Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang mahigpit na yakap sa may tiyan ko at ang mainit na hininga sa may tenga ko. Pinakiramdaman ko muna kung tama ba ang nararamdaman ko na may yumakap nga sa akin dahil sa nag aagaw pa ang antok ko ng maalala ko na magkasama nga pala kami ni Coleen dahil di ko siya magawang iwan dahil sa taas ng lagnat niya. Gusto ko sanang umikot paharap sa kanya pero sobrang higpit ng yakap niya. Ayoko rin naman na magising siya dahil sa kalikutan ko kaya nanatili nalang ako sa ganong posisyon habang dinadama ko ang yakap niya. Yakap yakap ako ng babaeng mahal ko at magkasama kami halos buong araw kahapon hanggang ngayon naman na katabi ko siya. Napangiti ako habang naaalala ko kung pano ko siyang alalayan kanina paakyat dito sa penthouse niya. Di ko alam pero sobra

