GILMARIE POV Hindi ko alam kung ilang oras pa kaming nagtagal ni Alvarez sa harap ng dagat. Basta ang alam ko lang ay nakauwi na sa kani-kanilang bahay ang kanina lang ay kasama naming nag-iinuman at kaming dalawa na lang ang nandoon sa tabing-dagat, parehong tahimik, nakatingin sa buwan na ang liwanag ay nagrereflect sa tubig at parehong malalim ang iniisip. Ubos na rin ang alak na hawak ko at wala na rin ang tama ng tuba sa akin. Sa nangyaring pag-iyak ko ba naman kanina. hindi na rin nakakapagtaka na wala na akong tama. Maging sina tita Amelia ay umuwi na rin dahil walang kasama si Ariella sa bahay nila at isa pa'y gabi na rin daw. Mukhang napansin nga rin ni tita Amelia ang pamamaga ng mata ko kaya tinanong nito kung okay lang daw ba ako o kung inaway na naman daw ako ni Alvarez but

