CAROLLINE
Nagising ako sa sikat ng araw na sumisilip sa may bintana ko.
napatingin ako sa orasan sa may bed table ko ng makita ko ang oras 6:30
napabalikwas ako ng tayo at mabilis na pumunta ng banyo upang mapaligo.
nag toothbrush nako at feeling ko hindi natanggal ang amoy ng alak na systema ko.
mabilis akong naligo at nag bihis ng usual kong uniporme.
nag hair dry at nag lagay ng konting moisturizer at lip gloss
akmang lalabas nako ng kwarto ng biglang kumirot ang ulo ko.
ahhh! alak pa girl. inom pa!
ano nga ba ang ginawa mo kagabi?
tanong ko sa sarili at sinariwa sa isip ko ang nangyari kagabi.
naalala ko ang pangungulit saakin ni paul. biglang kumirot ang dibdib ko dahil naalala ko ang pananakit na ginawa niya pero.
nang maalala ko ang estrangherong lalaking nag pabuhay sa dugo at katawang lupa ko.
nahampas ko ang noo ko
tss! nakakahiya ka carolline! simula ngayon ay hindi kana iinom!
pagkatpos nito ay pumunta ako ng kusina at binukasan ang ref upang kumuha ng ibuprofen.
ang sakit ng ulo ko bwisit!
kakain nalang ako ng almusal sa labas.
nag para ako ng taxi at dumeretso sa pinapasukan kong kompanya
sumakay ako ng elevator papunta sa opesina ko.
katabi nito ang upisina ng matandang bastos kong amo.
isa akong sekretarya ng mayaari ng mumurahing motel.
halos luma na ang motel na ito at medyo marupok na.
ang kisame ay may mga bakas ng anay at tubig na nanggaling sa tulo ng bubong kapang umuulan.
faded nadin ang pintura sa mga pader at crack ang mga tiles sa sahig.
halos karamihan ng nag pupunta dito ay mga matandang mag kabit.
mga cheap na babae okaya naman ay pokpok. meron ding mga batang hindi afford ang mahal na motel.
sa totoo lang nakaka sawang mag trabaho dito.
minsan dadaan ka sa hallway ay maririnig mo ang mga ungol sa kabilang kwarto.
nakakapangilabot
napatingin ako sa may pintuan ng opesina ko ng makita ko ang amo kong naka dungaw doon.
tumayo ako at nilapitan siya
good morning sir.
ika ko at tumango lang siya at pinag masdan ako mula ulo hanggang sa paa.
tinaasan ko siya ng kilay.
ngumisi siya at umiling sabay talikod saakin papasok sa opesina niya.
pervert!
bulong ko sa sarili nang alam kong wala na siya sa panimanman ko.