GILMARIE POV "Anong pinag-usapan ninyo ng kapatid ko?" tanong sa akin ni Alphrase nang makapagsolo kaming dalawa. Para mapabilis ang pamimili ay napagkasunduan naming apat na maghiwa-hiwalay. Si Andrius ay gusto pa sanang makasama ako dahil kailangan niya raw akong bantayan ngunit hindi ito nakaporma kay Ariella nang hilahin siya nito. Lumingon ako kay Alphrase at bahagya itong tinaasan ng kilay. "Bakit? Makikichismis ka?" panunukso ko rito. He chuckled a bit and my heart skipped a beat because of the sound of his laughter. Napakaganda pa ring pakinggan ng paraan ng pagtawa nito. "Mukha kasi kayong seryoso kanina sa pinag-uusapan ninyo," aniya. "Hindi ka naman niya inaway, 'no?" This time, ako ang natawa. "What made you think na aawayin ako ng kapatid mo? Stop overthinking at mami

