11

3669 Words
Third Person POV: Lumipat kami sa bahay ni Jacob at kanina pa mainit ang ulo ni Bella kay Ax.Sila Eli at Levi namili ng alak at pulutan sa labas kaya kami nila Ax Jacob at Finn ang naiwanan dito. "Kamusta ka Ax?"-Tanong ko pa sa kanya kasi kanina ko pa napapansin malungkot sya at tahimik lagi lang nakatingin sa cp. "Nitry ko sya tawagan kaso nidecline nya.Nagpm ako pero niseen lang.."-Sagot pa sa akin ni Ax. "Bakit umaasa ka bang sasagutin ka ni China?"-Jacob. "Oo nga Ax.Alam naman natin magkasama sila ng bf nya."-Finn. "Taena Pre ang sakit.."-Ax. "Oh akala ko ba di mo na mahal si China.Bakit bigla ka nagkaganyan.."-Matt. "Taena ang gago gago ko .."-Ax. "Taena buti alam mo.Ngayon mo lang narealize?"-natatawa pang sagot sa kanya ni Finn. "Ewan ko ba naman kasi sayo bakit mo hiniwalayan noon.Ang buong akala namin pagkagraduate ni Chin papakasalan mo."-Jacob. "Alam mo Ax diko alam anong naging problema nyo ni China pero nakita ko lahat ginawa ni Chin bago kayo naghiwalay.Bilib nga ko sa babaeng yun.Apakamartir hindi na mabait e kasi sa totoo lang kamartiran na yun pagtitiis nya sayo bago mo sya hiniwalayan.."-Matt "Alam mo Pre diko akalain kaya mong iwan si China noon.Akala ko talaga magbabago pa isip mo.Kasi lahat kami saksi kung gaano mo sya kamahal.Grabe sampung taon."-Finn. "Pinagsisisihan ko naman lahat ng yun.."-sagot pa sa amin ni Ax. "Pero tama naman si Bella eh.Bakit mo sasabihin mahal mo pa si Chin kung may Aria.Alam mo di ko masisisi si China kung naghanap na sya ng iba kasi ikaw nga isang buwan palang kayong hiwalay may kapalit na agad si Chin eh.."-Matt. "Oo nga diba sabi nila Zoe alam ni Chin na may gf kana?"-Jacob. "Nagtataka nga ako pano nya nalaman kasi kuwento ni Bella di man sila ang nagsabi."-Matt. "Kaya yun nagbf na.If nalaman nya may bago kana..Bakit nga naman sya magaantay sayo..Kahit ako naman si China bakit ako magmumukmok pustahan di lang si Liam ang naging manliligaw niyan mula non umalis dito.."-Finn. "Di naman na kataka taka.Ligawin si China kahit noon pa.."-Jacob. "Oo saka diba may mga pahapyaw sila Bella na naghahanap ng afam..Baka naman may nakadate din na Afam.."-Matt. "Pero nagulat ako sa sinabi nila.Crush pala talaga ni Chin si Liam noh.Dati kasi pag nakikita ko sila naguusap sa Cafe akala ko wala lang..Pero si Liam obvious na type na nya si Chin dati pa.."-Finn. "Noon ko pa yun napapansin kaso sabi nya wala lang yun.Nauna lang talaga akong nagtapat kay China."-Ax. "Nagulat ako kanina non pinakilala ni China..Nagulat din ako non naghalikan sila e alam naman andon tayo sa videocall.."-Finn "Ang malaking katanungan ngayon.Pumayag kaya si Chin na magpakasal?"-Jacob. "Yun lang..Sa style ngayon ni Chin na iwas sa atin lahat wag na tayong magulat kung mabalitaan natin may asawa na sya."-Matt "Tsk..Kailangan ko sya makausap agad.."-Ax. "Anong balak mo kay Aira?"-Finn. "Nakikipaghiwalay na nga ako at buwisit na buwisit nako sa kaartehan nya.."-Ax. "Anlayo kay China noh?"-Matt. "Walang wala kay Chin."-Ax. "Ewan ko ba naman kasi sayo anong naisipan mo at nakipaghiwalay ka."-Jacob. "Aminin mo nga sa amin Ax."-Matt. "Ano yun?"-Ax. "Non nakipagbreak ka kay Chin umasa kang maghahabol sya sayo o hindi sya papayag sa breakup?"-Matt. "Nasasakal kasi ako.Akala ko pag naghiwalay kami magiging okay.Pero non umuwi ako sa bahay namin narealize ko.Di ko pala sya kayang mawala.Taena di ko na mahanap.Alam nyo naman kung san san ako nakaratong mahanap lang sya diba.."-Ax. "Alam mo kasi anong problema? Naging kampante ka masyado kay China.Kasi si Chin ayaw na ayaw nya nagaaway kayo.Madalas nga alam namin ikaw ang may kasalanan pero madalas si China pa ang nagsorry o kaya naman isang sorry mo lang okay na kayo.Sya yun tipong ayaw nya nagaaway kayo ng matagal ganon ka nya kamahal.Kahit ako nagtaka non pumayag nlang sya makipaghiwalay sayo eh.."-Matt. "Pero grabe noh tinaon talaga nya tulog ang lahat non nagpm sya aalis sya.Kasi if yun nabasa agad nila Zoe malamang napigilan nila si Chin umalis.."-Jacob. "Magdamag sya naglinis ng bahay.Lahat ng gamit nya sa bahay inalis na.Wala kang makikitang trace.Pati bedsheet unan gamit sa kusina kurtina towel as in lahat.Yun bahay ko naging bachelors pad.Yun tipong pagpasok ko sa bahay diko nakilala kasi binago nya talaga yun ayos.Unang pinuntahan ko yun closet nya.Wala malinis na malinis..Don ko narealize na iniwanan nya na talaga ako..Non sinabi ko gusto ko na makipaghiwalay habang pauwe kami kita ko yun sakit sa mga mata nya akala ko sasabihin nya lets fix this pero ang sabi nya lang bakit so sinabi ko di ko na sya mahal.Non binitawan ko yun salitang yun alam kong kahit di sya umiyak alam ko nasaktan ko sya ng sobra.Non sinabi nya ihatid ko sya sa bahay at hayaan ko muna sya mapagisa ittxt nlang daw nya ko pag nakaalis nya.Sinabihan ko pa sya di naman nya kailangan umalis kasi bahay nya din yun pero sagot nya sa akin bahay ko never nya naging bahay yun simula non naglivein kami alam ko naman ako yun problema lagi ko sya inaaway lagi ko sya sinisigawan.Wala na daw ako responsibilidad sa kanya kasi hiwalay na kami.Okay lang daw sya kaya nya magisa.Non hinatid ko sya sa bahay bago sya bumaba ng kotse taena yun ang huling beses na nadinig ko yun boses nya.Sabi nya sa akin Love i love you so much magiingat ka lagi..Bumaba na sya at di nako nilingon pero pinairal ko yun pride ko kahit alam ko sa sarili kong gusto ko syang pigilan umalis pa din ako.Non nagtxt sya sa akin kinaumagahan na aalis na sya akala ko pupunta lang sya kay Zoe o dito lang sa San Felipe.Di ko akalain aalis sya dito.Paguwe ko ng bahay tinanong ko pa sa guard if nakita nila umalis si Chin ang sabi mga dalawang oras na nakaalis at may dala nga daw maleta.Nagulat nga daw sila non nagpaalam si Chin sa kanila.Una kong pinuntahan ang sementeryo pero sabi non guard sumaglit nga don si China nagbilin pa daw na lagi linisan ang puntod nila Tita at baka matagalan sya bago makadalaw.."-Ax. "Sa atin lahat ikaw ang nakakaalam gano ka minahal ni China.Kaya kung gano ka nya minahal malamang ganon din sya nasaktan sa nangyari.."-Jacob. "Grabe galit na galit sayo sila Bella.Kung alam mo lang ang iniyak ni Bella noon nalaman nya nakipagbreak ka kay China.."-Matt. "Pati kaya sila Zoe.."-Jacob. "Grabe noh dalawang buwan mahigit bago sya ngparamdam kila Bella.Ano kayang nangyari sa kanya noh?"-Finn. "Buti nga kamo nagparamdam pa kasi kung ako yun di na ko magpaparamdam.."-Matt. "Taga san ba si Montemayor kasi matagal ko na di nakikita yan dito sa atin.?"-Ax. "Ang alam ko may branch sila sa Cebu sya ang nagmamanage.Kasi ang nagmamanage ng branch nila dito yun parents nya.."-Matt. "Pero wag ka kahit mayayaman mga yun apakabait ng magulang non.Sabi ni Mommy yun Mom ni Liam akala mo di nya nanay kasi di daw tumatanda apakaganda pa din kasi..Nagpunta sila sa warehouse namin at namili ng furnitures para sa bahay ata ng anak nya pero diko alam sinong anak.Walanjo akala ko talaga chix kasi grabe ang sexy at ang ganda ganda tas ang bait bait pa kahit mga tauhan namin yun din ang comment apakadown to earth daw talaga.."-Finn "Oo balita ko mababait yun parents ni Liam sila ang constructor ng isang store namin eh.Magaling din sa negosyo.Kahit si Liam yun branch daw sa Cebu napalaki ni Liam."-Jacob "Pano nga kaya sila nagkita noh? Saka pano nya nalaman na single si Chin.."-Matt. "Hello yun sss kaya ni Chin single nakalagay saka walang ng trace ni Ax.Baka naman sa Cebu yun convention.."-Finn. "Oo nga noh.Meaning all this time nasa Manila lang si China?"-Jacob. "Ang tanong nlang san sa Manila?Bakit di mo sya nahanap non sa Manila?"-Matt. "Ganito gawin mo Ax.Nabasa mo yun comment sa post ni Liam.May nabasa ako nagcomment sya Thank you boss check mo baka malaman mo san sya nagwowork.."-Finn. Kaya kinuha naman ni Ax ang cp nya at nakita namin parang may hinahanap. "Yun Cade Zobel?"-Ax. "Basta yun ang sabi ni Chin thank you boss.."-Finn. "Oo eto nga.Zobel Enterprises Inc. So sya ang mayari ng Zobel?"-Ax. "Patingin nga?"-Jacob. Nakita ko naman binigay ni Ax ang cp nya kay Jacob. "Oo sya one of the youngest Billionaires in the country.May pinsan din yan yun mayari ng shipping company bilyonaryo din.Pamilya sila ng mga bilyonaryo.Di lang sa Pinas ang negosyo nila kahit sa abroad kung sa Zobel ngttrabaho si China.Balita ko mahirap makapasok jan pero maganda ang benefits kaya madami nagapply pero kokonti lang ang nakakapasa malaki kasi magpasahod.Saka malilibot mu talaga ang Pinas kahit around the world pa.."-Jacob. "Nako if jan nagttrabaho si China.Malabo mo na mapauwi yan ng San Felipe."-Matt. "Ang tanong nga kamo baka mamaya dahil sila na ni Montemayor baka mamaya palipatin na sya ni Liam sa kumpanya nila."-Finn "Di malabo mangyari yung matalino si China.Kahit san mo dalhin yun magagawa nya ang trabaho nya ng maayos.."-Matt. "Yun lang tas niyaya na magpakasal.Kaya kung ako sayo Ax habang dipa sila kasal kumilos kana.."-Finn. "Gusto ko sya makausap ngayon..Matt puwede mo ba syang tawagan?"-Ax. "Anong sasabihin ko?"-Matt. "Ako na kakausap."-Ax "Baka magalit sa atin sila Bella nito.."-Matt. "Please?"-Ax. "Wait ill try to message her first pag nagreply sige.."-sagot ko pa kay Ax. Kinuha ko naman ang cp ko at nagpm na ako kay Chin.. Matt: Hi Chin can i call? Di naman sya nagrereply.Nakaonline pero di nagseseen. "Di niseseen.."-sabi ko pa kay Ax. "Antay antayin natin..Baka sakali sumagot.."-Ax Dumating na sila Eli dala ang alak na pinabili ni Ax at pulutan..Pero andamu alak na binili. "Bakit apakadami nyo naman binili?"-Jacob. "Edi ba magluluksa si Ax..Tinutulungan ko na nga ohh dinagdagan ko na.."-Eli. "Gago ka talaga Eli.."-Finn. "Bakit nagsasabi lang naman ako ng totoo..Ano ka ngayon kala mo di kayang ipagpalit ni China.."-sabi pa ni Eli.Never naman pinagpatulan ni Ax si Eli kung dahil lang kay China.Malapit kasi si China kay Eli sa amin lahat si Eli ang pinaka Kuya nya.Kaya si Eli galit na galit kay Ax non naghiwalay sila.Kasi sana daw di na pinatagal ng sampung taon kung iiwanan lang pala ni Chin. "Eli chill.."-awat pa ni Jacob.. "Pano gago niyan kaibigan nyo.Mahal nya iniwanan nya tas kung kelan nakahanap ng iba saka nya guguluhin."-Eli. "Hayaan na natin sila magusap ni Chin.Kahit naman magalit tayo kay Ax si Chin pa din ang magdedesisyon sa huli.."-Matt. "Kalokohan nlang pag nakipagbalikan pa sa kanya si Chin..Ako boto ako kay Liam.Kilala ko yun lalaking yun matino.Alam ko nasa mabuting kamay si China.."-Sagot pa ni Eli "Mabait nga din yun pamilya non noh?.."-Finn. "Yup kilala ko yun Mom and Dad nya.Kahit mayayaman napakadown to earth.Kahit mga kapatid nya mababait din.."-Eli. "Nagreply na si Chin.."-sabi ko kay Ax. "Anong sabi?"-tanong naman agad nya sa akin. "Wait...Hmm sabi yes Kuya may problema ba?"-Basa ko naman sa message ni Chin.. "Tawagan mo na?"-Ax. Chin POV: Kachat ko sila Bella ngayon.Si Liam naman busy kakuwentuhan sila Lukas. Kumakanta sila Yara at Stacey habang sila Keily naman nagsasayawan kaya nahila ako nila Vera.. "Chin come here..Join us.."-Natatawa pang hila sa akin ni Vera. Natawa naman kami ni Liam.Pano yakap yakap ako ni Liam nakasandal naman ako sa kanya. "Wait lang Hon.."-Paaalam ko pa kay Liam. "Okay di ka titigilan ng mga yan.Enjoy.."-natatawa pang bulong ni Liam sa akin saka ako mabilis na hinalikan sa labi. Binitawan ko ang cp ko at ipinatong sa katabing mesa.At nakisaya kila Vera. "Nako Chin dito ka sa amin.Boring yan mga boys."-sabi pa ni Keily. "Oo nga negosyo na naman pinaguusapan.."-Laurine.. "Nako kilala nyo naman ang mga yan pag magkakasama puro trabaho ang topic.."Vera. Kumakanta sila Yara ng Dancing Queen kami naman nila Vera sumasayaw at nakikikanta.Tawanan pa kami ng tawanan kay Keily at bigay na bigay sya sa paggiling. "Kei mamaya mahihila ka na naman sa sulok ni Mateo.."-Biro pa ni Laurine. "Nako kanina pa nga ko niyaya mag quickie.Kaloka pinagbigyan ko na kanina gusto na naman umisa.."-natatawa pang bulong ni Keily kaya kami lalo nagtawanan. "Hahaha grabe talaga libido nyo magjowa diko kinakaya.."-biro naman ni Stacey kaya lalo kami natawa. "Chin halos ayaw kana pakawalan ni Liam eh. "-Biro pa sa akin ni Vera. "Kaya nga e panay nakapulupot sayo.."-sabi pa ni Laurine. "Hahaha gusto nya daw kasi sulitin yun time na magkasama pa kami.Kasi diba uuwi nako sa Monday pag nasa Manila nako bibihira na kami magkita not unless luluwas sya o pupunta ako dito."-Sagot ko naman sa kanila. "Nako China sabihan mo kami paguuwi ka ahh para makagimik naman tayo.."Sabi naman nila sakin. "Oo nga girl.." "Sige sige. "Ediba luluwas din si Liam sa Monday? "Yup may aasikasuhin ata sya.Kaya baka weekend pa balik non.. "Nako susulitin talaga niyan un oras na magkasama kayo. "Yeah sinabihan na nga ako pag nasa Manila sya gusto nya sa condo nya ako magstay.Gusto nga nya lumipat na ako don.Kaso sabi ko okay naman ako sa apartment ko.Pag nasa Manila nlang kako sya don ako uuwi.."-paliwanag ko pa sa kanila. "Nako di kana papakawalan niyan."- "San kaba nakatira sa Manila? "Nagrerent ako sa Taguig. "Ohb nagrerent ka pala bakit ayaw mo pa lumipat nlang sa condo ni Liam.Sayang naman kasi wala tao don pag wala sya. "Bago pa lang kasi kami.Ayoko din yun may masabi yun family nya sa akin.. "Nako sila Tita Leina ba iniisip mo? Im sure pag nakilala ka non magugustuhan ka.. "Oo nga girl ako na nagsasabi sayo sa lahat ng nakilala kong mayaman yun future in laws mo ang napakabait wala akong masabi.Di ko pa nakita yun nagalit. "Hehehe nagiingat lang ako.Ayoko lang talaga yun may masabi sa akin yun ibang tao.. "Nako alam mo girl wag mong isipin yun sasabihin ng iba kasi ako ah gagawin ko kung san ako magiging masaya.Wala ako pakialam if pagtsismisan ba ako.. "Oo nga ako din kaya..Kami nga ni Mateo kasal nlang kulang lagi kami sinasabihan ng mga Tita ko magpakasal na kesa mabuntis ako ng di kami kasal.Sagot ko nga sa kanila sa nageenjoy pa kami magbahay bahayan e bakit ba.Exciting kaya pag galit ako sa kanya banned sya sa condo ko.Edi pag magasawa na kami di ko na sya puwede palayasin.. "Hahaha sira ka talaga Keily. "Nako kilala nyo naman si Mateo topakin din apakaseloso pa.Akala man nya ipagpapalit ko sya. "Hahaha patay na patay sayo yan si Mateo ehh. "Nako sinabi mo pa.Pag kami lang dalawa lagi nya sinasabi sa akin ako lang daw ang babaeng minahal nya ng sobra. "Hahaha obvious man sa inyo dalawa kaya. "Ngayon pati si Liam nakikitaan ko na din ng ganyan.Apakaclingy ehh. "Hahaha yeah mula non nagkita kami non convention di na kami naghiwalay. "Susko obvious naman kay Liam type na type ka.. "Hahaha siguro kung naging kayo non una ka nya niligawan baka kasal na kayo. "Hahaha baka..Crush na crush ko sya noon kaso may nililigawan kasi sya dati kaya akala ko natutuwa lang sya sa akin.Alam nyo ba pag nakikita ako niyan sa cafe lagi ako binibigyan ng cakes at drinks.Lagi din kami magkatxt.Kaso ayoko lang talaga bigyan ng kulay at may nililigawan sya. "Bagay naman kayo e.For sure ang cucute ng magiging anak nyo pag nagkataon.Gusto mo bang magkaanak? "Ofcourse gusto ko tatlong anak.Gusto ko kasi may kalaro magiging anak ko.Kasi diba ako only child ang lungkot non namatay parents ko ako nalang magisa.Madami akong friends pero syempre iba pa din pag kadugo mo diba.. "Oo ah kami kaya anim na magkakapatid.Masayang magulo. "Kami nga tatlo lang lagi pa nagaaway pero mahal naman namin isat isa asot pusa lan talaga.. "Hahaha nakakainggit di ko naranasan yan.. "Nako pag nagkaanak na kayo ni Liam mararanasan mo na yan.Saka girl mababait magiging inlaws mo si Leona pag nameet mo nako magkakaroon ka ng baby sister. "Sabi nga ni Liam ipapakilala nya daw ako pagbalik namin Manila.Bukas kasi Mom at mga Lola at lola nya ata ang dadalawin namin. "For sure makakasundo mo sila.. After namin magchikahan bumalik na kami sa table.Lumapit na ako may Liam at umupo niyakap naman agad nya ako. "Mukang nagenjoy kayo magkuwentuhan Hon.Antagal nyo don tawa pa kayo ng tawa.. "Hahahaha napasarap lang ang tsismisan. "Yun cp mo kanina pa tunog ng tunog. "Nako sila Bella yan Hon nakikichismis. "Nabasa ko nga mga comment nila sa post ko e.Pati si Eli nagcomment.Alam mo bang ex sya ng pinsan ko si Peony. "Really pinsan mo si Peony Hon. "Yeah kaya nakakasama ko na si Eli dati. "Malapit kasi ako kay Kuya Eli sa kanila boys bff ko si Kuya Eli. "Mabait yun noh? Sayang nga naghiwalay sila ni Peony. "Asan naba si Peony Hon? "Nasa Canada na.Andon kasi yun side ng Mom nya. "Ohh kaya pala di ko na sya nakikita.. "Yeah kinuha silang magkakakapatid.. Tumunog naman ang cp ko kaya kinuha ko muna.Si Liam naman nakipagkuwentuhan ulit kila Sid.Nakasandal pa ako sa kanya habang yakap yakap naman nya ako. Nakita ko andami pm nila Bella pero di ko muna iniopen ang gc.Nakita ko nagpm si Kuya Matt sa akin kaya iniopen ako. Matt: Hi Chin can i call? Nagtataka naman ako kaya nagreply ako. Chin: Yes kuya may problema ba? Nakita ko naman tumatawag sya kaya nagpaalam muna ako kay Liam. "Hon sagutin ko lang tong tawag.. "Okay sige..Pero wag kang magtagal okay? "Okay.."-Sagot ko sa kanya at tumayo na ako.Bumulong pa ako bago ko umalis. "Wag ka magpapakalasing Hon ah.I want to cuddle later."-bulong ko pa sa kanya saka mo sya hinalikan sa labi.Nakita ko naman sya ngumiti. "Okay Hon. Lumayo muna ko sa kanila at nagvivideoke sila Yara. Naglakad lakad muna ko papunta sa dagat saka ako umupo sa bench.Alam ko naman safe kasi kami lang ang tao at tanaw naman ako ni Liam. Nagring ulit ang cp ko sakto kakaupo ko lang kaya sinagot ko na ang tawag. Chin: Hi Kuya Matt anong atin?May problema ba? Ax: Love ( sa halip na boses ni Kuya Matt boses ni Ax ang nadinig ko.Di ko alam anong mararamdaman ko galit sakit inis lungkot saya ewan.Di ako nakasagot agad.Tahimik lang akong napabuntong hininga habang nakatanaw kila Liam.) Chin: Anong kailangan mo sa akin Ax kasi sa pagkakaalam ko bago ako umalis ng bahay mo nakuha ko na lahat ng gamit ko.Wala din akong naiisip na kailangan pa natin pagusapan malinaw naman sa akin ang lahat non huli tayong nagusap..Wala naman akong utang sayo.Wala din akong naiwanan utang sa kumpanya nyo. Ax: Love sorry. Chin: Stop it Ax. Ax: Pls give me a chance to explain myself.Mahal na mahal kita Chin. Chin: Hahahaha mahal? Sa pagkakatanda ko nun huli tayong nagusap nilinaw mo sa akin di mo na ako mahal kaya mo nga ko hiniwalayan diba?.Di mo lang naman sinabi sa akin e.Pinaramdam mo sakin di mo na ako mahal..Saka mahal mo ko? Nagpapatawa kaba? O sadyang gago ka lang..Alam mo Ax wala akong panahon sayo.Kung di ka masaya sa buhay mo di ko na problema yun.Wala ka ng aasahan sa akin Ax.Masaya nako sa buhay ko ngayon. Masaya ako kay Liam Ax.. Ax: Love pls gusto kita makita.Just give me another chance to prove to you na mahal kita. Chin: Alam mo Ax wag mo na akong pagaksayahan ng oras.May gf ka naman na diba.Sya ang kulitin mo.Saka may mahal na akong iba.At magpapakasal na din ako. Ax: Love pls. Chin: Stop bothering me.Di ba halata ayaw na kitang makausap.Tumawag kana kanina diba i decline it.Don palang sana alam mo na ayoko kitang makausap.Matalino ka naman diba.Wag mo na kong tatawagan the next time na tawagan moko gamit ang account nila Kuya Matt pati sila ibblocked ko.Antagal ko nanahimik Ax.Okay na ako you dont need to worry about me.If ang inaalala mo eh yun pangako mo kay Papa.Okay na Ax.Im better off without you. Ax:Love pls. Chin: Taena naman Ax.Ano pa bang gusto mo? Wala kang mahihita sa akin.Wala pa din akong maipagmamalaki.. Ax: Love pls. Chin: Bye Ax.Sana ito na ang huling beses na maguusap tayo.Napatawad na kita if yun lang ang gusto mong marinig sa akin.Okay na ako Ax naka moveon na ako.Nakapagsimula na din ako.I told you you dont need to worry about me kaya ko ang sarili ko.Nakaya kong magisa Ax.Kaya ko at kakayanin ko.."-saka ko binaba ang tawag at naramdaman kong tumulo ang luha ko.Akala ko tapos na yun sakit pero bakit ang sakit sakit pa din.. Tinawagan ko si Liam at pinalapit ko sa akin kaya Inayos ko ang sarili ko.Paglapit naman nya sa akin yumakap agad ako sa kanya.Para bang hinang hina ako at kailangan ko ng taong masasandalan.Napansin siguro ni Liam kaya tinanong nya ako. "Are you okay Hon? "Yes Hon.. "Sino bang tumawag? "Si Ax pero kaya ko sinagot gamit nya kasi ang account ni Kuya Matt.Akala ko si Kuya Matt ang kausap ko. "Why anong kailangan nya? "Gusto nya daw akong makausap. "Hmm bakit daw? "Mahal nya pa daw ako.Natatawa nga ako eh. "Mahal ka pa nya.Diba ang kuwento mo kaya kayo naghiwalay sya ang nakipaghiwalay sayo kasi di ka na nya mahal. "Yeah kaya nga ko natatawa eh kasi di lang naman nya sinabi sa akin eh.Mahigit isang taon nya pinaramdam sa akin di na nya ako mahal.Ewan lang anong drama nya.Wag na natin sya pagusapan.Nilinaw ko na sa kanya na ayoko na sya makausap.Okay na ako masaya nako nakamove on na ako at tayo na.. "Buti naman.How are you? "Im just pissed..Kasi kanina tumatawag sya non nagonline ako nidecline ko na tawag nya tapos ngayon pati sila Kuya Matt idadamay nya pa sa kagaguhan nya..Lumayo na nga ako sa kanila para maging maayos ang lahat eh.. "Shhh its fine.Di mo naman na sya mahal diba? "No, galit ako sa kanya.Kasi sampung taon ang sinayang ko sa kanya.Tas anong palagay nya sa akin na pag sinabi nya mahal nya pa ako magkakadarapa ako pabalik sa kanya.Masaya ako sa Hon.Mahal kita yun ang nararamdaman ko ngayon.Sinabi ko sayo kasi ayoko maglihim sayo Hon.Ayoko pag awayin natin sya kasi not worth it. "I love you..Hayaan mo na sya. "I love you Li.Masaya ako sa kung anong meron tayo.Gusto kong magwork kung ano tong nasimulan na natin. "Me too.Wag mo na sya isipin okay? "Thanks Hon. " "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD