Hunter's POV Hindi ako makamulat sa sobrang antok at ewan bakit sobrang nangangalay ako at parang may nakayapos sa tyan ko. Ang higpit! Pinakiramdaman ko. Humihinga. Warm. Nanlaki yung mga mata ko at tumingin ako sa bandang tyan ko. S-Si Gale! Para syang bata na nakasiksik sa tyan ko. Ngayon parang nagkikipagkarerahan yung puso ko. Sobrang bilis ng t***k nito at parang nawala yung pangangalay na nararamdaman ko. Hindi ako makagalaw baka magising sya. Mayamaya ay parang hinahalukay yung sikmura ko at parang may gusto akong ilabas sa lalamunan ko doon ako napabangon at dire-diretso ako sa cr. Halos parang tubig lang yung sinuka ko. Certain period lang to at makakalagpas din ako sa state na to. Nagulat ako paglabas ko ng CR ay nakaabang na si Gale sakin at inabutan ako ng maligamgam

