Nanatili akong nakatitig sa kanya. Matapos niyang sabihin 'yon ay nag iwas siya ng tingin sa akin at hindi na muling nagsalita. Kaya hindi rin ako sigurado sa ibig sabihin ng mga salitang binitawan niya. “A-ano pong ibig niyong sabihin?” Hindi niya ako sinagot. Nag iwas ako ng tingin at gaya niya, itinuon ko na lang din ang paningin ko sa view. Bagama't hindi nakatingin sa kanya ay umaasa pa rin akong tutugunan niya ang tanong ko. Pero mukhang disidido na siyang tapusin ang usaping 'yon. “There you are!” Nakarinig ako ng boses ng babae sa likuran. Pasimple ko pang tiningnan si Aldrin na parang walang narinig. Bago ko nilingon ang babaeng siguradong nasa likuran namin. Bago pa man ako makaayos ng tayo ay naglakad na palapit ang babae kay Aldrin. “Son, I've been looking for you. Tara

