"HINDI nga kasi 'yon date," giit ko nang hindi pa rin makatingin sa kanya. Mahina siyang suminghal. Halatang hindi tanggap ang sinabi ko. "Really?" Napapikit ako. Nakukulitan na sa kanya. "Oo nga." "Kung sa 'yo, hindi 'yon date. Pero malamang para sa kanya ay date 'yon." "Khai..." tanging nasabi ko. Parang wala siyang planong pakinggan ang sinasabi kong hindi nga date ang nangyari sa amin ni Gab. "Kailan ka nakipag-date—" "Hindi nga kasi 'yon date," putol ko sa kanya, naiinis na talaga. Marahas siyang nagbuga ng hininga. "Kailan kayo lumabas?" pag-uulit niya, at ngayon ay hindi na date ang salitang ginamit sa tanong niya. "Noong nag-day off ako ng tatlong araw." Nagtaka ako nang manatili na siyang tahimik sa sinabi ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay naabutan ko siyang titig na

