"WELCOME back, Cindy!" Masayang sinalubong nina Lily, Sonya at Maya ang bagong dating na anak ni Manang Cecilia. Puno rin ito ng galak nang salubungin ang mga kasamahang hindi niya nakita sa nagdaang mga buwan. "Kumusta na kayo?" bati nito. "Ayos lang naman." "Ikaw ba?" "Kumusta ang baby mo?" Dahil sa mga tanong na 'yon ng tatlo ay nagtuloy-tuloy ang kumustahan nila sa isa't isa. Natigilan lang nang sa akin na napunta ang atensiyon ng anak ni Manang Cecilia. "Hello," pala-kaibigan niyang bati sa akin at ngumiti pa. Buong galak ko namang ginantihan ang ngiting 'yon. "Hi, ako si Katie." Inilahad ko ang kamay sa harapan niya para pormal na magpakilala. "Ako 'yong pansamatalang pumalit sa 'yo rito sa bahay." "Oh, ikaw ba 'yon?" natutuwa niyang sabi. "Ako nga pala si Cindy." Binitwan

