agad ko rin iyong pinagsisihan dahil nakalimot ako na hindi nga pala malambot ang higaan sa islang ito. Ininda ko tuloy ang sakit ng likod ko hanggang sumapit ang hapunan namin. Hinatiran nalang kami ni tita Amelia ng pagkain para hindi na raw kami lilipat-lipat pa. Sabay kaming kumain ni Alvarez ngunit ni ang mag-usap kahit isang salita lang ay hindi namin nagawa. When I finished my food, he volunteered na siya na ang maghuhugas. I thanked him for that and that's it.
Kinabukasan, I got up early dahil may kailangan akong gawin. I changed my outfit, from Derek Rose's silk sleepwear to just a Gucci oversize cotton T-shirt with strawberry print and a Gucci tweed shorts. Inayos ko na ang iba kong damit na pwede kong ipalaundry at saka lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Alvarez na naghahanda ng agahan, nagulat pa ito nang makita ang dami ng damit na dala-dala ko.
"Maglalaba ka?" tanong nito, I rolled my eyes.
"Hindi, magtatayo ako ng ukay-ukay riyan sa labas," I said, sarcastically.
He smirked. "Walang laundry shop dito, isla 'to," saad niya.
Omyghad! Omyghad! Omyghad! So, that means na kailangan kong labhan nang mano-mano 'to kung gusto kong malinis ang mga damit ko?! Ugh! I hate Heather for touching my things!
Tumikhim ako saka inayos ang posture ko. "Marunong ako magkusot ng damit," I said. At the back of my mind, maging sarili ko ay minumura ko na. I never washed my own clothes dahil ang daming laundry shop sa Manila! Wala ba silang washing machine rito?!
He shrugged at saka bumalik sa pag-aasikaso ng pagkain. Iniwan ko na siya roon at dumiretso na ako sa likod ng bahay. Luckily, may mga planggana na roon na pwede kong magamit. Isa-isa ko nang sinet-up lahat ng kakailanganin ko at saka binagsak lahat ng damit na dala ko sa isang plangganang nandun. I don't have any soap or powder with me so I guess I have to wash this nang hindi gumagamit ng ganun. Is that even possible? Ah basta! Ang mahalaga mawala ang bakas ng hawak ni Heather sa mga gamit ko!
Umupo na ako sa maliit na upuan saka nag-umpisang magkusot. Ingat na ingat ako sa paggalaw dahil baka masira ang kuko ko. As I said, my hand's one of my assets that's why I'm taking good care of it.
"Anong ginagawa mo?"
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Alvarez. Hindi ko nalang ito nilingon at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.
"I am washing my clothes, isn't it obvious?" saad ko
"Paglalaba ang tawag mo riyan?" my mouth opened wide nang tila nanghuhusga ang pagkakasabi niya nun. I faced him, crossed my arms then raised my brow.
"I saw this once sa movie noon, I am sure I am doing the right thing, Alvarez," I said.
"Ma'am, sa paglalaba, ihihiwalay ang puti sa de kolor. Sa paglalaba, gumagamit ng sabon or powder," saad nito, akmang sasabat na ako but I was dumbfounded when he reached out a soap, a powder, two packs of fabric conditioner and a little bottle of a bleach.
"Magwaswas ka na muna bago magsabon tapos dalawa hanggang tatlong banlaw bago mo ilagay ang fabric conditioner. Kalahating baldeng tubig ay sapat na para sa dalawang pack na 'yan," saad niya pa
Para akong batang nakikinig sa teacher niya sa kung ano o paano ang dapat gawin. I'll be honest, wala akong alam sa bagay na ito and I am quite glad na he came and taught me things I didn't know. I tried to hid my appreciation by saying a simple 'thanks'.
Tanghali na nang matapos akong maglaba. Maliban din sa sakit sa likod na iniinda ko, dumagdag pa ang sakit ng wrist ko nang matapos akong maglaba. Kitang-kita ang pamumula nito, maging ng mga daliri ko. Siguro ay dahil sa paggamit ko ng bleach or sa powder 'to? Contact dermatitis, maybe? Basta ang alam ko, mahapdi siya! I can't even wash my hands with clean water earlier dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa pamumula ng aking kamay.
"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ni Ariella nang magkita kami sa kubo sa tapat ng bahay nila.
"Naglaba ako and this happened," tugon ko.
"May pera ka, pwede kang magpalaba sa iba," saad nito. I looked at her.
"Sabi ng kuya mo ay walang laundry shop dito," saad ko
She nodded. "Oo, wala. Pero may mga nag-ooffer ng service rito gaya ng paglalaba. May manicure, pedicure, massage at kung ano-ano pa," sagot nito
Agad na nag-init ang ulo ko sa aking narinig. Hindi man lang sinabi sa akin ni Alvarez ang tungkol sa bagay na iyon! Just when I thought he was there to help me, hindi pala! I was so stupid to even thank him! Nagkandasugat-sugat pa ang kamay ko dahil pinilit kong maglaba when I can pay for someone who can do it for me!
Nagmartsa ako pabalik sa tinutuluyan namin, only to find him relaxing sa isa sa mga one seater sofa na nandun sa maliit na sala ng bahay na iyon. Agad niyang napansin ang pagdating ko pero he failed to realize that I am furious!
"Why did you lie?!" I asked him, pakiramdam ko ay naghuhurumintado ang sistema ko sa galit!
Kumunot ang noo niya sa tinuran ko. "Paanong...nagsinungaling?" he asked, takang-taka.
I scoffed. "You told me na walang laundry shop but Ariella told me na may mga nag-ooffer ng services dito like laundry so why you didn't informed me about that?!" singhal ko. My chest is pounding so hard, walang hupa ang pagtaas-baba ng balikat ko because of my inis!
His look became serious but he didn't utter a word, wala kahit isa. I got teary eyed in an instant. "Ito ba utos ng daddy ko?! Pahirapan mo 'ko?! Tell me, magkano binayad niya sa'yo at titriplehin ko!" halos pasigaw ko na siyang kinakausap but I don't care! This is his family's house which means that this is his territory but I won't let him na ganituhin lang ako! I don't deserve this! I don't deserve any of the pain I experienced!
"Hindi ito utos ng daddy niyo..." he paused, "sariling desisyon ko na po na huwag sabihin sa inyo na may mga nag-ooffer ng ganung serbisyo rito," saad niya, his voice is calm but the authority remains in there.
I sighed in disbelief. "You want to see me suffering, huh?!" I asked in a very sarcastic tone.
Umiling siya. "I want to see you improve, ma'am," ani niya. I couldn't find the right words to say para kontrahin ang sinabi niya. I don't even know kung may tamang salita pa na makakakontra roon. "Hindi sa lahat ng oras, may magsisilbi sa inyo, ma'am. Kailangan niyo pong matutong gumalaw nang kayo lang," dagdag niya.
I looked away. "Wala kang karapatan na magdesisyon para sa akin. I'm still your boss, Alvarez," saad ko in a compelling manner.
"Sorry kung pinanghimasukan ko kayo, ma'am. It was not my intention to hurt you o kung ano pa mang naiisip mo. My goal is to slowly teach you kung paanong maging independent," ani niya na muling nakapagpatahimik sa akin.
Nang hindi ko na magawang sumagot, umalis siya. I thought he's going to leave me speechless in that house but he came back na may kung anong lalagyan na dala. From the looks of it, it's a medicine kit. He held my wrist lightly, para hindi masagi ang namumulang parte roon at pinahiran niya iyon ng kung anong ointment. Somehow, I felt the relief when he did that. The soothing effect of that ointment made my wound less painful.
Iniabot niya sa akin ang ointment, nanatili lang ang tingin ko sa bagay na 'yon nang hindi iyon tuluyang inaabot. "Huwag na po muna kayong magbabasa ng tubig sa parte na 'yan. Tapos bago po kayo matulog, lagyan niyo po ulit nito. After two days, expect niyo na na magaling na ang sugat niyo," he said
Wala pa rin akong nasabi sa aksyon niya. It's not because kinikilig ako gaya ng kung ano ang madalas na nababasa sa ibang libro at napapanuod sa ibang palabas, but because I don't know why he's doing this. He wants me to improve and be independent. The question is, why? What for? May alam ba siya sa buhay ko? He's serving me for 2 years but that's it. Wala akong maalala na nagawa kong magkwento sa kaniya sa kung ano ang pinagdaanan ko sa buhay, ang tanging alam niya lang ay ang issue kay Paul. Maybe it was daddy who informed him? But that's impossible. Ni wala na nga siyang oras makipag-usap sa amin, kay Alvarez pa kaya?
"Kumain nalang po kayo, ma'am. May pagkain na po riyan at pagkatapos niyo, pakilagay nalang sa lababo ang hugasan. Ako na po ang bahala riyan pagbalik ko. May kukunin lang po ako kila nanay," saad niya pa
Tango lang ang naisagot ko, nakatingin pa ako sa ointment na hawak-hawak ko na nang tanguan ko siya. He left and I am still speechless. Itinabi ko nalang ang ointment sa kwarto ko saka nag-umpisa nang kumain. His mom's a great cook. I love the taste of sinigang na isda na nakahain sa maliit na lamesa namin ngayon and I knew, it's from his mom. I don't think Alvarez can cook. I mean, boys don't typically spend time learning kitchen related things. Or is that a hasty generalization? Hmm. Kahit papaano, that sinigang and the ointment made me feel a lot better. Gaya ng sinabi ni Alvarez, iniwan ko na muna sa lababo ang pinagkainan ko. Nanuod nalang ako sa maliit na TV na naroon, only to find na iisang channel lang ang meron sila. GMA 7. Typical province thing.
Maya-maya pa, Alvarez came back na may dala-dalang karton. Tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok kaya binalik ko na lang sa TV ang paningin ko. Narinig ko ang pagbukas niya ng gripo but I chose na ipako ang tingin ko sa TV. I sighed dahil sa palabas na napapanuod ko.
Naputol lang ang tingin ko sa TV at pagbuntong-hininga ko nang may iabot siyang kung ano sa akin. Kumunot ang noo ko sa bagay—or should I say pagkain na iyon. It has this light green color and bell-shaped body.
"What's that? Mini pears?" I asked.
To my surprise, tinawanan niya ako. Nabitawan niya pa ang dapat ay iaabot niya dahil sa kaniyang pagtawa. I raised a brow, hinihintay siyang matapos kakatawa ngunit ganun na lang ata ka-funny ang sinabi ko kaya di niya magawang tigilan.
"Wait—pfft! Mini pears...pfft!" he laughed again, sinusubukan niyang pigilan ang tawa niya but he failed. I tsked at saka binalik nalang sa TV ang tingin. Kabagan ka sana kakatawa!
"Tunog..Britney Spears..." he said in between his laugh. Halos mapaupo na rin siya kakatawa. Mas lalo akong naiinis dahil hindi ko na maintindihan ang pinapanuod ko dahil sa lakas ng tawa niya. Isa pa, hindi ko rin alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. That fruit resembles pear kaya akala ko pear 'yon, but a mini version because it's quite small.
"Hoh!" pagbunga niya ng hangin pero natawa pa rin kalaunan. Sari-sari pa ang ginawa niya para tigilan ang pagtawa niya but wala sa mga iyon ang nagpatigil sa kaniya.
"The f**k, Alvarez!" asik ko sabay turo sa gawi ng TV. "Nanunuod ako so kung tatawa ka lang nang tatawa, labas ka nalang o kaya'y roon ka sa kwarto mo mag-stay!"
"Sorry, ma'am—pfft!" Sinamaan ko na siya ng tingin nang akmang tatawa na naman siya.
"Ano ba kasi 'yan?!" mataray kong tanong, tukoy sa prutas na hawak niya na ulit.
"Makopa, ma'am. Hindi po mini pear—pfft!" natawa ulit siya but when he noticed na hindi na ako natutuwa, he stopped. "Sorry, ma'am!"
"Okay, not familiar with that thing," saad ko saka nanuod nalang ulit.
Naghugas ulit siya, siguro ay nung mga makopa pa na dala-dala niya. I thought he will stopped bugging me but nope, I was wrong. Inabutan niya ako ulit.
"Again, hindi ako pamilyar—"
"Masarap 'yan, ma'am! Promise! Hindi po 'yan kakanta ng 'oops! I did it again' o di kaya ng 'hit me baby one more time'—pfft!"
I rolled my eyes sa korning joke niya. Kumuha lang ako ng isa saka kinagat iyon. It taste...different. Juicy, spongy-like texture but it's somehow sweet.
"Lagyan niyo po ng asin para mas masarap," ani pa ni Alvarez saka inabutan ako ng asin
I tried it and he's right, it became much better.
"So, kelan tayo babalik—" he cut me off, tila nahulaan na ang itatanong ko
"3 months, ma'am. After nun, ibabalik na kita sa siyudad," saad niya
I sighed. "Okay. Just make sure na tutuparin mo 'yan or else, I'll kill you," banta ko
"With mini pears—" awtomatikong lumipad sa gawi niya ang makopang hawak ko, "okay, okay, hindi na," saad niya, natatawa.
I'll make sure na wala na rin siyang babalikang trabaho! I hate him so damn much!