Nagmamaneho si Coleen papunta sa bar ni Meg, isa sa kaibigan niya. Dito kasi niya nalaman na nandun daw si Jane kasama ang kaibigan nito at mukhang nakainom na raw ito, tinawagan din niya kasi si Meg para magbakasakali dahil di naman sinagot ni Jane o ng mga kaibigan nito ang tawag niya. Marami pang tanong si Meg pero di nalang niya iyon sinagot. Kagagaling niya lang din sa bahay ni Jane pero ang mga magulang lang nito ang nakausap niya. Flashback..... "Tito, you know me well. Alam mo namang di ako kagaya ng iniisip ni Jane." Paliwanag ng dalaga habang kausap ang mag asawa. "Di man lang niya ako hinayaang magpaliwanag, saka tinatawagan at tinitext ko siya kaninang umaga hanggang maglunch e di man lang ako nirereplyan." Tumawa naman ang ginang at kinausap ang dalaga. "Mahal kana ata t

