GILMARIE POV Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hinayaan ko na lang din munang matulog pa si Ariella tutal ay maaga pa naman. Nag-ayos na ako ng sarili ko at saka lumabas ng kwarto. Sakto namang paglabas ko ay nandoon si Alphrase at nagluluto ng agahan. "Good morning," I greeted. Agad akong nilingon nito at saka nginitian. "Good morning. Kumusta ang tulog mo? Sa kwarto mo pala nakitulog si Ariella kagabi. Pasensya na sa abalang dinulot ng kapatid ko." Tumango ako. "Oo, sa akin siya nakitulog. Isa pa, ano ka ba, wala namang problema kung makitulog siya sa tinutulugan ko, Alphrase, so no worries." Nginitian ako nito bago siya bumalik sa ginagawa niya. Ako naman ang nag-asikaso ng mga platong gagamitin naming tatlo sa agahan dahil abala pa ito sa pagluluto. "Pakidagdagan pala ng

