Mag aalas sais na ng bumaba si Coleen sa kwarto niya pagkatapos niyang maglinis ng katawan dahil sa pabalik balik niyang pagbalik ng cr dahil sa masamang tiyan niya. Pagkababa niya ng hagdaan ay tinawag niya si Manang Ria para sana ipahanda ang kotse pero wala namang sumasagot sa kanya. Kaya naman ay nagpunta na ito ng dining area dahil baka andun lang ito at naghahanda ng hapunan. "Napakatagal mo naman bumaba, what took you so long." Naabutan na naman niya ang babaeng ayaw na muna niyang makaharap hanggat di pa siya nakakakuha ng lakas ng loob para makipag usap dito. "Manang? Kanina pa ako tawag ng tawag sa inyo." Tuloy namang salita ni Coleen na sinusubukang ibaling ang atensyon sa kasambahay na sinusubukang tawagin sa kitchen area. "Nakaalis na si Manang Ria saka yung isa pang maid.

