Nakaupo si Coleen sa departure waiting area ng Dubai International Airport habang seryosong nakatutok sa laptop nito. Delayed din kasi ang flight niya na dapat ay 9pm pero ginawang 11pm kaya naiinip man ay wala na itong nagawa kundi maghintay nalang. Ang kasama niya namang temporary secretary na kapalit ni Cherry na si Arthur ay nagbabasa lang din at pinag aaralan ang schedule nila pagkadating nila ng L.A. Nakasundo rin naman ni Coleen ang bagong secretary na inassign ni Trishia dahil sa pagiging kalog nito at matalino. Magaling din itong magpick up sa lahat ng mga inuutos niya kaya di rin siya nahirapan. Isa na rin siguro sa dahilan kaya nakasundo niya ito ay simula ng malaman niyang silahis (bisexual) ito at may 5years relationship ng Australian na ipinagmamalaki nito sa kanya. Alam na r

