" Nagpaalam kana ba kay Mommy? " Narinig pa nila ang pagbuntong hininga ni Coleen sa kabilang linya. "Yes babe, pumayag naman siya e.. Basta daw magpaalam din ako sayo para alam mo..." "Payag kana babe please? Uuwi din naman kami agad, saka birthday naman ni Heidi eh.." Paglalambing ni Jane dito. Nakacrossfinger naman si Yasmin habang si Charlotte at Kylie naman ay nag aabang sa sagot ni Coleen sa kabilang linya kung saan naka loudspeaker pa ito para dinig na dinig nila. Walang pakialam namang abala sa paglipstick si Wendy na di man lang sila tinapunan ng tingin. "May magagawa pa ba ako? Pumayag na si Mommy saka kahit di mo sabihin alam kong nakabihis kana." Sinenyasan ni Jane ang mga kaibigan na tumahimik dahil pinipigilan lang ng mga itong tumawa ng malakas sa sinabi ng girlfriend

