2

1910 Words
China Pov: Sunday ngayon maaga ako natapos sa trabaho kaya dumaan muna ko sa Mall para makapagunwind naman kahit papano.Naglibot libot muna ko dito sa HighStreet naghahanap na din ako ng makakainan para pag uwi ko matutulog nlang ako. Dumiretso nako sa Food district at don naghanap ng makakain after ko makaorder naghanap na ako ng mauupuan at nagumpisa ng kumain.Kinuha ko ang cp ko at balak kong magtxt kay Bella alam ko nagaalala na yun sa akin.2mons nako di nagpaparamdam sa kanila.Di na din kasi ako nagopen ng social media ko.Iniuninstall ko ang mga apps.Whatapps lang ang nakalagay sa akin at kailangan sa trabaho namin. Chin: Hi Bella kamusta? Its me China. Naring naman agad ang cp ko.. Bella's calling.. Chin: Hello Best. Bella: Gaga ka asan ka? Chin: Oi umiiyak kaba? Hahahaha stop crying loka ka. Bella: Gaga ka pinagalala mo kami lahat.Asan kaba kasi?Bakit ngayon ka lang nagparamdam.Akala ko may masama ng nangyari sayo. Chin: Hahaha okay lang ako Bell.Sorry i know bigla nlang akong nawala at di nagparamdam.Sorry na.Wag kana umiyak. Bella: Nakakainis ka China.Bakit ngayon mo lang ako tinawagan. Chin: Sorry na nabusy lang sa work..Kamusta na kayo? Bella: Eto halos mamatay sa pagaalala sayo.Asan kana ba? Chin: andito ko ngayon sa Manila.Dito ako nagttrabaho sa BGC sa Zobel. Bella: What happen Chin?Bakit di ka nagsabi sa amin o kahit sa akin man lang? Chin: Nakipaghiwalay sya sa akin di na daw nya ako mahal eh.Pero wag na natin sya pagusapan Bell i dont wanna hear anything about him.Tapos na yun sa amin.Masaya na ko for him alam ko naman may bago na. Bella: Kamusta ka Chin? Chin: Okay nga ako.Okay na ko Best dont worry about me okay? Bella: Kelan ka uuwe? Chin: Hmm di ko alam. Bella: San ka nakatira? Chin: Nangungupahan ako sa Taguig. Bella: So eto na ang new number mo? Chin: Yup save mo na.Delete mo na yun dati. Bella: Kelan ka magkukuwento sa akin Chin. Chin: Soon pag ready na ako. Bella: pupuntahan kita jan gusto kita makita. Chin: Nxt time sobrang busy lang Bell andami namin project.Sobrang busy ko sa work wala akong dayoff di rin kita maasikaso.Kasi lagi ako nasa out of town. Bella: edi dalawin mo nlang kami. Chin: Hmm alam mo naman kung bakit di puwede diba.Ayoko na muna sya makita Bell masakit pa. Bella: Chin. Chin: alam ko maiintindihan nyo ko eh.Basta txt txt. Bella: Bakit ba kasi di ka man lang nagrereply sa sss mo e nagmmsg kami sayo? Chin: Sobrang busy lang Bell.Maganda yun napasukan kong company..Maayos magpasuweldo puro nga lang OT.Wala akong time sa ganyan bagay.Pero dont worry makakausap nyo nako ulit.Pero pls wag nyo na bigay kila Kuya yun number ko kayo kayo nlang sana nila Zoe. Bella: Sige.But promise me China lagi ka maguupdate para di ako nagaalala.Gaga ka iyak ako ng iyak nagalala ako ng sobra. Chin: Hahahaha sorry na..Stop crying na. Bella: Sasabunutan talaga kita Chin pag nagkita tayo. Chin: hahahaha Wag kana magalit.Kamusta ang barkada? Bella: Same same miss ka na namin lahat Chin di kumpleto ang barkada pag wala ka. Chin: kaw naman di man ako totally nawala.Nagliwaliw lang. Bella: Grabe pagliliwaliw China ah 2 mons mahigit na walang paramdam. Chin: Hahahaha nabusy lang ikaw naman. Bella: Gusto kita makita bruha ka. Chin: okay ako Bell dont worry okay? Tawagan nalang ulit kita pauwe na kasi ako. Bella: Txt moko palagi ahh pls naman maguupdate ka. Chin: Hahaha oo na. Ingat kayo pakisabi kila Zoe namimiss ko na sila at kamusta sa lahat.Bye Best love you. Bella: Bye best ingat ka palagi love you andito lang ako Chin alam mo yan. After namin magusap ni Bell tinapos ko lang ang pagkain ko saka ako dumiretso sa grocery para mamili ng stocks ko sa apartment..Pagkatapos ko maggrocery nagtaxi nako pauwe buti nlang di ako naipit ng traffic kaya 8pm lang nasa bahay na ako.. Third Party Pov: "Hon daanan kita jan mga 8pm?"-Matt "Okay hon..Nga pala may sasabihin ako sayo."-Bella. "Ano yun?"-Matt. "Nagtxt na si China sa akin."-Bella. "O e kamusta naman daw sya?"-Matt. "Okay naman daw sya.Nagttrabaho na."-Bella. "Nagkuwento ba about sa nangyari sa kanila ni Ax?"-Matt. "Di masyado.Sabi lang nya nakipaghiwalay sya sa akin best di na daw nya ako mahal.Ayaw na daw nya pagusapan pa.Ayaw na daw nya makarinig ng balita anything about kay Kuya Ax.Alam na din nya may bago na si Kuya Ax."-Bella. "Huh alam nya?"-Matt "Yup sabi nya lang masaya na daw sya para kay Kuya Ax.."-Bell "So kelan sya babalik dito?"-Matt. "Di nya daw alam..Mukang wala ng balak saka umiiwas eh."-Bella "Bakit?"-Matt. "Kasi sabi ko pupuntahan ko sya sabi nya busy sya..Ayoko muna pilitin atleast nagparamdam na sya diba."-Bella "Sabagay nga.Kahit naman ako ganon gagawin ko eh.10yrs tas sa hiwalayan lang pala mauuwi-Matt. "Nako kaya nga galit pa din ako jan sa bestfriend mo.Bilis nakamove on ng gago."-Bella. "Ewan ko ba kay Ax obvious naman na di nya type si Aria.Tignan mo nga di man pinapansin."-Matt. "Ewan ko talaga jan sa bestfriend mo Hon.Ang layo naman ni Chin kay Aria.Mayaman si Aria oo may attutude naman.Kaloka mabigat talaga dugo ko don.Sana lang talaga may makilala si Chin na lalaking mamahalin at papanindigan talaga sya.Ang gago kasi ng kaibigan mo eh..Pinatagal pa ng 10 taon un kanila ni China.Kung ako talaga si Chin di ko na babalikan yan si Kuya Ax.."-Bella. "Ako naman gusto ko sana magkabalikan pa sila.Parang di ko sila nakikita na may ibang makakasama."-Matt "Nako for me wag na. Kasi kung nagawa ni Kuya Ax iwanan si Chin magagawat magagawa nya yun ulit yun.."-Bella. Andito kami ngayon sa bahay ni Jacob nakatambay.Kami kami palang nila Zoe andito sila Kuya Eli wala pa daw kaya kinausap ko sila Zoe andito kasi kami sa pool are si Matt at Kuya Jacob busy nagiihaw. "Girls.. "Yes Bell? "Nagtxt na sa akin si Chin tinawagan ko na nagkausap na kami. "O ano balita sa kanya? "Di naman masyadong nagkuwento.Saglit lang din kami nagkausap.Okay lang daw sya nagttrabaho na daw sya sa Zobel nasa BGC sya ngayon.Kamusta daw sa inyo namimiss na daw nya tayo. "O e kelan daw sya uuwe? "Di nya daw alam umiiwas eh. "Edi puntahan nlang natin. "Busy daw sya panay daw OT at out of town.Pero wag daw tayo magalala okay sya.Eto number pero atin atin nlang daw wag na daw ipamigay sa iba. "Ano daw ba nangyari bakit sya bigla nalang umalis. "Di nga nagkuwento sabi lang nakipaghiwalay daw si Kuya Ax sa kanya.Wag na daw namin pagusapan si Kuya Ax ayaw na daw nya makarinig ng about kay Kuya Ax..Masaya na daw sya para kay Kuya Ax. "Ohhh she know? "Yeah alam nya may bago na.. "Aww Chin.. "Naaawa pa din ako kay Chin sa totoo lang.Never ko naisip na magagawa ni Kuya Ax yun sa kanya kasi nakita naman natin pano sila nagsimula. "Kaya nga grabe din naman effort ni Kuya Ax kay Chin.Pinaglaban talaga nya kila Tita Amanda. "Kaso ending iiwan din pala nya.Ako napansin ko na lately something off na sa kanila di nyo ba napansin. "Yeah di ba nga napaguusapan naman natin.Lagi tahimik si Chin.Obvious na mugto ang mata panay lang deny. "Feelin ko si Kuya Ax ang may problema sa kanila.Kasi sa kanilang dalawa kay Kuya Az may nagbago e. "Kaya nga.Para syang bigla naging cold kay China noh? "Yeah saka si Chin non bago sila naghiwalay.Panay nawawala noh.Yun pala nasa sementeryo kila Tita. "Naaawa ako kay China.Kanina non kausap ko sya ramdam ko naman nasasaktan pa sya.Oo tumatawa sya pero alam nyo yun di talaga sya masaya.Parang kailangan nya lang magpanggap sa akin para di ako magalala sa kanya. "Stop crying Bell.. "Naawa kasi ako kay China.San kaya yun nakatira ngayon.Edi ba may kamaganak man sila di man nya kilala. "Tawagan nga natin ngayon.. "Wait sana sagutin.. "8:30 naman na malamang naman yan nasa bahay na. Calling China.. China: Hello Zoe? Zoe: miss you na Chin Elise: Chin uwe na. Gia: China kamusta kana. Bria: Namiss kana namin. China: Miss you guys.Kamusta kayo? Zoe: Chin tara andito kami kila Kuya Jacob nakatambay.Bday ni Kuya Finn. China: hmm miss ko na yan tambay natin pag weekend..Ano ganap? Gia: China kamusta kana? China: okay lang ako girls dont worry about me.Buhay pa naman busy lang talaga sa work. Bria: Hmm dalawin ka namin Chin? China: soon girls sobrang busy lang namin sa office.Iset natin. Elise: Chin madami bang boylet jan? China: hahaha yeah madami. Gia: Madami na ba nangliligaw sayo. China: Nako wala pa sa isip ko yan G.Alam nyo naman..Pero malay natin soon.Im.not closing my door nagaantay lang ako ng tamang lalaki. Zoe: So may nanliligaw na? China: Hahaha wala di naman ako nageentertain.May mga nagpaparamdam kaso inuunahan ko na.Ayokong magpaasa. Bell: Push mo na Best im sure makakatagpo ka jan ng matinong lalaki. China: Hahaha wala pa sa isip ko yan.Career muna.Saka nagsisimula palang ulit ako.Sarili ko muna.Kung may dadating okay kung wala okay lang din.. Elise: China sa ganda mong yan imposibleng wala magkagusto sayo. China: Hahaha kayo talaga.Afam ang hahanapin ko para sure na cute ang magiging anak ako. Bella: ay bet push mo Best. China: joke lang ikaw naman. Zoe: Chin di na kami sanay wala ka. Gia: oo nga Chin ang lungkot na. China: Puwede naman tayo magtawagan na ulit.Txt txt.. Elise: Chin ayaw mo ba pagusapan yun nangyari. China: Wag muna girls masakit pa eh.But im okay.Tanggap ko na.. Gia: Basta Chin lagi mo tandaan andito lang kami. Bria: oo nga Chin alam mo naman isang tawag mo lang. Chin: i know salamat girls.Kumpleto kayo? Zoe: kaming girls oo.Pero eto na pala ang boys speaking of the devil dumating na.Yeah andito na lahat. Chin: Pano sige na enjoy..May gagawin pa kasi ako.Ingat kayo lagi.Miss you guys. Bella: ingat ka Chin Love you Best. Chin: Hahaha love you all girls pakicheck si Bella baka umiiyak na naman ah.Kayo na muna magpatahan. Zoe: Hahahaha sige kami na bahala.At naiyak na nga. Pagbaba namin ng tawag nakatingin naman sila sa amin. "Sino kausap nyo Hon? "Si Chin.. "Ohhh nagparamdam na si Chin? "Yes Kuya Eli.. "Kamusta naman sya daya bakit sa akin di nagttxt.. "Hmm antayin mo nlang baka soon kontakin ka din non. "Balita kay China. "She's fine.. "Hmm asan daw sya? "Secret.. "Daya bakit ayaw nyo magkuwento. "May gago kasing makakadinig.. "Zoe your mouth. "Sorry.. "So kamusta nga sya. "Okay naman daw sya busy lang naghahanap ng Afam.. Nagtawanan tuloy kami nila Gia. "Siraulo ka Bella mamaya maniwala mga yan."-bulong pa sa akin ni Bria. "Tignan nyo si Kuya Ax.Nakasimangot na."-Bulong ko pa sa kanila. "Huh Afam? "May bf na si China? "Secret. "Di nga? "May mga nangliligaw na sa kanya Afam. "Ohhh sabagay maganda si Chin di na kataka taka. Binulungan kami ni Gia.Kaya nagbubulungan kami dito. "Tignan nyo si Kuya Ax halata mong naiinis. "Bakit naman sya maiinis e sya nga may jowa na. "Pano akala nya hahabulin sya ni China. "Nako kung ako kay China magbbf talaga ko ng magbbf.Sa ganda nyang yan di malabo magkajowa un don.BGC pa. "Wag kayo maingay wag na wag nyo ipapaalam asan si Chin sa boys.Baka malaman ni Kuya Ax. Nagkukuwentuhan kami dito sa pool area sila Matt nasa may bilyaran at naglalaro.Lumapit sa amin si Kuya Ax. "Bella can we talk. "If its about kay Chin wala ka mahihita sa akin Kuya Ax.Galit pa din ako sayo. "Pls. Tinignan ko lang sya ng masama kita ko naman malungkot syang tumalikod nlang at bumalik sa bilyaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD