“I-Ipinapatay sila?” nanginginig ang boses na sambit ko. Hindi ko napigilan ang tuloy tuloy na pagbuhos ng mga luha ko. Naaalala ko pa kung paano silang nasawi sa aksidenteng kinasangkutan namin. Naglipat ako ng tingin kay Sir Tairon nang hawakan niya ang isa kong kamay na nakapatong sa lamesa. “Paano po nangyaring ako po ang kapatid niyo? Noong nakita ako nina nanay ay may suot-suot akong kwintas.” I took out the necklace I am wearing. Gulat na napatingin doon si Sir Tairon at Sidney. “Kuya...” si Sidney. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ni Sir Tairon. “Hintayin na lang natin ang result ng test. For now, ihahatid ka namin sa school dahil siguradong hinahanap ka na ni Diego.” Hinatid nga nila ako pabalik sa school. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Kuya Diego na naglalak

