Gale's POV Parit-parito ang lakad ko sa loob ng opisina ko at hindi ako mapakali sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hating gabi na at hindi ko magawang umuwi. Hindi talaga ako mapakali at hinihintay ko yung tawag nya. Nabingit na ako sa mga nakakamatay na sitwasyon pero hindi naman ako natakot ng sobra ng kagaya ng nararamdaman ko ngayon. "Boss....Maupo po kayo at huminahon....Ako po ang aatakihin sa puso dahil sa reaksyon nyo ngayon eh..." pagpapakalma ni Kieron sakin. "She can make it,right?" tanong ko kay Kieron at naupo ako sa single sofa. "Oo naman Boss...saka matalino po yun si Ma'am Artemis...." sagot nya at napatango ako. Ngayon ang labas ng result ng exam ni Art para maging ganap syang duktor. Ewan sobrang inaatake ako ng kaba para sa kanya. Pangarap kase ng mahal ko

