Ngiting-ngiti ako habang pinagmamasdan ang mga eroplano na kasalukuyang nag-te-take off. Nasa gilid ako nakaupo at nakaharap sa salamin ngayon dito sa airport, naghihintay kay Zayn. After how many days na pamamalagi sa kanilang villa sa Aldwyne ay dumiretso kami dito dahil kailangan na naming mag-abroad. He told me before na may mga business conference siya kaya ganoon. Bumuntong-hininga ako at umayos ng upo. Luminga ako sa paligid at napabuga ng hangin nang makitang wala pa rin si Zayn. Nassan na kaya 'yon? Don't tell me iniwan na niya ako? He also told me earlier na aayusin lang niya 'yung tickets namin papunta sa US. I don't know where exactly basta US. Mabuti na lang at nagawa niya akong kuhanan ng passport in just three days. Perks of being a Sandoval. Sumandal ako sa upuan at

