//CHELSEA POV// Sa mga nagdaang mga araw na kasama niya si Ryder, unti-unti na siyang nasasanay sa mga handa nitong mga supresa at lalong lalo na sa mga pangaasar at biro nito. At dahil na din sa nakakaaliw ito pag magkasama silang dalawa. Sa pag-aalaga nito sa kanya, tila bang tumatalab at pakiramdam niya na unti-unti na siyang gumagaling. Ewan? Baka epektibo lang siguro ang pagmamasahe nito sa kanyang mga paa. Ibig bang sabihin nito, nagbago na kanyang isip at hindi na niya itutuloy ang plano niya? Ibig din bang sabihin nito, tinatanggap na niya ito muli sa kanyang buhay? Pero, papaano naman ang ginawang mga kasalanan ng kanyang ama-amahan sa pamilya nito? Nalilito siya. Kaya niyang tanggapin ito muli pero hindi pa nawawala sa isip at puso niya ang mga masama at nakakalungkot

