"Mama! Mama, gumising ka!" Nakatayo siya sa isang napakasalimuot na lugar na may isang nasusunog na kotse at sa sulok ay mayroon siyang nakikita na isang batang lalaki na umiiyak habang ginigising nito ang isang babaeng duguan. He saw the child's face and it was him and his mother. Nakikita niya ngayon ang kanyang sarili sa isang pangyayari na wala siyang alam o natatandaan. Alam niya na kasama niya ang kanyang mama sa isang aksidente pero iyon lang ang natandaan niya at wala ng iba. Pero, bakit iba ito sa nakikita niya ngayon? At bakit siya umiiyak? "Le-Leonard..." "Mama!" "U-Umalis ka na. Iwan mo na si mama dito. Okay lang ako..." "No, Mama! I won't leave you!" May dumating na isang lalaki na nakaitim ang suot. Hindi niya makita kung ano ang hitsura nito pero may dala itong b***l

