JANE'S POV Mag iisang oras na akong nakababad sa bathtub habang nag iisip sa mga nangyari kagabi. Umalis na rin ako agad sa pent ni Coleen dahil ayokong abutan pa niya ako dun. Isa pa, ayoko na siyang makita pa. Wala na ring dahilan para mag usap pa kami. Kung ano man ang trip niya kung bat nagpakita pa siya sa akin at umuwi dito wala na akong pakialam dun. Di ko alam kung maiiyak ba ako o matutuwa nung nakita ko ulit siya kagabi sa bar after few months na di ko siya nakita at nakausap. Ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin na may kasama pang babae na mukha namang pokpok sa kapal ng make up. Kasalukuyang nakapikit ako ng maramdaman kong may pumasok sa room ko. Kung di ito si yaya Divine ay si Mommy kaya di ko nalang pinansin. "Jane asan ka?" Narinig kong tawag ni Mommy. Kumatok n

