Contract

2804 Words
Hunter's POV Bumalik ako sa Garden na mag isa at malamang nagwawala na si Gale sa mga oras na ito dahil hindi ako nagpaalam sa kanya. Nung minsan na mag CR ako at hindi nya ko napansin ay halos magpanic na sya na akala nya eh lumabas ako ng unit nya at iniwan sya...hindi naman sya paranoid na ganito dati eh!Pero nung pag gising ko kaninang umaga habang tinititigan ko yung mukha nya naramdaman ko na nabuo ang pagkatao ko sa piling nya. Binisita ko sina Aling Pinang at Chloe na nakakatuwa at high school na sya. Pinag aaral sya ni Yvie. Napabuntong hininga ako ng dumating na din sya. Pagkababa nya ng sasakyan nya ay sinugod nya ko ng yakap. "Art! lintik namiss kita!" Masayang irit ni Miranda kaya napatawa ako habang kumakalas ng yakap sa kanya. "Kamusta?" tanong ko sa pinsan ko. "Heto tahimik na...Hayop kase yang Gale na yan! Araw araw nya kong binubulabog gawa mo! wala kase syang makuha ni anong data patungkol sayo kaya ako ang napagdiskitahan ng walang hiya!"reklamo ni Miranda kaya napatawa ako. Inaya ko syang maupo sa ilalim ng punong kahoy. "K-Kamusta na si Kuya?" tanong ko Medyo nagulat pa sya sa tanong ko dahil ito na lang ulit ako nagtanong patungkol sa pamilya ko. "Sira na ang pagsasamahan ng pamilya nina Cyrll at ng kuya mo....Si Madam Jesselyn Averly na din kase yung nagdecide simula noong natagpuan ka nya nung gabing iyon." Saad ni Miranda. "A-alam ko..... hindi na sila yung private attorney nina Cyrll." sabi ko at napayuko ako.Saka halos 2years lang naman nag abogado si Kuya sa pamilya ni Cy. Nakadispalko din kase sya ng pera sa kanila. "Napipilayan na din yung Distillery nyo...dahil nalulunod na sa problema si Apollo." mahinang sabi ni Miranda kaya napatingin ako sa kanya. "Simula ng umalis ka...wala na silang nakuha na magaling na winemaker......Your Dad...he passed away 2years ago..." nanghihinang kwento nya at doon ako nanlambot at hindi makagalaw. "H-hindi nya naalagaan si Daddy tama ba ko?" nanlalamig ako sa galit ngayon sa kapatid ko. Tumango si Miranda. Kaya napapikit ako ng mariin. "Kaya please Art....hangga't maaari kunin mo na si Tita...gumawa ka ng paraan.." pagsusumamo ni Miranda at tumango ako. "Bantayan mo sya Miranda para sakin...tatapusin ko lang yung residencial training ko sa US at kapag nakapasa ako.... babalik ako at haharapin ko yung hudas na kapatid ko." saad ko at malungkot syang napatango. "At isa pa.....Yung demonyong manliligaw mo nakita ko kanina sa kumpanya nyo...." sabi ni Miranda na kinagulat ko. Masama ito! Kaya tinawagan ko yung phone nya pero hindi nya sinasagot! Hindi dapat sya madikit sa kapatid kong yun! Flight ko na bukas pero heto itong si Gale gumagawa na naman ng kalokohan! Kaya wala sa oras ay umuwi ako. Mga 3pm na ko ng hapon nakarating. Pagbukas ko ng pintuan ng unit nya ay nadatnan ko sya sa salas na umiinom ng wine...pagtingin ko sa bote nito ay bumilis ang kabog ng dibdib ko. Yung wine na produkto ng kumpanya namin. "This wine my Goddess...it taste like when I'm invading your mouth....sweet...addictive and left taste in my memories...." sabi nya at sinenyasan nya kong maupo sa tabi nya kaya napangiwi ako dahil alam ko galit sya kapag ganito. Naupo ako sa tabi nya at pinalupot nya ang braso nya sa bewang ko at hinapit papalapit sa kanya. "Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka?" tanong nya at hinagkan nya yung gilid ng ulo ko. At hindi ko masalubong yung titig nya kaya ang ginawa nya ay hinalikan nya ko sa mga labi ko na mapagparusa at pangungulila. Habol ko ang hininga ko ng maghiwalay ang mga labi namin. "Sorry na... nagpunta kase ako sa Garden..." pag aamin ko at napataas ang kilay nya na waring nag aantay ng kasunod ko pang sasabihin. "Binisita ko sina Aling Pinang para makita ko man lang sila bago yung flight ko bukas. At nagkita kami ng pinsan kong si Miranda." dugtong ko at napahinga sya ng maluwag. "Anong sabi ni Miranda sayo?" tanong nya na parang nagpipigil sya ng tawa. "Walang hiya ka daw..." bulong ko at napatawa sya. "Kumain ka na? Ipagluluto kita..." bulong nya pero sumandig lang ako sa kanya at yumakap bago pumikit. Nawala ang Daddy ko na hindi na kami nagkausap at nagkita man lang. I really hate you Apollo for ruining my life! Lahat pinagkait mo sakin! Binaba ni Gale yung hawak nyang kupita at kinulong nya ko sa mga braso nya ng yakap. Hindi ko din kase matantya bakit yung buong lakas ko dumedepende kay Gale kapag yakap nya kong ganito. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa bisig ni Gale. "Tahan na....Simula ngayon ako ng pamilya mo...ako ng matatag mong sandigan.Hindi ko hahayaan na saktan ka ulit nya...Bubuo tayo ng pamilya na atin....Hihintayin kita hanggang sa maabot yung pangarap mong maging duktor at saka kita papakasalan....Pupunuin natin ng saya at pagmamahal yung buong unit na 'to kasama ng mga magiging anak natin. Hindi natin ipaparamdam sa kanya yung mga bagay na pinagdaanan natin sa mga pamilya natin....Gagawin kong lahat para maging masaya tayo..." buong pagmamahal nyang sabi. Napunan ng saya yung puso ko at walang alinlangan na pinanghawakan ko kaagad yung promise nyang 'to sakin. Lahat kase ng lumalabas sa bibig nya ginagawa nya kaya sobrang naexcite ako na kasama ko sya sa future ko. Napatingin ako sa kanya at pinunasan nya yung luhang dumaloy sa mga mata ko. "That bastard doesn't deserved your tears...no one in this world have the rights to hurt you...." bulong nya at hinalikan nya ko sa noo. "You want to see your Mom?" masayang tanong nya na kinagulat ko. She smiled and hold my hands. "Hindi alam ng kapatid mo na naitakas ko sya sa hospital na pinaglagyan nya dito... nakatransfer na sya sa hospital ni Yuri at sinabihan ko na si Yuri na itago nya ito para------" hindi ko na sya pinatapos ng siilin ko sya ng halik! "Thank you Gale!" naiiyak kong sabi sa kanya habang salo ko yung magkabilang pisngi nya at parang bata syang tumatango at nakatitig sa mga labi ko. "Anything for you...I told you I can offer you the world kase Mahal kita!" proud nyang sabi kaya napangiti ako. Kaya nung kinagabihan ay nagpunta kami ni Gale sa hospital ni Yuri. Magkahawak kamay kami  ni Gale na binabagtas yung silid ni Mommy. Napatawa si Gale ng mapatingin sya sa magkahawak naming kamay. "Relax my Love sobrang lamig ng kamay mo...." sabi nya kaya inirapan ko sya. Hayop na 'to alangan hindi ako makaramdam ng kaba dahil ang alam ng nanay ko wala na ko!!!!! Halos pigil ko yung hininga ko noong buksan ni Gale yung pintuan kaya nagtago ako sa likod nya. "Mama may bisita po kayo..." masayang turan ni Gale kaya nagsalubong yung mga kilay ko..Mama? tang ina! kapal ng mukha kakuha at kakakilala lang nya sa nanay ko Mama agad? "Talaga anak?" tugon ni Mommy na lalong kinalito ko at hinila ako ni Gale at iniharap sa nanay ko "Tarannn!!" masayang sigaw ni Gale na kinagulat ko at pati ni Mommy! Hayop talaga itong Gale na 'to!!! hindi ba nya alam na patay na ko sa harap ng mga magulang ko!!!! Nanlaki yung mga mata ng Nanay ko at naptutop sya ng bibig habang nakatitig sakin. Marahan akong tinulak tulak ni Gale habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. "See? Mama sabi ko po sa inyo eh...buhay sya kaya talagang tuloy na magiging in-law nyo ko.Kaya magpalakas kayo para makita nyo yung kasal namin at mga magiging apo nyo.." masayang saad ni Gale sa nanay ko at naiiyak syana napatawa kay Gale at nakagat ko yung ilalim na labi ko habang umiiyak sa sobrang saya. Yumakap ako kay Mommy at hindi ko napigilang mapaiyak at gusto kong isumbong lahat sa kanya ng paghihirap ko dahil sa kapatid ko. "Tama ako buhay ka Artemis! My baby!" umiiyak na saad ni Mommy. "Mommy.....si...kuya...." sumbong ko habang umiiyak.Dahil sobrang daming hinanakit na yung nasa dibdib at puso ko. "Patawad anak...wala akong nagawa para sayo....hindi ka namin naipagtanggol ng Daddy mo.."  umiiyak na paumanhin ni Mommy. "Ilalayo kita Mommy...hindi ako papayag na pati ikaw ay sasaktan ni Kuya..." pinal na saad ko. Ang kulit kulit ni Gale sa nanay ko at naramdaman ko ang pagkasabik nya sa isang nanay o sa isang pamilya at napangiti ako dahil naging close agad sila ni Mommy at samin nya nakikita ang pamilyang gusto nya. "Dali turo na Mama...san nyo pong gustong tumira tayo nina Artemis?  Dito po pwede ko pong palagyan ng ubasan yan para sa inyo o kahit na anong garden..." mungkahi ni Gale habang pinapakita nya yung mapa na may ekis kung saan nakatayo yung ibang property nya sa abroad. Inaayos ko ngayon yung pagkain ni Mommy. Napatawa si Mommy habang tina-tap yung ulo ni Gale. "Ikaw na bata ka puro ka kalokohan...." sabi ni Mommy kaya napatawa ako. "Huh? hindi po ako nagluloko...seryoso po ako dun..." turan ni Gale kaya napatawa ako. Mayamaya ay pumasok si Yuri. "Doc Artemis you are here...How are you?" nakangiting tanong nya. "Anak duktor ka na?" takang tanong ni Mommy. "Hindi pa po Mommy....residence training pa po ako ng isa't kalahating taon bago yung exam ko."  paliwanag ko. At sobrang namangha yung nanay ko. At ang dami nyang tanong. "Pagkapasa mo.. dito ka na lang Art magwork..." alok ni Yuri kaya napangiti ako at napatango. Mas okay na dito para malapit na ko kina Mommy at Gale. Kinabukasan ay dumaan muna ko kay Mommy bago nagtuloy sa airport at napagkasunduan namin ni Gale na didito muna sya para mag asikaso kay Mommy. "Bibisita ka?" tanong ko habang nakakapit ako sa hem ng jacket nya at nakatingin sa mga mata nya. Napangiti sya at tumango. "Lagi mo kong tawagan huh? At wag titingin sa iba kung ayaw mong isumbong kita kay Mama.." nakangising saad. "I really love you my Artemis..." bulong nya habang iniipit nya yung ilang hibla ng buhok sa tenga ko. Napangiti ako at dinampian ko ng halik yung labi nya at tuwang tuwa sya. "I love you too, Gale.." nakangiting saad ko at habang nakatitig sa mga mata nya.Hindi sya nakagalaw agad sa pagkagulat at parang hindi sya makapaniwala sa narinig nya. Napangiti sya habang hindi makapaniwala yung reaksyon ng mga mata nya. "Really?" masayang tanong nya at napatango ko. Yinakap nya ko ng mahigpit. "Lagi kaming dadalaw ni Mama sayo kapag kaya na nya magtravel..." bulong nya habang yakap nya ko. "Ano ba 'to? parang ayaw na kitang pakawalan..." parang batang saad nya. Kaya mahinang napatawa ako. "Wag mambabae huh?" paalala ko at sunud sunod syang napatango. Kampante ako na maiiwan ko si Gale dahil alam kong hindi nya ko lolokohin at ramdam kong mahal nyang parang totoong nanay yung Mommy ko. Gale's POV 3 days na simula nung umalis si Artemis at sobrang nababaliw na ko sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Para akong nasa cloud nine sa tuwing naaalala ko yung katagang binitawan nya sakin noong hinatid ko sya sa airport. She loves me! Mahal ako ng mahal ko! How's that? Sobrang nakakaaning kaya lalong gusto ko na syang sundan sa Amerika! Tuwing gabi ay kausap namin sya ni Mama. Sobrang saya ko dahil may pamilya na ko..sa piling ni Artemis. Bumalik ako sa realidad noong pinagsalin nya ko ng alak sa baso ko. "You seem so in -love..."  turan nya kaya napangisi ako. "A little bit... Let me hear  your proposal Apollo." walang emosyong saad ko. Nilatag nyang lahat ng plano nya at proposal nya. Magaling ang hayop na 'to sa pangloloko pero mas maloko ako! Babawiin kong lahat ng para sa Artemis ko. "Kasigaruduhan na hindi mo ko tatraydurin?" Seryosong tanong ko at nilalaro ng daliri ko yung bibig ng baso ng alak sa harap ko. "You have my words and we have contracts...." sagot ni Apollo. Ako naman ang naglabas ng demand ko. At napangisi ako sa loob loob ko ng makita yung pagdaan ng dissappointment sa mga mata nya. 60percent share ang gusto kong bilhin...yung ninakaw nya sa Artemis ko. Gusto kong bawiin yun. "Leave it or get it..." hamon ko dahil alam kong hirap na sya kaya sa ayaw at gusto nya wala na syang pagpipilian. Yung pangarap nyang makapasok sa hotels at resorts ni Roian alam nyang ako ang magiging tulay doon. "Kapatid ko si Cyrll Altamirano Mondragon na asawa ni Roian Kaye...so kaya kong magtake over sa buong kumpanya dahil kaya kong ilagay ito sa rurok ng tagumpay ulit yung Distillery na ito." nakangising saad ko. Nakatitig sya sakin at napangisi. Wala sya sa kalahati ko! May kakayahan na kong gumawa ng isang Emperyo ng kagaya ng sa Santillan dahil sa impluwensya at kayamanan na mayroon ako. Mas marami akong pinabagsak at pinaluhod na negosyante noon dahil sa kagustuhan kong mahalin ako ng nakilala kong tatay at Ako ang counterpart ng kapatid kong si Cyrll. Napaupo ng maayos si Apollo habang hawak yung demand ko. Napangisi ako. "Nagtataka lang ako bakit sina Cyrll at Roian ay sagad ang pagturn down ng proposal ko pero sayo bakit parang interesado ka sa kumpanya namin?" takang tanong nya. "Distillery na lang ang kulang sa negosyo ko para makabuo na ko ng Emperyo. I want to be powerful para sa taong mahal ko. Gusto kong iyukod sa mga paa nya ang mundo...Sobrang ambisyon ba?" natatawang tanong ko at tinungga ko yung alak sa baso ko. "Why you invest that too much emotion in a person that will hurt you in the end?" Natatawang tanong nya habang umiiling. "Worth it naman yung taong kinababaliwan ko ngayon....Kaya nga aabuhin ko ang lahat ng taong nanakit sa kanya dati." nakangising saad ko at parang natakot sya ng mapatingin sa mga mata ko. "Ako naman ang magtatanong....Apollo why you choose this Devil to be your business partner? Everyone knows my reputation in business world....You know how many people that I crashed down and gave devastation to their life....bakit sobrang tiwala mo sa demonyong kagaya ko?" malamig kong tanong at kita ko ang pag aalangan at takot sa mga mata nya. Mas higit na takot ang gusto kong makita sa kanya. Higit sa mga marka ng pananakit nya kay Artemis. Lahat ng peklat ng mahal ko sa may likod ng katawan nya alam kong sobra yung ginawa nya sa kanya. Hihigitan ko yun na ibabalik ko sa hudas na 'to sa ginawa nya kay Artemis. "Kailangan kong kumapit sa demonyo na alam ko mas mabilis ang pagbabalik ng kinang ng kumpanya namin.....Gale bring back the reputation of my company..." halos pagmamakaawa nya. "Once you signed the contract....no more turning back Apollo..." nakangising saad ko bago ko sya nilayasan. Ibabagsak kita Apollo para makabalik sa mundo nya si Artemis na lagi na lang nagtatago sa lahat ng tao! Ipapakita ko na buhay sya at higit sa kanila. Papasakay na ko ng sasakyan ko ng tumatawag yung number ni Andrea sa phone ko. Napangiti ako dahil alam ko na kung sino ito. "Hello?" "Tita Gale...punta ka dito please?" malambing na matinis na saad ni Yves sa kabilang linya. "Okay my princess...on my way." sagot ko. Pagkadating ko sa bahay nila...Napangiwi ako ng marealize ko yung laki ng bahay nina Yvie. Jusko nagkikita pa ba silang mag anak dito? Tama yung my Love ko eh maliit na bahay lang okay na eh. Napatingin ako sa may garden nila na puno ng red roses napangiti ako ang ganda. Naalala ko yung pag stay ko sa Garden kasama si Artemis.Maglalagay din ako ng ganito sa bahay na pinapagawa ko dahil hilig din ni Artemis yung pagtatanim ng rosas. Pagpasok ko sa bahay nila ay sinalubong agad ako ni Yuji at nagpakarga sakin. "Yuji yang mukha mo...." sabi ko dahil madalang ko syang ikiss sa pisngi dahil parang si Yvie ba naman yung hinahalikan ko! "Pogi daw ako madaming nagsasabi..." muryot nya sakin kaya napatawa ako. "Tita Hunter?" tanong nya kaya napangiti ako sa kanya. "Umuwi muna sa amerika...miss mo na?" tanong ko at napatango sya. "Ako din miss ko na..." bulong ko. Mayamaya ay binaba ko na sya ng patakbo namang sumusugod sakin si Yves. "Namiss ko talaga kayo ni Yuji..." sabi ko ng karga ko na si Yves. "We are going to US! Sama ka Tita!" sabi ni Yves at napatingin ako sa gawi nina Yvie at Andy. "Sige." sagot ko dahil hindi talaga ako makatanggi sa isang to. Napangiti ako ng mag yes sya sa ere. Habang nagpeprepare ng miryenda si Andy ay nag uusap kami ni Yvie. "Nakita ka ng secretary ko na kausap mo si Apollo noong isang araw..." tanong nya "Yun ba? may proposal sya sakin medyo malabo kaya pinaulit ko at kanina lang kami nagkaintindihan..." saad ko habang nakatanaw sa bintanang salamin nila kung saan tanaw yung mga rosas na alaga nila. "You changed.." nakangiting sabi nya sakin. "Do I?" takang tanong ko dahil parang hindi naman. "Madalang ka ngumiti dati...wala kang pakialam sa pakiramdam ng nasa paligid mo...pero ngayon iba..Saka parang maaliwalas yung awra mo." lintaya nya. Talaga? Parang wala naman akong napapansin na iba. "Thanks to Hunter.." nakangiting sabi ni Yvie. "I'ts Artemis.." pagtatama ko. "It's same people Gale na parehong minahal mo." sabi nya. "Minsan mas masarap kang kausap kaysa sa pabebe kong kapatid." nakangisi kong sabi. Napatawa sya at naiiling. "If anything happened Gale just count me in...tutulungan kita...kayo ni Hunter...basta wag lang mahalay katulad dati..."sabi nya na kinataas ng kilay ko. Gagu to! "Hindi nagpapacheck mate si Apollo base sa pagkakaalam ko...basta..kapag may kailangan ka wag mahihiyang magsabi sakin...." saad nya kaya napatango ako. May biglang pumasok sa isip ko. Si Yvie ang plan B ko. .................................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD