Hunter's POV
Napataas ang kilay ko habang pinapanuod ko si Gale habang nakatulala sa mga rosas na tanim ng kapatid nya.
Try lang nya na magbasag ulit ng mga paso dito hindi talaga ko mag aalangan ipaghahataw sa kanya yung matitinik na katawan ng mga rosas sa kanya.
Inayos ko ang ilang paso ng rosas sa west wing ng Garden. Hindi ko alam bakit sobrang nagugustuhan ko yung bulaklak na ito?
"Hunter..." tawag sakin ni Gale.
"Ano?" Walang emosyon kong tugon at pinatong ko na yung paso sa isang plant box.
"Wala..." nakangisi nyang sagot.
Gago!
Nilagpasan ko sya. Mukha syang normal pero hindi...
"Let's drink!" Saad nya at doon ako napahinto.
"You are taking your medicine...stupid!" Saad ko ng walang emosyon at napatawa sya.
"This will be the last time promise..." saad nya at sumandal sa puno.
Promise? Kelan pa syang natutong gamitin yung salitang yun?
"Okay..." saad ko.
Napangiti sya.
"Once you break that promise....I will break your bone in thousand pieces! Try me!" I smirk at her bago ko sya nilayasan.
Nakataas ang kilay ko habang kampante akong nakaupo habang nilalapag nya sa lamesa yung wine at yung dalawang baso. Sya na din yung nagsalin sa mga baso namin.
Walang anu ano ay tinungga na nya yung sa kanya pero hindi maalis yun tingin ko sa kanya. Nanlaki yung mga mata ko ng may naaninag ako sa baso nya kaya mabilis ko itong inagaw.
"s**t!" Mahinang mura ko at inamoy ko yung baso nya. Isa akong winemaker kaya alam ko yung amoy ng puro nito. May ibang kemikal dito!
Pagtingin ko kay Gale ay nakangisi ito sa akin at parang kinakapos ako ng hininga ng nag iiba na yung mga mata nya at tuluyang bumagsak sa kinauupuan nya!
Nilagyan nya ng lason yung baso nya! Mabilis akong tumalima....hindi sya pwedeng mamatay habang nasa mga poder ko sya!
......
Napasandal ako sa dingding habang kakapasok lang ni Gale sa isang kwarto dito sa hospital ni Yuri.
"Muntik na iyon Hunter..." mahinang saad ni Yuri at napabuga ng hangin marahil sa frustration.
"Don't tell Cyrll about this....Ako ang didisiplina sa kapatid nyang ito." Pakiusap ko at napatango sya. Cyrll suffered a lot ayoko ng pati ito ay papasanin pa nya.
"Doble bantay ang gawin mo ngayon sa kanya Hunter." Sabi ni Yuri.
"Magpapa-pull out ako ng mga ilang gamit doon sa Garden....pirmahan mo." Saad ko at pumasok ako sa loob ng kwarto ng walang hiyang si Gale.
Napatingin ako sa mukha nya parang ngayon lang nakalasap ng tulog. Ang lalim kase ng itim sa ilalim ng mga mata nya. Napatingin ako sa tattoo sa may bandang leeg nya. Nakakainis! Ang plano ko lalagyan ko sya ng tattoo para mademonyo sya sa galit kaso baliktad ang nangyare! Ako ang nanggagalaiti ngayon!
Kung anu anong kahayupan na kayabangan ang binabato nya sakin. Kesyo inangkin ko na daw sya. Kesyo ang selfish ko daw pagdating sa kanya at ayaw ko daw syang ishare sa iba. Patay na patay daw ako sa kanya.
Napakayabang!
Kung pira-pirasuhin ko kaya ang mga kalamnan nya at ishare ko sa iba? O di ba? Makatotohanan pa!
Naupo ako sa silya malapit sa kama nya. Wala akong maramdamang antok sa mga oras na ito sa hindi ko malamang dahilan.
"Gaya ba ni Cyrll....Taon din ba yung gugulin ko para malaman ko yung nasa isip mo?" Mahinang anas ko. Sa totoo lang napakahirap nilang timplahing magkapatid! Parehong basag ang pula ng mga lintik!
Napalunok ako ng napatingin ako sa orasan na nakasabit sa ding ding. I'm awake for almost 34 hours. Gagaling nga sya pero ako naman yung hahalili. Lintik!
I manage to form a very sarcastic face when Gale is trying to open her eyes.
"Tang ina!" Mahinang mura nya marahil hindi na nya inaasahan na magigising sya dahil sa katangahan nya.
"Tsk!" Hindi ko mapigilan!
Napalingon sya sakin at napapatawa.
"If you want to kill yourself do it some other time...kahit isang beses lang makita ka nyang okey ka na...pasayahin mo naman yung kapatid mo.." saad ko at tumayo na ko. I want to sleep badly!
Mga tatlong araw ay pinayagan na ni Yuri na lumabas na ng hospital si Gale at diretso na sya ulit sa Garden kasama ko.
"Your eye-bags...it's awful!" saad nya sa tabi ko habang nagbabasa ako ng libro sa isang bench dito sa left wing ng Garden.
Napapikit ako ng mariin! Wow! just wow!
"I never get this when Cyrll is here....sana bagabagin ka ng konsensya mo dahil sayo kaya nagkaroon ako nito!" mahina man pero may diin ko itong sinabi sa kanya at napataas lang yung kilay nya at mayamaya ay napatawa na sya.
"Okey! Let's not sleep together!!" diklera nya kaya pinukpok ko sya ng libro kong hawak.
"What the!..." reklamo sana nya pero natigilan sya ng maramdaman nyang nakatitig ako ng masama sa kanya. Hinihimas nya yung ulo nya habang bubulong bulong.
Mayamaya ay natahimik sya at napatingin sa langit.
"Loving someone is like drinking poison lalo na kapag hindi ka mahal ng mahal mo...nakakalagot ng hininga." Saad nya. She really hurt when Roian never choose her neither to be part of her option.
"One day one chemical will heal your heart...." wala sa hulog kong sabi sa kanya at napatitig kami sa isa't isa. You can see Cyrll's soul through her eyes but Gale? Where is your soul Gale?
Natauhan ako kaya ako na yung unang nag iwas ng tingin.
"Staying here is not for me...hindi ako gagaling dito. Magkaiba kami ni Cy." Kampanteng saad nya.
"Just give it a try stupid!" Bulong ko at sinara ko na yung libro ko kase ginugulo na nya ko.
"Hunter...na inlove ka na?" Tanong nya sakin.
"Hindi pa." Straight forward na sagot ko at napataas ang kilay nya at napatango tango.
"Magaling kang magtattoo di ba?" Pag iiba nya ng topic. Sa totoo lang madaldal sya. Sya yata ang pinakamadaldal sa kanila.
"Bakit?" Tanong ko.
May iniabot sya sakin na papel.
"I want that phrase to be my last tattoo...." seryosong saad nya.
"In one condition." Sabi ko.
"What it is?" Balik nya.
"Take your medicine on time for 1month." Offer ko.
"Deal!" At nakipagshake hand pa talaga sya sakin.
At heto na sumasakit na yung ulo ko! Tang ina bakit doon nya gustong ilagay yun! Parang pinagpapawisan ako ng malagkit at parang may nakabara sa lalamunan ko. Isang maliit na tela lang yung nagkukubli sa itaas na bahagi ng katawan nya.
"Mali talaga!" Mahinang bulong ko sa hangin.
Isang phrase ito! Ang haba!
Sa may ribs part nya malapit sa gilid ng dibdib nya gustong ipalagay! Gago!
"Wag mong sabihing naaano ka? Kaya hindi mo magawang simulan?" Natatawang pang aalaska nya sakin.
"Kung isaksak ko kaya sa lalamunan mo itong karayom?" Walang emosyong saad ko. Pero napatawa lang sya.
Habang ilalapag ko na yung karayom sa balat nya. Napalunok ako. Ang kinis ng balat nya nakakapanghinayang kung lalagyan lang ng tattoo.Parang porselana yung balat nya.
Kainis! Bakit feeling ko natutuyuan ako ng lalamunan sa sitwasyon ko. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa gilid ng dibdib nya!
'Tang ina Hunter! Manyak lang!'
She really have a delicate skin!
Halos tawagin ko na lahat ng santo para hindi ako madistract sa nilalang na nilalagyan ko ng tattoo.
"Love is a smoke raised with the fume of sighs;
Being purged, a fire sparkling in lovers' eyes;
Being vex'd a sea nourish'd with lovers' tears."
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para hindi distract sa...ah basta! Kainis! Alam kong naramdaman nya yung panginginig ng kamay ko habang nagtatattoo ako.
Saksakan ng haba ng pinalagay nya.
"Done." Tumayo ako at mabilis na nag ayos patalikod ng mga gamit na ginamit ko.
"Painful but addictive." Saad nya at mukhang nagbibihis na sya.
Mga ilang saglit paglingon ko sa kanya tang inang gago! Hindi pa nagbibihis.
"Mata mo Hunter!" Sita nya habang nakataas ang kilay.
"Kahit iparada mo yung katawan mo sa harap ko wala akong pakialam...." irap ko at nilayasan ko sya. Pang asar dumagundong sa buong kwartong yun ang tawa nya.
She's a tease!
'Rape-in mo ng matahimik!' Sigaw ng isip ko kaya napailing ako.
"I can hurt everyone by pain but....gosh! I'm not a rapist!" Mahinang singhal ko sa sarili ko. Punyeta! Masama ito simula ng nakasama ko itong si Gale sa iisang lugar kinakausap ko na yung sarili ko!
Kinabukasan, habang nag aalmusal kami sa lilim ng isang puno ay hindi ko maiwasan na panuorin sya.
"What?" Tanong nya habang ngumunguya at doon ako natauhan.
"Baka naglalason ka na naman..." palusot ko pero ang totoo hindi ko mapigilang tingnan sya partikular yung labi nya.
Tatanungin ko nga si Yuri regarding sa gayuma....baka ginagayuma na ko eh.
Nagsimula akong kumain. Papainom na ko ng tubig ng...
"Look at my tattoo....namumula..." saad nya sabay lislis nya ng t-shirt nya kaya halos mailuwa ko pabalik sa baso yung tubig na iniinom ko!
Halos makita ko na yung dibdib nya at wala na nainvade na ng black bra nya yung isip ko.
"Tama na! Normal lang mamula yan..." singhal ko bago kumain ulit.
"Sungit!" Nakasimangot nyang saad.
Parati syang nakasunod sa akin. Para syang bata na hindi malaman ang gagawin. Kaya madalas ko syang utusan para lang makalayo layo man lang sya sa akin kahit papaano.
Habang nagdidilig ako ng mga rosas.
"You are silently broken..." sabi nya mula sa likuran ko at pagtingin ko sa kanya seryoso yung mukha nya.
"As well as you.." walang ganang saad ko. Napahinto ako ng mapatingin ako sa mga mata nya...there are strange emotion in her eyes....na first time kong nakita doon.
"Hunter.....let's help each other to be okay....I'll take care of you like what I did to Carol....iingatan din kita gaya ng pag iingat ko sa kanya...." she said and when she smile at me...Parang mapupugto yung hininga ko sa sobrang amusement?
She will taking care of me?
And a broken promised flashes to my mind....
Yung pangako ng kuya ko na aalagaan nya ko pero mas pinili nyang mamatay ako.
I smiled bitterly to Gale.
"You can't do that..." mahinang saad ko bago ko pinagpatuloy yung pagdidilig sa mga rosas. I really hate promises. Si Cyrll na lang kase yung pinapaniwalaan ko sa mundong ito.
"Kapag nagawa kong ingatan ka....I need something in return." Sabi nya na lalong kinalungkot ng loob ko. May kapalit pa din.
"Kahit ikaw na lang yung magmahal sakin....para maranasan kong may nagmamahal sakin...don't get me wrong...yung pagmamahal na mahal lang hindi yung sa magkarelasyon...nage-gets mo?" Hindi nya magkandamayaw na paliwanag kaya napatawa ako.
"Okay deal! Basta magpapagaling ka...kapag soon na niloko mo ko alam mong sasapitin mo." hindi ko alam bakit biglang gumaan yung loob ko sa hudas na Gale na 'to.
............................................................................................................
Thank you for reading!
~dark19