Kieron's POV Papatayin ako ni Ma'am Cyrll...Napapangiwi ako sa tuwing naalala ko yung boses nya nung inagaw nya yung cellphone kay Ma'am Shann. Mahirap pa naman pakalmahin yung isang yun kaysa sa Boss ko. Kapag sinabi nya ginagawa nya at maraming saksing buhay. Yung Boss ko heto laging tulog. Pinacheck up ko naman sya at ang sabi ng duktor hindi naman daw napaano si Boss talagang nagreset yung isip nya sa lahat ng masasamang nangyare sa buhay nya na kinimkim nya sa sulok ng isip nya. Basta parang ganun kase hindi ko maintindihan yung mga terms na ginamit niya sapagpapaliwanag sakin.Simula ng bumigay sya sobrang kalmado na nya at hindi na sya magagalitin. Basta parang ibang tao sya. Sa way ng pagsasalita nya basta iba. Ang pinakamalala ang pagiging tahimik nya eh ang daldal nitong si Bos

