Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa pinto ng unit namin ni Zayn. Pinipilit kong alalahanin ang nangyari kung bakit ako nauwi dito sa labas habang nasa loob naman si Madison at nasa piling ng asawa ko. Kinusot ko ang aking mga mata at huminga ng malalim ng mapagtanto ko na wala na talaga akong magagawa. Mukhang ito talaga ang bagsak ko dahil kahit kailan ay hindi ako magiging una at isa parin akong kabit. Dahan-dahan akong tumayo at pinulot ang mga damit na itinapon ni Madison. Napakawalanghiya talaga ng babae na iyon! Isa-isa ko itong inilagay sa maletang kasama nilang itinapon sa harapan ko, pagkuwa'y sinara. Pinakatitigan ko ang maleta at nag-flash back sa akin 'yung araw na pinalayas kami sa Diamond Street dahil pag-aari na raw iyon ng mga Sandoval. Great, ngayon ay pag-aa

