CHAPTER 20

1411 Words
GILMARIE POV Hindi ko man nakikita ang sarili ko ay alam kong magang-maga na ang mata ko sa kaiiyak kanina. Ariella was there and I am quite glad na wala siyang sinabi sa akin. She was just there, trying to make me calm. Hanggang ngayon ay tahimik kaming bumababa ng signalan. Ayaw kong magsalita at mukhang gusto rin irespeto ni Ariella ang desisyon ko na manahimik dahil hinayaan niya lang din ako sa gano'n at hindi na ako kinulit pa.  I am hoping na ngayon ay alam na ni Ariella kung gaanong mas maganda ang buhay na mayroon siya kaysa sa buhay na mayroon ako. I may have the money, the capacity but I am not happy. Money can give me a very comfortable life but cannot buy happiness na noon pa man ay gusto ko nang maramdaman. I want to be genuinely happy, hindi ganito na pakiramdam ko ay lugmok na lugmok ako.  Nang makarating kaming muli sa pampang ay mas bumagal ang paglakad ko. Hinayaan ko lang na mabasa ng dagat ang mga paa ko because somehow, it makes me feel at ease. Hindi ko alam kung paanong nagagawa ng dagat ang gano'ng bagay but being here on this place, somehow gave me comfort. Kung nasa siyudad ako at harap-harapan kong narinig mula sa bibig ni Daddy ang lahat, paniguradong sobra na naman akong maistress. At least ngayon, nagkasamaan man kami ng loob, nabawasan ang dapat kong isipin dahil malayo kami sa isa't isa.  "Ate," Ariella called. I looked at her at kagaya ko ay mas pinili rin nitong dumaan sa kung saan ay nababasa ng dagat ang paa niya. "Hindi ko alam kung anong problema mo sa pamilya mo pero lagi mo pong tatandaan na magiging maayos din ang lahat."  I smiled a little. "Thanks for that, Ariella," saad ko.  "Alam ko po na katagalan, lahat ng pain na nararamdaman ninyo, mawawala rin," aniya pa.  Malungkot naman akong napangiti sa tinuran niya dahil alam ko mismo sa sarili ko na hindi totoo ang bagay na 'yon. There are some scars of yesterday na sobrang hirap nang gamutin at kahit kailan ay tila hindi na hihilom. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay kayang gawing maayos ng panahon. Sadyang may mga sugat na gagawa ng marka and no matter how hard you try to heal it, hinding-hindi iyon mangyayari. I know it because I am on that page right now. Gustuhin ko mang umalis sa pahinang 'to pero madali lang siyang sabihin at napakahirap gawin. It's as if wala akong choice dahil ito ang reyalidad ko.  Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kaming muli sa kanila. Si Ariella ay tumuloy na agad sa bahay nina mama at papa niya habang ako naman ay pumasok na rin sa tinutuluyan namin ni Alvarez. Nasa pinto pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang boses ng isang babae at ni Alvarez na nagtatawanan sa kusina. Dahil sa shelf na nagdidivide sa sala at kusina ay hindi ko gaanong mamukhaan ang babae.  Nang mukhang maramdaman nila ang presensya ko ay medyo humina ang tawanan nila. Ayaw ko mang makita nila nang tuluyan, madadaanan ko ang kusina kung pupunta ako sa kwarto ko. I heaved a deep sigh at saka nagdesisyong pumasok na nang tuluyan. Tutuloy-tuloy lang sana ako sa kwarto ko nang marinig ko ang pag-hi ng babaeng kasama ni Alvarez. I tried my best to smile when I looked at her. Maganda siya, katamtaman lang ang katawan and I must say, for an island girl ay masyado siyang maputi. "Hi," I greeted back. Nang lingunin ko si Alvarez ay seryoso lang itong nakatingin sa akin. Inalis ko sa kaniya ang tingin ko at saka binalik sa babae. "Papasok na muna ako sa kwarto ko," paalam ko.  She smiled. "Mamaya labas ka rin ulit ha? Sabayan mo kami kumain," aniya at saka muli ay ngumiti nang mas malapad pa sa kanina. "Ipinagluto ko kayo ng sinigang na hipon dahil maraming dala sina papa." "Sure," I answered back at saka muling nagpaalam. Nang maisara ko ang pinto ay naalis din agad sa labi ko ang ngiti. She got this vibe na sobrang gaan kaya kahit hindi ko siiya kilala ay alam kong mabait siyang tao but still, I couldn't trust her that fast. Based on how close her and Alvarez are, mukhang matagal na rin silang magkaibigan.  I took a quick shower. Hindi ko naman naalis sa isip ko ang mga sinabi ni Daddy kanina. His words were like a knife na paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko. I smiled bitterly when I remembered na gusto niya pang sisihin ang damit na suot ko. This is my body, bakit ako mag-aadjust sa mga taong nasa paligid ko? Isa pa, kahit ano namang suotin mo, kung may bastos na tao na nakapaligid sa 'yo, mababastos at mababastos ka pa rin. Bakit hindi nila subukang sabihan ang mga bastos na tao na matutong rumespeto? Bakit hilig nilang pagbintangan ang taong nabastos na? Like...that's a dumb argument to start with. Besides, babae pa rin ako. Sino ba namang babae ang gugustuhin na mabastos siya? I went to that bar to have fun, para damayan ang kaibigan ko. Hindi ako pumunta roon para mabastos lang nang kung sino, maikama lang ng kung sino... Agad akong napaangat ng tingin nang muli ay mamuo na naman ang luha sa mga mata ko. All I wanted is the justice I deserve. Habang nandito ako sa isla na 'to, ang lalaking nambastos sa akin ay naroon sa siyudad. Prolly having some fun with another set of girls. Also, for Dad to believe me, even for once. Kasi hindi naman ako magsisinungaling sa gano'ng bagay pero kahit anong paliwanag ko, inilalaban niyang lasing ako kaya paano ko malalaman kung ano ang ginawa ko? And that, Paul's a celebrity. Dahil nalilink siya sa akin, makakaapekto rin sa career niya ang ginawa ko. I was even labeled as cheater dahil sa nangyari noong gabing 'yon.  Dali-dali kong pinunas ang luha ko nang may kumatok sa pinto at narinig ko na ang boses ni Alvarez.  "Susunod ako," sabi ko ngunit sadyang makulit ang isang 'yon at sinabing hindi siya titigil hangga't hindi ako lumalabas. Nahaluan tuloy ng inis ang lungkot na nararamdaman ko. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya nang magawa kong buksan ang pinto. Inirapan ko ito at akmang lalampasan na pero bago pa man ako makalampas sa kaniya ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko.  "What?" iritableng tanong ko. I toned down my voice a bit nang makita kong napatingin sa gawi namin ang babaeng kasama namin. "Kung nang-iinis ka lang, please huwag ngayon," asik ko kay Alvarez at pilit na inaalis ang hawak niya.  "May problema ba?" he asked. His voice is full of sincerity ngunit hindi ko magawang ipakita sa kaniya na mayroong problema at malaki iyon. Wala rin naman akong aasahan na iba kundi ang sarili ko. Kinaya ko ng ilang taon, I am sure kakayanin ko rin ngayon.  "Nothing," I said at saka inalis na ang pagkakahawak niya. Napatingin ako sandali sa likod ng babaeng ngayon ay pumasok sa banyo at saka ako muling tumingin sa gawi ni Alvarez na nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko naman nagustuhan ang awa sa mga mata niya. "Kung mayroon mang problema, labas ka na ro'n."  "Hindi lahat ng tao ay sasaktan ka lang, ma'am," aniya. Sinabi niya 'yon sa akin na parang ang dami-dami niyang alam kaya napangisi ako sa inis.  "Really, huh?" I asked sarcastically. "You don't know anyrhing, Alvarez—" he cut me off.  "Bakit hindi mo subukang ipakilala sa akin ang sarili mo?" he asked in a very serious manner.  I gritted my teeth at saka sinalubong ang tingin niya sa akin. "Matuwa ka na lang sa kung paano mo 'ko nakilala dahil hindi mo na ako magagawang tignan nang ganito kung malalaman mo lahat-lahat sa akin."  Iniwan ko na siya at saka naupo na sa lamesang naroon. Sakto naman ding lumabas na ng kusina ang babaeng kausap ni Alvarez na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. Wala ring imik si Alvarez nang maupo ito kasama namin. Doon din ay nalaman kong ang babae pa lang kasama namin ngayon ay ang Kamisha na sinasabi ni Ariella kanina. Kahit pa gaano ko gustuhin na kumain nang tahimik noong mga oras na 'yon ay hindi ako pinatahimik ni Kamisha. Masyado siyang maraming kwento...at hindi ko nagugustuhan na masyadong magaan ang loob ko sa kaniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD