Binasa niya ang labi niya pagkatapos ay nagmamadaling sumakay sa passenger seat ng sasakyan ko. "Ulan..." sabi ko nang tuluyan na siyang makapasok. "Anong ginawa mo do'n? You spent almost a day on that man's condo? Sa tingin mo anong iisipin ng mga taong makakakita sa 'yo?" Napatitig ako sa kan'ya. "Nakita mo 'ko?" Walang emosyon ang mga mata niya nang lingunin niya ako. Hindi ko tuloy malaman kung anong iniisip niya gayong tinititigan niya ako na para bang wala siyang alam. "Anong ginawa mo do'n?" pag uulit niya sa nauna niyang tanong. Napalunok ako. Anong sasabihin ko? Na may nangyari sa amin ni Aldrin? Na pumunta ako do'n para komprontahin siya pero nauwi sa s*x ang dapat ay komprontasyon lang? Maniniwala kaya siya kung sasabihin ko 'yon? "A-anong gusto mong marinig?" Katangahan

