GILMARIE POV "Alam mo, dinaig pa ako ni kuya mo sa pagkamoody!" Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinasabi kay Ariella 'yan pero gaya ng makailang beses din ng pagrereklamo ko ay tinatawanan niya lang ako. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko because I am not joking. Ever since that dinner happened, sobrang mood swings na ni Alvarez. I don't know what happened to him o kung sino ang sumapi sa kaniya but he's extra sarcastic everytime na magkakausap kami, lalo pa kapag nasa paligid si Kael. Napadalas din kasi ang pagiging magkausap namin ni Kael and I don't see any problem with that. Mabait na bata si Kael and he's funny, too. "Ang hirap niyang igets!" dagdag ko at saka muling kumain ng kasoy na nasa platong hawak-hawak ni Ariella. Dito kami nakatambay sa kanila dahil

