China POV:
Mabilis lumipas ang mga araw.Puro trabaho ako at gusto ko talaga makaipon.Kaya si Liam ang lumuluwas ng Manila para madalaw ako.Kaso sa sobrang busy ko madalas kahit weekend may pasok ako..Kaya panay sya nagtatampo sa akin.Kagaya ngayon busy ang sked ko buong week. Nakasked ako pumunta sa Bohol, Tagaytay at Bataan..Panay pakiusap ni Liam sa akin na magresign na ako sa Zobel at sa kanya nlang magtrabaho kaso di naman ako maka Oo at may pinagiipunan talaga ako.Malaki kasi ang kinikita ko sa Zobel lately inaabot ng 300k plus ang sinahod ko kaya malapit ko na mabayaran ang utang na iniwanan ni Mama.Nakisuyo kasi ako kay Bella na baka puwede nya makausap si Manang Cecil kasi may nakarating sa akin balita na gustong ibenta ng anak ni Manang ang bahay na nabili nila sa amin at nagbabalak na magmigrate sa Canada.
Bella txt:China nakausap ko na si Manang Cecil at si Shyla oo nga daw binebenta na nila yun bahay kaso grabe naman 650k e diba 400k lan nila yun binili sa inyo?2 taon pa lang naman nila nabibili
China: Nagmamadali ba Bella?
Bella: Asap daw sana China kasi may job offer si Shyla.Panggastos pangayos ng papel.Tinanong ko kung puwede hulugan sabi naman baka daw kaya mo magdown ng 400k.Pero mas maganda kung makakausao mo sila ng personal.
China: Ttry ko this weekend Best sasaglitin ko.Gusto ko mabawi yan bahay namin.Alam kong importante yan kila Mama.
Bella: If need mo ng pera puwede naman kita pautangin hulugan mo nlang ako pag kaya mo na.
China: Thanks Best.Pero kaya ko pa.
Bella: Gusto mo ba bilhin ko muna kila Manang.Atleast di na nya ialok sa iba kasi may kausap na din sila Shyla buyer nxtweek ata pupunta dito sa San Felipe.
China: Dont worry magaawan ko ng paraan yan Bell.Try ko dumiretso jan sa Friday.Abisuhan kita.Salamat.
Buong weekdays akong busy sa trabaho.Kaya kahit si Liam di ko makausap ng matagal at may kinoclose deal akong malaking client.Gustong gusto ko talaga madeal to para may pangbayad ako sa bahay namin.
Nagtatampo pa si Liam at balak sana nya bilhan ako ng ticket papunta Cebu kasi nga di sya makaluwas at may tinatapos na project.Magcecelebrate sana kami ng 2nd monthsary.Kausap ko sya ngayon sa whatapps.
"Hon please bibilhan nlang kita ng ticket?"-lambing pa sa akin ni Liam.
"Hon sorry may kailangan lang talaga akong asikasuhin.Nagmamadali kasi sila Manang baka maunahan ako may buyer din daw kasi yun anak nya..-paliwanag ko pa sa kanya.
"Told you ipapaayos ko nlang sa tao namin sa San Felipe.Di mo na kailangan magpunta.Ako na bahala.Alam ko naman yan bahay at utang ni Tita nlang ang pumipigil sayo para magresign sa Zobel..Lemme i can help..Bf mo ako Chin.
"Hon pls hayaan mo naman na ako don.Kaya ko pa naman..
"Kaso pinapatay mo naman katawan mo kaka overtime anong oras ka na lagi umuuwe.Told you wag kang mag OT pag weekends pero OT pa din.
"Sorry na babawi ako sayo..
"Diba talaga ako importante sayo Chin?
"Li sorry na wag kana magtampo.
"Alam ko naman may pinagiipunan ka pero told you i can help.Kahit anjan ako sa Manila puro trabaho pa din inaasikaso mo.Ilan araw nalang tayo magkasama pag lumuluwas ako pero nasa opisina kapa.
"Sorry na.Babawi ako promise.
"Sige na alam kong busy ka.Saka nalang tayo magusap kasi kahit naman anong sabihin ko di rin naman magbabago ang isip mo.
"Hon.
"Sige na Chin.May gagawin din ako.
"Liam?
Binaba na nya ang tawag.Alam kong lately subsob ako sa trabaho kasi nga gusto ko talaga mabili yun bahay namin.
Lately lagi nagtatampo sa akin si Liam alam ko naman kasalanan ko kaso sinabi ko naman sa kanya may mga priorities din ako..Gusto kong mabayaran at mabili ang bahay namin na sarili kong sikap.
Lately napapadalas tuloy pag magkausap kami nauuwi sa away.Di naman away na sigawan pero alam mo yun away na alam mo masama ang loob nya sa akin.
Sumasakit tuloy lalo ang ulo ko sa dami ng isipin ko.Utang nila Mama,yun bahay namin, si Liam at Ax.Di ko alam anong uunahin ko para tuloy akong sasabog.
Friday na pero si Liam nagtatampo pa din sa akin.Dapat kasi pupunta ako ng Cebu ngayon pero eto ako pauwe ng San Felipe at may usapan kami nila Manang Cecil bukas na magkikita.Tinatawagan ko si Liam pero di ako sinasagot.Matindi talaga ang topak kaya tnxt ko nlang.
Chin: Hon pauwe ako ng San Felipe.Kay Zoe ako tutuloy.I miss you.
Liam: K.
China: Busy ka?
Liam: Oo.
China: I love you.
Liam: Kung mahal mo ko talaga magresign kana sa Zobel.Nahihirapan na ako sa LDR.
Kaya tinawagan ko na sya..Huminto muna ko sa fastfood chain na nakita ko at nagpark muna.
Calling Liam...
China: Hon.
Liam: Sinabi ko na Chin anong gusto ko.
China: Di naman ganon kadali yun Hon.Alam mo naman may obligasyon akong tinatapos.
Liam: Magpakasal na tayo.Tutulungan kita mabayaran ang utang nila Tita at mabili yun bahay nyo just lemme.
China: Liam pls wag naman natin pagtalunan to.
Liam: Di mo ba akong kayang piliin Chin?
China: Di naman sa ganon.May kontrata ako sa Zobel.Alam mo naman yun diba.
Liam: Nakiusap din ako sayo halos wala kana oras sa akin.Lagi ka nasa out of town.If di naman ot lagi mas nakikita kapa nga ata ni Axel kesa sa akin.
Chin: Pati ba si Ax pagaawayan na naman natin.
Liam: Kaya nga kita pinagreresign na sa Zobel at pinapauwi dito sa Cebu para di ka na din nya makulit.
China: Lahat naman sinasabi ko sayo Hon diba.Di mo ba ko kayang intindihin nlang?Wag na tayong magaway.
Liam: Ako ba Chin kaya mong intindihin?Unahin mo naman ako.
China: Babawi ako promise.
Liam: Sinabi mo na yan sa akin pero busy ka pa din lagi.Masama bang hilingin makasama ko ang gf ko.
China: I miss you Hon mahal kita.
Liam: Then do what i want Hon pls?
China: Hon wag kana magalit soon promise.
Liam: Saka na tayo magusap pag kaya mo na kong piliin.Nakakasawa ng ipilit ang gusto ko.
China: Li naman..
Liam: Sige na kasi wala din papatunguhan tong usapan natin.Gawin mo na yan gagawin mo magttrabaho nlang ako.
China: I love you.
Liam: Kung mahal mo ko alam mo ang gusto ko.(saka nya binaba ang tawag lately lagi ganito ang daloy ng usapan namin ni Liam.)
Bumiyahe na ako pauwi sa San Felipe.Alam ni Cade na di ako mag OOT ng weekends at nagpaalam akong magleave ulit ng 2days.Balak ko after ko kausapin si Manang Cecil bbiyahe agad ako pabalik ng Manila at ppunta akong Cebu.Gusto kong ayusin ang tampuhan namin ni Liam.Alam ko naman malaki ang pagkukulang ko.Aminado akong busy ako lately.
Usapan namin nila Bella sekreto lang ang paguwi ko unang plano magstay ako ng weekend sa San Felipe pero pano ko gagawin yun kung naiipit naman ako sa tampuhan namin ni Liam..
Alam kong umuwe muna si Axel sa San Felipe at nagkaroon ng malaking problema sa kumpanya nila at pinauwe muna sya ng Lolo nya.Pano ko alam nagpaalam sya sa akin 2weeks ago..Halos isat kalahating buwan na din sya nasa Manila at pabalik balik sa Zobel para lang kausapin ako.May time pa na nagabot sila ni Liam sa Zobel kaya pinagawayan namin ni Liam ng matindi..Nasstress ako sa nagiging takbo ng relasyon namin ni Liam.Mahal ko sya pero di ko naman mabitawan ang Zobel.May mga priorities ako kailangan unahin.Ilan beses ko na pinaliwanag sa kanya ýun kasi ang gusto nya sya na gagawa ng paraan para daw matapos na.Ewan parang may pumipigil sa akin.Dati pa naman ganito na ako ayoko inaasa sa iba ang problema ko kahit non kami pa ni Ax.Kasehodang magtrabaho ako habang nagaaral.Ayoko talaga ng issue sa ibang tao lalo na kung dahil lang sa pera kasi pinalaki talaga ako nila Papa na wag umaasa sa iba..
Pagdating ko sa San Felipe 6pm na usapan namin nila Bella sabay sabay kami magdidinner sa bahay nila Zoe..Non malapit na ako sa subdivision nila bakit nasasaktan pa din ako..Malapit nako sa gate pero nagpark muna ako sa gilid kasi tumulo ang luha ko.Naalala ko non araw na umalis ako dito.. Non araw na akala ko di na ko makakarecover sa sakit.Akala ko kaya ko na akala ko okay na ako ehh .Pero bakit ang sakit sakit pa din.Hinayaan kong tumulo ang luha ko di ko alam para na akong sasabog sa dami ng iniisip kong problema.Nagkasabay sabay yun problema ko sa sarili ko sa relasyon namin ni Liam sa utang at bahay namin..Di ko na alam anong gagawin ko.Iyak lang ako ng iyak kasi feelin ko ang bigat bigat na.Tumunog ang cp ko at nakita kong nagpm sa akin sila Vera sa GC.
Vera: Chin magkaaway ba kayo ni Liam?
China: Mejo nagkakatampuhan bakit?
Keily: Andito kasi kami sa resto nila Laurine.Pero nakita namin si Liam kasama yun Ex nya magkasama sila ngdidinner.Alam mo ba to?
(nisend sa akin ang picture)
China: Hindi pero kanina non tinawagan ko sya nagtalo na naman kami.Gusto nya kasi ako umuwe jan at di sya makakaluwas magcecelebrate sana kami ng 2nd monthsary kaso nasabay yun lakad ko importante talaga to kaya di ko maikansel.
Vera: Bakit lately ata panay kayo nagkakatampuhan?
China: nahihirapan kasi sya sa sitwasyon namin.Di nya kaya ang LDR. Gusto nya magresign na ako at sa kanya na magtrabaho.Sinabi ko naman sa kanya may kontrata ako sa Zobel may tinatapos lang akong obligasyon.May utang kasi iniwanan ang Mama ko bago namatay pinangpagamot ng Papa ko non nahospital.Malaki laki din yun.Nabenta din kasi ang bahay namin tas nabalitaan ko na gusto ibenta ng nakabili sa amin kaya pinagiipunan ko talaga mabuo yun pera.Aminado naman ako sobrang busy ko lately puro ako OT kasi nga gusto kong matapos yon.
Yara: Diba nagooffer si Liam na bayaran nalang yan para matapos na..
Chin: nagoffer naman kaso ako yun umayaw.Ayoko kasi iasa sa iba yun mga obligasyon ko.Kaya din ako di pumayag na magpakasal kami agad.Gusto ko tapos ko na mga problema ko bago ko magasawa.Ayoko naman pakasalan si Liam problema ko agad ang ibubungad ko sa kanya.Willing naman sya kaso ako ang umayaw.
Stacey: alam mo China naiintindihan kita naiintindihan ko din si Liam.Pero kung mahal mo talaga si Liam sana ayusin nyo agad to..Kasi kilala ko yan ex nya kakabalik lang nito pero sa pagkakakilala ko mahal nya talaga si Liam at sa nakikita ko gagawin nya ang lahat bumalik lang si Liam sa kanya.
China: Alam nyo girls diko na alam para na akong sasabog ngayon.Sobrang stress ko na.Sa work, sa amin ni Liam sa problema ko..Di ko na alam sino o anong uunahin ko..
Yara: Chin mahigpit na yakap.
China: Salamat mamaya tatawagan ko nlang si Liam.
Vera: ingat Chin sana magkaayos kayo ni Liam.
Pagkatapos namin magusap nila Vera sumandal ako at pumikit.Ang bigat bigat ng dibdib ko.
Tinawagan ko si Liam buti naman sinagot nya..
Calling Liam..
China: Bakit kayo magkasama?(halata sa boses ko ang pagiyak).
Liam: Pano mo nalaman?
China: Bakit kayo magkasama?
Liam: Nakita nya lang ako sa resto may kameeting ako.Non tumawag ka kanina papunta ako sa client meeting.After ng meeting nagearly dinner ako di ko man sya napansin pumasok ng resto lumapit lang sya sa akin.Nagusap lang kami.
China: Bakit daw?
Liam: She wants me back.
China: Gusto mo bang makipagbalikan sa kanya?
Liam: Sino ba yun niyaya kong magpakasal?
China: Ako.
Liam: Yan ang sagot.
China: Wag na tayong magaway pls?
Liam: Bakit ba tayo nagaaway?
China: mahal mo pa naman ako diba?
Liam: ako ba mahal mo?
China: Masasaktan ba ko kung hindi.Hon please..
Liam: Asan kana?
China: Andito na ako sa San Felipe malapit na ako kila Zoe.
Liam: Sa bahay ko ikaw umuwe.Itatawag ko kay Mommy yun susi ipapahatid ko sayo.Ayoko pumunta ka jan sa subdivision na yan.Sabihan mo nlang sila Bella don kayo matulog sa bahay.
China: okay wag na tayo magaway pls??..
Liam: Fine..Namimiss na kita..
China: Namiss na din kita kung puwede ko lang hatiin ang katawan ko Hon..
Liam: mahal na mahal Chin.
China: Ako lang pls wag mo muna ko sukuan ikaw nlang ang meron ako Li.
Liam: Pakasal na tayo Hon kaya naman kitang tulungan sa problema mo bakit ba kasi ayaw? O sige ganito nlang if ayaw mong ako ang magbayad edi sa akin ka may utang.Sakin ka magbayad.Kahit maggawa pa tayo ng kasulatan.
China: pls wag muna natin pagawayan.Pagod na pagod na ako.Sa totoo lang gusto kita makasama gusto kitang mayakap ngayon.I need you Li.
Liam: Wag kana umiyak Hon.Mahal kita okay? Will fix this.
China: i love you..
Liam: love you so much.
Pagkababa ko ng tawag inayos ko na ang sarili ko saka ko tinawagan sila Bella.
Calling Bella..
China: Best change of plans.
Bella: Huh?
China: actually andito na ako sa labas ng subdivision nila Zoe.
Bella: oh anjan ka naman na pala tara na ready na ang dinner.
China: Di ko kayang pumasok Best ang sakit pa..
Bella: gusto mo ba sa resort nlang tayo?
China: tinawagan ako ni Liam don nlang sa bahay nya.Mejo di rin kasi maganda sitwasyon namin ngayon. Kailangan kita Best kailangan ko kayo maglalabas lang ng sama ng loob.
Bella: palabas na ko antayin mo ko jan.Stop crying..
China: Okay pls.
Pagkababa ko ng tawag inayos ko agad ang sarili ko.Nakatanggap naman ako ng tawag galing kay Mommy Leina.
Mommy Leina calling..
Mommy Leina: China anak nasa San Felipe ka daw tinawag sa akin ni Liam?
China: Hi Mommy yes po pasensya na di ako nakapagsabi biglaan lang po talaga.May aasikasuhin lang po ako.
Mommy Leina: Asan kaba para maibigay ko ang susi ng bahay ni Liam.O gusto mo sa bahay ka nlang anak magstay.
China: kakarating ko lang po sa San Felipe Mommy.Sa bahay nlang po ni Li Mommy yun po kasi ang gusto ni Liam.Para mabisita ko na din yon bahay.
Mommy Leina: Sige pano ko maibbigay sayo ang susi.
China: Busy po ba kayo ako nalang po ang pupunta sa inyo Mommy?
Mommy Leina: Actually nasa client meeting ako ngayon anak.Kaya ipapahatid ko nlang sana sayo.Bukas nlang tayo magkita lets have lunch?
China: Ay sige po.30 minutes lang po Papunta na po ako sa bahay ni Liam.Don ko nlang po antayin Mom.Sige po txt nyo nlang po ako san tayo maglunch bukas.
Mommy Leina: Okay anak antayin mo nlang yun driver ko don.You need anything food puwede ko papuntahin si Anna jan para may makakatulong ka.
China: Okay lang po ako Mommy. Kasama ko naman po sila Bella.Pumayag naman po si Liam na magstay kami don.
Mommy Leina: Okay ka lang ba China?
China: Opo Mommy pagod lang.
Mommy Leina: Alam kong lately e nagkakatampuhan kayo ni Liam.Bukas pagusapan natin ah?
China: ok po Salamat Mommy Leina.
Mommy Leina: Magingat ka.Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka.
China: sige po.Ingat din po kayo.
Pagkababa ko ng tawag sakto naman dating nila Bella.Kasama na nya sila Zoe.Ipapasunod nlang daw kay Ate Ling ang pagkain.
Niyakap naman nila ko agad.Di ko na mapigilan di umiyak.
"Shhh im here Chin..Were always here for you.."-sabi naman ni Bella habang yakap yakap ako.
Tahimik lang akong umiiyak.Non mahimasmasan ako kinausap ko muna sila.
"Pasensya na sa drama ko..Sobrang bigat na kasi."-sabi ko pa sa kanila.
"Its fine naiintindihan namin.."-Gia
"Sure kaba ayaw mo pumasok Chin?"-Zoe.
"Tara na sa bahay nlang ni Liam.Baka pagawayan pa kasi namin.Pagod na pagod na ko.."-China.
"Okay sige convoy nlang tayo.."-Gia.
" Kay Chin nako sasabay guys.."-paalam naman ni Bella sa kanila.
"Ako din.."-Sabi pa ni Zoe.
"Okay sige sunod kami Chin.."-Gia.
Pagsakay nila Bella sa kotse.Kinausap agad ako ni Bella.
"China anong problema?
"Daan muna tayo sa store bibili lang ako ng alak inom tayo ahh.Mamaya nako magkuwento ayoko munang umiyak Baka mapansin ng driver nila Liam.Makarating pa kay Mommy Leina kakahiya..
Kaya tahimik lang sila nakatingin sa akin.Tnxt naman ni Zoe sila Gia na magstop over kami muna sa store para mamili ng alak..
Pagdating namin sa convinient store sinamahan naman nila ko pumasok.
"Ano bet nyo inumin guys?"-tanong ko pa sa kanila.
"Vodka nlang Chin.
"Okay sige kuha na kayo pati chaser saka ano gusto nyo food.
"Dadalhin ni Ate Ling yun pagkain..Naitxt ko na san nya ihahatid.Kaya okay na yun food natin..
"Okay sige..
After namin mamili dumiretso na kami sa bahay ni Liam sakto naman andon na ang driver ni Mommy Leina at inabot sa akin ang susi may pinadala din pizza si Mommy at cake para daw may makain kami at bilin ni Liam.Kaya ngtxt pa ako kay Mommy Leina at nagpasalamat sa pinadala nyang food.
Tinawagan ko din muna si Liam.
Calling Liam.
China: Hon
Liam: Yes Hon nasa bahay kana?
China: Yes kakadating lang namin dumaan pa kasi kami sa store nila Bella.
Liam: Naibigay ba yun food?
China: yes Hon thank you..Okay na.Ikaw ba nasa condo na?
Liam: pauwe palang ako Hon.Pero aalis ulit ako mamaya magiinuman lang kami nila Mateo.
China: wag masyado okay?
Liam: yeah ingat kayo and enjoy kol u later.Love you.
China: love you too.
Pagbaba ko ng tawag ko sakto naman nagdoorbell si Ate Ling..Dala dala yun mga pagkain na inihanda nila Zoe.Kaya lumabas pa kami at isa isa namin pinasok ang dala ni Ate Ling..
"Salamat Ate Ling..Pag hinanap ako ni Kuya Jacob sabihin mo umattend ako ng bday ah.Wag mo sasabihin magkakasama kami nila Chin.
"Oo sige ako na bahala.China lalo ka gumanda..
"Hahaha salamat Ate Ling..
Pagalis ni Ate Ling.Nagumpisa na kaming kumain.Alam ko nakikiramdam sila Bella sa akin.
"Kain na tayo nagutom ako nakakapagod ang maghapon ko.."-sabi ko pa sa kanila.
"Galing ka kamo Bataan Chin?
"Oo may client kami don.Buti nlan madaling kausap yun client ko pumirma agad ng kontrata.Kaya maaga akong nakabiyahe.
"Buti naman nadalaw ka China..
"Kailangan ko lang talaga makausap sila Manang Cecil gusto kong mabawi ang bahay namin sa kanila.
"Pero grabe naman ang tubo e 50% agad.
"Ganon talaga..
"Need help Chin?
"Okay pa ako guys.Makikiusap nlang ako baka kaya nila bawasan yun presyo para kaya kong bayaran.Mauubos lang ang ipon ko..Atleast nabalik naman ang bahay namin..Kayod nlang ulit..Ganon talaga ang buhay.
"Chin we can help.
"Im good guys.Kaya ko pa naman..
"Lagi ka nalang ganyan.Kahit hirap na hirap kana.Chin di masama humingi ng tulong.
"Kilala nyo naman ako diba.
"Hay China..
"Kain muna tayo init na init na ako maliligo lang ako after natin kumain ahhh.."-iwas ko pa sa kanila.
After namin kumain. Naligo agad ako feelin ko pagod na pagod ang katawan ko..After ko magbihis lumabas na ako andon kami sa pool area naiayos na nila ang iinumin namin.Nakapagpalit na din sila ng swimsuit..Kaya lumapit nako sa kanila.
"Chin tara na simulan na natin to.
"Oo nga nakakamiss yun tambay natin buo tayong girls.
"Namiss ko din kayo sobra..Nakakamiss yun buhay ko sa San Felipe..
"Puwede naman kasi dumalaw eh.Pano nxtweek ulit.
"Nako gustuhin ko man di puwede at busy ako..
"Sige kami na lang ang luluwas.
"Puwede naman basta sabihan nyo ako agad.
"Kamusta pala Chin?
"Okay naman.Pagod sobra.
"Nangungulit paba si Kuya Ax?
"Lately ndi ang pagkakaalam ko andito sya sa San Felipe.Bago kasi yun umuwe inabangan ako sa office nagpaalam pa sa akin.Di ko man sya kinakausap at pinagaawayan namin ni Liam.
"Chin okay ka lang..
"Pagod na pagod na ko Bell..Pagod na pagod na ako.."-mahinang bulong ko kay Bella saka ko pinahid ang luha ko..
"Nagaaway pa din ba kayo ni Liam?"-tanong nya pa sa akin.
"Same old issue.Di ko na alam anong uunahin ko.Kung kailangan ko ba talagang mamili.Alam mo yun feelin na gusto ko naman gawin lahat para maayos lang kaso eto lang ako.Di ko naman kaya lahat.Napapagod din ako.
"Anong balak mo?Ano bang sabi nya.
"Gusto nya kasi talaga akong magresign sa Zobel nahihirapan sya sa Ldr ako din naman eh kaso di naman ganon kadali yun.Una may kontrata ako.Pangalawa may obligasyon pa akong tinatapos.Gusto ko muna mabawi yun bahay namin.Kaso di nya maintindihan e.Nahihirapan sya sa LDR.Aminado naman ako busy ako sa work kasi may pinagiipunan talaga ako.Hirap maging mahirap sa totoo lang..
"Bakit ba kasi ayaw mo nlang tanggapin ang tulong namin.Then bayaran mo nlang kami pag kaya mo na..
"Kilala nyo ko dati pa ganito na ako.Edi sana non kami palang ni Ax bayad na tong mga utang na to.Sana di nabenta yun bahay namin.Kaso ayoko ng issue about sa pera pagdating sa inyo lalo na ngayon kay Liam.Alam ko naman bf ko sya oo pero ayaw ko naman ipapasan ko agad sa kanya yun problema ko.Di ako ganon.Kaya ko pa napapagod lang...Di naman siguro masama magreklamo minsan lang naman.
"Anong nangyari kanina bakit iyak ka ng iyak?
"One week na kasi yun tampuhan namin ni Liam pinapauwe nya ko sa Cebu binibilhan ako ng ticket para sa 2nd monthsary namin.Sa totoo lang one week nako nanunuyo.One week na yun cold sa akin.Kung mahal ko daw sya magresign na ako at umuwe nalang sa Cebu at sa kanya magtrabaho.Pinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit di puwede na kailangan ko kausapin si Manang Cecil.Gusto nya yun tao nlang nila dito ang magaasikaso.Alam naman daw nya na ang pumipigil lang sa akin na magresign is yun utang nila Mama at yun bahay.Gusto nya na bayaran sa kanya nlang daw ako may utang para okay na...Dumagdag na din kasi yun pagstay ni Ax sa BGC diba naikuwento ko naman sa inyo nagabot sila sa opisina.Pinagawayan talaga namin ni Liam yun.Naiintindihan ko naman sya na nagseselos sya kay Ax kaso wala man din akong ginagawa di ko naman kinakausap si Ax kahit nga naaawa na din ako sa isang yun..Then kanina non tinawagan ko sya matindi talaga ang topak to the point na binabaan na ako ng phone.Kaya non pauwe ako dito masama na din talaga ang loob ko.Then pagdating ko sa San Felipe nakareceive ako ng message galing kila Vera nakita nila si Liam sa resto kasama yun ex nya nagdidinner daw.Tinanong nila ako kung alam ko ba un kung nagaaway daw ba kami ni Li.Sinabi ko naman sa kanila ang problema.Non nakita ko yun pic para na akong sasabog alam mo yun takot na takot nako maiwanan kasi sya nalang ang meron ako eh.Pagkatapos namin magusap nila Vera tinawagan ko si Liam tinanong ko bakit sila magkasama.Nagpaliwanag naman sya na may client meeting sya sa resto after ng meeting magearly dinner na daw sana sya di talaga nya kasama yun ex nya nakita lang sya nilapitan at kinausap.So tinanong ko bakit sya kinausap.Gusto daw makipagbalikan.Sabi ko ikaw ba gusto mo makipagbalikan sa kanya sagot naman nya sa akin sino bang niyaya ko magpakasal sagot ko ako.So yun daw ang sagot.Nagkaayos naman kami kasi kita nya kanina umiiyak na ako alam ko nagtatampo pa din sya dahil nga inuna ko tong lakad ko na to kesa makasama sya pero nangako naman sya aayusin namin.
"Alam mo Chin isa lang naman ang solusyon sa problema mo eh..
"Ano?
"Hayaan mo kaming tulungan ka.Kung ayaw mong may masabi ang pamilya ni Liam kami nlang Chin ang tutulong sayo.Magkakaibigan tayo bata palang tayo tayo tayo na ang magkakasama diba?Walang masama kung tutulungan ka namin..
"Hayaan nyo lang ako sa problema na to.If kailangan ko ng help eto yun makinig kayo sa akin pag ang bigat bigat na..Alam ko maiintindihan nyo ako.
"Anong balak mo?
"Bukas umaga naman ang usapan namin nila Manang Cecil.Then nagyaya si Mommy Leina maglunch kami after non babalik na ako ng Manila kailangan kong magpunta ng Cebu.Gusto kong ayusin yun sa amin ni Liam..Ayoko ng patagalin yun tampuhan namin.Alam ko naman malaki yun pagkukulang ko.Nagleave na ako ng 5 days siguro naman enough time na yun para magkaayos kami talaga.
"Hays China...
"Kung alam nyo lang ang nararamdaman ko ang bigat bigat na.Mahirap kasi sa side ko pumayag na bayaran nlang ni Liam.Ayoko magkaissue kami sa pera.Ayokong may masabi ang pamilya nya kahit alam ko mababait sila sa akin..Kaya nga kahit napapagod na ako trabaho pa din eh..
"Puwede naman kasi namin tulungan kami nlang hulugan mo kami monthly para mabawasan isipin mo..
"Ayaw edi sana noon pa diba..Okay pa ako.Napapagod lang.Sobra lang akong nastress sa nangyayari.Gustong gusto ko ng matapos ang utang ko Kay Aling Juanita at ayoko yun panay ako kinukulit sa txt kahit updated ako magbayad.
"Malaki paba?
"Actually tapos ko na sana yun lastmonth.Kaso nga nabalitaan ko gusto ibenta yun bahay namin.Kaya inipit ko muna yun pambayad ko sa kanya para may pambayad ako sa bahay.This month matatapos ko na yun utang.Sana lang bawasan nila Manang yun presyo gusto ko maibalik sa amin yun bahay..
"Ano balak mo Chin pag nabili mo ulit yun bahay nyo?
"Pagiipunan ko yun pangparenovate.Kakausapin ko si Liam kung magkano aabutin sa renovation yun ang nxt project ko.
"Nako edi lalo kang magiging busy sa work.
"Kailangan eh.Wala naman akong ibang aasahan.Ayoko naman pakasalan ko si Liam ng walang wala ako..
"Alam mo Chin diko alam kung maiinis o maaawa ako sayo.
"Hahaha Bell just try to understand.Prinsipyo lang ang meron ako yun nlang ang napamana sa akin nila Papa.Ayoko naman iasa sa iba.
"So anong balak mo?
"Same magttrabaho sa Zobel.
"Bakit ba kasi di ka makaalis don?
"Malaki kasi ang nakukuha ko sa Zobel palagay nyo ba makakabayad ako kay Aling Juanita kung di malaki yun sahod ko.
"Nasa magkano naba monthly mo?
"Nagrarange ang minimum namin 150k pinakamalaki kong nakuha 350k plus kotse.This month which is nextweek ang inaasahan kong papasok sa akin nasa 650k kasi nga panay ako OT halos di na ako magpahinga.Kaso malaki nga ang sasahudin ko yun Jowa ko naman panay nagtatampo.
"Grabe kaya naman pala ayaw mo umalis sa Zobel ehh.Ganon pala ang sahod don..
"Basta masipag ka sa Zobel makakaipon ka.Kaya nga halos matapos ko na yun kay Aling Juanita nxtweek babayaran ko na sya para puwede ko na sya iblock after.
"Hahaha pero hinay hinay China.Ang payat mo na.
"Okay lang ako..Sabi ko nga sa inyo napapagod lan pero di susuko.
"Now naiintindihan ko si Liam bakit nagtatampo sayo.
"Alam ko naman pagkukulang ko..Grabe sya..
"Nga pala kanina sabi mo nasa labas kana ng subd bakit dikapa pumasok?
"Masakit pa eh.Di ko pa kaya..Akala ko kasi okay na akala ko kaya ko na..
"Alam mo Chin nakakaawa din si Kuya Ax lately pero balita ko naayos naman na nila yun gusot sa kumpanya.
"Di ba talaga kayo naguusap pa Chin?
"Ayoko sya kausapin Elize.Ayokong umiyak sa harap nya..Kilala ko ang sarili ko.
"Bakit kasi mahal mo pa?
"Shh Bella...