Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zayn habang naglalakad kami sa lobby ng Sandoval building dito sa Aldwyne. Kitang-kita kasi sa mga tao dito ang pagkalito. Siguro dahil ang alam nila ay si Madison ang asawa ni Zayn kaya nagulat sila dahil ako ang kasama nito at buntis pa. Napayuko nalang ako at bumuntong-hininga. Lumingon ako kay Zayn ng maramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko and smiled at me, an assuring smile that tells me everything will be fine. I just sighed and smiled back at him. Pagpasok namin sa opisina niya ay agad akong bumitaw mula sa kanyang pagkakahawak at umupo sa sofa. Itinaas ko pa ang mga paa ko sa center table na nasa harap ko at humilig sa sandalan. "Tired?" Tanong niya. "Oo. Ang bigat na kasi ng dala ko." Sagot ko. Bahagya siyang natawa at agad lum

