GILMARIE POV Sabay kaming dumating ni Heather sa opisina dahil may kailangan itong ipareview na papeles sa akin para sa isang possible investor ng Saavedra's pharmaceuticals. Hinihingi nito ang opinyon ko kung magiging feasible ba ang partnership at kung ano ang mga magiging benefits no'n sa kompanya niya. Somehow, natutuwa na rin ako na nagagawa niya nang lumapit sa akin pagdating sa trabaho. She used to treat me like her rival pagdating sa mga ganitong bagay but that was way, way back. Bago ako nagsimula sa pagtatrabaho ay nireplyan ko muna ang message ni Alphrase na halos isang oras nang nakaimbak sa inbox ko dahil naging abala ako sa pag-aayos ng sarili kanina dahil sa importanteng meeting ko mamayang alas diyes. I smiled nang magreply rin ito agad sa mensahe ko. "Gosh, I can't im

