Recess time at ang g**g ni Ryder ay busy sa pagpapatrol sa loob ng campus.
Meron silang dala-dalang garbage bags para sa pamumulot ng mga basura. Parte ng kanilang responsibilidad ang kalinisan ng eskwelahan.
Sa pagpapatrol nila at pangunguha ng mga basura, nakita ni Ryder si Michelle 'The Nerdy Girl' na nakaupo sa ilalim ng puno at nagbabasa ng libro. He's guessing na nagaaral ito.
Ng nakita niya ito ay biglang pimitik ang ulo niya sa inis. Pano ba naman kasi, tinulungan na niya ito sa mga bullying brats eto pa ang galit.
Teka? Bakit ba niya iniisip iyon? At bakit apektado siya?
Nakakainis. That nerdy girl is getting on his nerve. Ito lang kase malakas ang loob na sagutin siya ng ganoon.
And it is a first time.
Naputol siya sa pagtingin sa babae ng may narinig siyang ingay na parang nagrarambulan sa likod ng school gym. Si Tony, classmate niya at membro ng g**g ay nakikipag away sa dalawang lalaking estudyante.
Pinuntahan niya agad kung nasaan ito at pumagitna siya sa away.
"Ano bang problema niyo?!" Awat ni Ryder sa kanila.
"Eto kasing mga gagong 'to nakita na nga may naglilinis dito kung saan-saan tinatapon ang mga basura nila!" Galit na sabi ni Tony sa kanya.
"Loko ka gago! Anong saysay ng grupo niyo kung wala naman nagkakalat na basura rito?! Magpasalamat pa kayo e tinutulungan namin kayo. Wag kang bobo!" Nakangiti pa ito at parang ito pa ang tama.
Ito minsan ang kinaiinisan ni Ryder. Mga estudyante dito, mga mayayaman nga, mga bobo naman.
"Anong sinabi mo?!" Lalapit ulit si Tony sa dalawa pero pinigilan ito bg ibang ka-grupo niya.
"Tony tama na yan!" -Ryder
"Pero Boss---!" -Tony
"Hindi tayo bumuo ng grupo para makipag-away lalong lalo na sa ka-eskwela pa natin." -Ryder
Binalingan ni Ryder ang dalawa. "Sa susunod sumunod kayo sa strict cleanliness regulations ng eskwelahan. Hindi ibig sabihin na nagpapatrol kami, may dala-dalang garbage bag at namumulot ng mga basura ay kailangan niyo ng magkalat. First warning ito sa inyo. Kapag nagkalat ulit kayo ako na mismo ang maglalagay ng mga ulo ninyo sa basuran." Seryosong sabi niya sa dalawa.
"Umalis na tayo rito marami pa tayong gagawin." Sabi ni Ryder sa membro at lumakad na.
"Hoy IKAW!" Sigaw ng isang estudyante na kinausap niya.
Paglingon niya may dala na itong malaking bato.
Binato siya nito ng malapit na ang bato sa kanya ay biglang may bumato rin.
What is that?!
Nagulat siya pati ang mga kasama niya. Pagtingin niya sa bato may kasama na itong libro.
Libro? Sinagaang ito ng libro?!
Sino? Sinong bumato?!
Paglingon niya sa kanan niya nakita niya si Michelle na nakatayo.
Right! That book. He saw that book! Ito yung binabasa nito noong nakita niya ito sa ilalim ng puno habang nagbabasa.
"Sorry. My hand slip." Sabi nito at palakad papunta sa itinapon na libro.
Halos siya pati ang mga kasama niya ay hindi makagalaw dahil sa nangyari. How could that be?! It's just a textbook tapos ang laki ng bato?
Kinuha na nito ang libro at lumakad na papalayo.
⚊⚋⚊⚋⚋⚋⚊⚋⚊⚋⚊⚋⚊⚋
Nasa kalagitnaan si Ryder ng kanyang klase. Hindi siya makapag-concentrate dahil ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Michelle na busy sa pakikinig sa teacher.
Hindi siya makapaniwala kanina noong malapit na siyang batuhin ng malaking bato ng ka-eskwela niya. Pero hindi natuloy dahil binato lang ni Michelle ng walang kahirap-hirap ang bato gamit ang isang maliit textbook.
Bakit sa isang maliit at magaan lang na textbook ay nasagi nito ang isang malaki at mabigat na bato? Ang bilis ng pangyayari pati ang kanyang mga kasama ay nagulat din.
Mas tinititigan pa niya ito ng mabuti.
Hindi siya mahuhuli nito dahil nakaupo ito sa pinaka unahan sa may bandang kanan malapit sa pinto.
Hindi kaya may espiritu talagang nakasunod rito?
"Mr. Valdemoré."
O di naman kaya ay sinapian nga ito kaya malakas bumato.
"Mr. Valdermoré."
O baka naman isa siyang---
"Mr. Valdermoré!"
Napapitlag siya. Tinatawag pala siya ng teacher.
"Mr. Valdermore nakikinig kaba? Kanina pa kita tinatawag!" Galit na sabi ng teacher sa kanya.
"So-sorry po, ma'am." Paumanhin niyang sabi.
"Tumayo ka jan!" Utos nito.
"Ye-Yes ma'am." At tumayo siya agad.
Nagtatawanan ang kanyang mga classmates sa kanya.
Maliban kay Michelle.
"Read Chapter 4 page 208." Sabi ng teacher.
Hinalungkat niya agad ang kanyang textbook at hinanap ang pahina sinabi ng guro.
Mas lalong siyang tinawanan ng kanyang mga kaklase at hindi niya alam kung bakit.
"Dude, hindi yan ang libro." Bulong sa kanya ni Oyo.
"Ano?" Nagtatakang tanong niya rito.
"Mr. Valdermoré, Social Science ang topic subject natin ngayon hindi history." Sabi ng guro.
Mas lumakas ang tawa ng mga kaklase sa kanya.
Para siyang tanga.
"Quiet class! Mr. Valdermoré if your daydreaming in my class the stop it. Hindi iyan ang tamang oras para iyan." Sermon ng guro sa kanya.
"Sorry po ulit, ma'am." -Ryder
Hayss... Iyan kasi binibigyan niya pa ng oras ang walang kakwentang-kwentang bagay.
⚋⚋⚊⚋⚊⚋⚊⚋⚊⚋⚊⚋⚊
Magisa na rumoronda si Ryder sa loob ng campus dahil may ibang lakad ang kanyang ka-tropa.
Iba na siguro dedikasyon niya sa kanyang ginagawa. Minsan kasi tinatamad siya gumala. Mas gusto pa niyang maglakad-lakad sa campus.
Baka bored lang siya. Pwede rin.
Or is it because of the people who wants to abduct him? That's the other side of the question.
It's 5pm at uwian na ng mga estudyante. Inenspeksyon niya ang likuran ng kanilang school gym baka may estudyante na naman tumatambay doon.
Pagkadating niya roon ay nagkalat ang mga wrappers ng junk foods at iba pang gamit.
"Lokong mga batang yun ah! At nagkalat pa rito! Hayss... Pambihira!" -Ryder
Kumuha siya ng garbage bag at nagsimulang pulutin ang mga nagkalat na basura.
"Phew.. tapos na rin. Makauwi na nga."
Tinapon na niya ang naipon niyang basura sa garbage bin. Pumunta siya sa classroom, kinuhanang kanyang bag para umuwi na.
Paglabas niya ng highschool building pakiramdam niya ay parang may nakamasid sa kanya.
Estudyante lang siguro na parehas lang sila ng direksyon.
Nagdududa siya konti kaya lumingon siya sa likuran. Paglingon niya ay walang taong nakasunod sa kanya.
That's odd. He just saw a shadow.
Baka gutom lang siya kaya kung ano-ano na nakikita niya.
Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad. Sa ngayon ay may naririnig na siyang mga yapak kaya binilisan na niya at umiba siya ng direksyon.
Pumunta siya sa isang unused building . Lumakad lang siya ng lumakad. May sumusunod nga sa kanya.
"Bwiset." Binilisan niya konti ang paglalakad pero sinabayan siya nito sa likod.
Nagsalita siya. "Bakit ka ba sunod ng sunod?! Ano bang---! Teka baliw ba ako o ano?!"
Paglingon niya kase sa likuran niya ay walang tao.
Napakamot na lang siya sa kanyang ulo.
Ng may napansin siya sa likuran ng isang water fountain. May isang sapatos. Teka parang paa ang nakita niya.
May nakahiga ba doon sa likod?
Nilapitan niya ito ng dahan dahan ng may tumapik sa balikat niya.
End of Chapter 3
Kindly follow my Dreame Account:
leexhian
Thank you so much for your support!
See you on the next chapter.
CHUAMNIDAH!