"I'm your PE 1 professor. Sa mga hindi nakakakilala sa akin, I am Aldrin Torres." Ngumiti siya dahilan upang mag ingay ang buong klase.
Kadalasan sa naririnig ko patungkol sa kanya ay, gwapo siya.
Gwapo naman kasi talaga siya. Ang hot talagang tingnan kahit pa may bitbit siyang libro at may panyo pa sa kaliwang kamay.
"As a tourism student, you have to be physically fit..."
Narinig ko ang agad na paghagikhik ni Curly sa harapan at ang panunukso niya kay Chubby.
"Physically fit raw," aniya at pinakadiinan pa ang salitang 'fit' na siyang ikinainis ni Chubby. Kaya nahampas si Curly ng libro.
"Ang sakit ah!" reklamo niya.
"And in order for you to be physically fit ay kailangan niyo ng exercise. Kaya bukas na bukas ay magsisimula tayo sa baseball," masiglang pahayag nniya.
Pero kung gaano siya kasigla ay kabaliktaran naman ang reaksyon ng mga estudyante niya. Nanlumo ang lahat. Sa section kasi namin ay halos babae kaming lahat.
"Hindi po kami marunong, sir."
"Badminton na lang, sir."
"O hindi kaya ay volleyball."
"Hindi ba pwedeng iba na lang ang laruin natin, sir? Iyong tipong pagpapawisan tayo pero parehas tayong nag e-enjoy."
Napatingin ang lahat sa malanding kaklase namin sa harap. Iba yata ang ibig niyang sabihin. O sadyang iba lang ako mag isip?
"Baseball, Miss Dumapay. Pagpapawisan tayo at mag e-enjoy tayo sa larong iyon," sabay ngiti niya. Umikot siya papunta sa malapit sa aming mga estudyante niya at doon siya naupo sa lamesa.
"Get one eight sheet of paper and write your name for your attendance today," aniya saka pinagkrus ang mga braso.
Napakagat ako sa ballpen ko habang nakatuon pa rin sa kanya ang paningin ko.
Gosh! You look so hot right there, darling.
"Hoy! Tumutulo laway mo." Siniko ako ni Chel. Agad naman akong napahawak sa bibig ko.
Wala naman, e.
Natatwa si Chel habang inaabot sa akin ang one eight na papel habang ako ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanya.
"Huwag mo naman masyadong ipahalata na patay na patay ka kay Sir Aldrin."
"Tss!"
Nagsimula na akong magsulat ng pangalan sa isang piraso ng papel. Dinahan-dahan ko talaga ang pagsusulat at sinigurong maganda ang pagkakasulat ko. Gusto kong sa penmanship pa lang ay mabihag ko na si Aldrin.
Kelsi Guttierez ?☺️
Nang naipasa na ang aming mga papel ay tiningnan ito isa-isa ni Aldrin. Pinanood ko siya kung paano siyang ngumiti sandali bago humugot ng isang malalim na hininga. Bumaba siya mula sa pagkakaupo sa lamesa saka niya kinuha ang kanyan libro at panyo.
“Hindi ako tumatanggap ng may heart at smiley sa pangalan nila...” aniya pagkatapos ay tumingin sa akin.
“Absent ka, Miss Guttierez,” iyon ang huling sinabi niya bago siya tuluyang naglakad palabas ng classroom. Ngunit bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko ay nakita ko pa ang pag ngiti at pag iling niya.
“Bakit may pa-ganoon ka, Kelsi?” Nanunukso ang mga tingin sa akin ng mga kaibigan ko.
“Ang landi,” komento ni Curly habang natatawa pa.
“Tara na sa cafeteria? May binebenta silang heartshaped pancake roon. Baka gusto mong paglagyan ng pangalan mo, Miss Guttierez,” ani Chubby.
“Mga baliw!” ang tanging naging tugon ko sa kanilang tatlo na hanggang ngayon ay pinagtatawanan pa rin ako.
Iba ang cafeteria sa dormitory. For breakfast at dinner lang sila at nagbubukas lang from 7pm to 8am. Libre lang din ang pagkain sa kanila since kasali iyon sa binayaran namin noong nagpa-enroll kami.
May main cafeteria talaga Dewford Academy. Pero hindi katulad sa cafeteria sa Dewford Academy. Dito, ay kailangan mong magbayad dahil lahat ng binibentang pagkain dito ay gawa ng mga HRM students.
Marami na ang estudyanteng nakaupo sa mga lamesa nang nakapasok kami. Buti na lang at may bakante pa. Ang mga waiter din pala ng cafeteria na ito ay mga HRS students. Dito na kasi nag O-OJT ang mga tulad nila.
“Hi, Ate Joanne,” rinig kong bati ni Chubby sa senior na nakatoka sa station kung saan pwede mag order.
“Hi, Chubby,” bati nito pabalik kay Chubby.
“Ate Jo, available na po ba iyong itinext mo sa akin kagabi na heartshaped pancake?”
Agad na nagtawanan sina Chel at Curly. Napapikit na lamang ako. Seryoso pala talaga si Chubby sa pancake na iyon. Akala ko jino-joke time lang ako nito kanina.
“Oo, available na. Kakaluto lang nito kaya mainit-init pa.”
“Cool. I will order four heartshaped pancake...” aniya saka lumingon sa amin. “Kayo, anong gusto niyo?”
Tila huminto ang mundo ko habang nakatingin ako kay Chubby.
“Ibig mo bang sabihin 'yong inorder mong apat na pancake ay para sa iyo lang?” Curly hysterically asked.
Chubby nodded. Nanlaki ang mga mata namin. Grabe! Kaya siya tumataba, e.
“Grabe, Chubby! Diet-diet din minsan!” ani Chel.
“Ate Jo, gawin mo na lang pala ng tatlo para sa kanila. Bale pito lahat. Tapos iyong drinks. Hmm...”
“Nestea akin. At saka hotdog at cheese rolls,” sabi ni Chel.
“Akin fries lang at isang coke...” sabi naman ni Curly. “Gusto kong maging physically fit kaya hindi ako kakain,” dagdag niya sabay tawa.
Si Chubby ang tinutukso ni Curly pero feeling ko ay ako. Naalala ko tuloy ang mukha ni Aldrin kanina.
Iyong pagngiti niya. Iyong bawat pagbuntonghininga niya. Ang bawat pagkunot ng kanyang kilay. Maging ang kanyang paglalakad. Lahat ng iyon nakakabihag ng damdamin.
“Hoy! Kanina ka pang nakangiti diyan. Anong sa iyo?” siko sa akin ni Chubby.
“Si Aldrin— este ano...” Nataranta ako bigla. Kung ano-anong iniisip kasi, Kelsi kaya ka napapahamak.
Natigilan ako nang biglang may bumunghalit ng tawa mula sa likuran kasabay ng tawanan ng mga kaibigan ko.
Nang lingunin ko ay mabilis na nalaglag ang aking panga at nanlaki ang aking mga mata nang nakitang naroroon si Aldrin Torres at Tairon Lim. Shocks!
“Good morning po,” bati ni Ate Joanne.
“May binebenta kayong Aldrin?” tanong ni Tairon kay Ate Joanne saka sila muling nagtawanan.
Jusko! Feeling ko sobrang pula ko na dahil sa hiyang nararamdaman ko.
“De, joke lang. Baka nag jo-joke lang din kasi itong si Miss...” Tumingin siya sa akin at nagtatanong ang kanyang mga mata.
“Kelsi Guttierez po,” sabi ko.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo matapos marinig ang buo kong pangalan na agad niyang tinabunan ng malawak na ngiti.
“Guttierez... Miss Guttierez.”
“Uhh... Milktea lang iyong idagdag mo sa pancake ko, Chubby,” sabi ko sa kaibigan ko bago ako lumingon kay Tairon Lim at Aldrin Torres.
“Excuse me po,” sabi ko. Dahil sa kahihiyan ay nauna na akong maghintay sa waiting station kung saan sini-serve ang mga pagkaing in-order namin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagsunod sa akin ng mga kaibigan ko.
Nang nai-serve na ang mga pagkain ay naghanap na agad kami ng table. Nang nakakita ng six-seater table ay agad namin itong inokupa. Pagkatapos kong makaupo at mailapag ang pagkain ko sa lamesa ay doon ko lang napansin ang nakaguhit na puso sa strawberry flavored milktea ko.
“Bakit may heart ito?” Kunot noong tanong ko. Agad naman silang nag unahan sa pagtawa.
“Siyempre para may ka-partner ang pancake mo,” sabi ni Chubby.
Napangiti na lang ako't napailing. Ang kukulit talaga. Ang lakas mang asar. Hayaan na, makakaganti rin ako balang araw.
Napansin kong naglalakad papunta rito sa table namin sina Tairon at Aldrin kaya agad akong napayuko't napahigop sa milktea ko.
“Makiki-table kami ah? Wala na kasing ibang table, e,” sabi ni Tairon.
“Sure. Makakatanggi po ba kami sa inyo, sir? Siyempre hindi,” sabi ni Curly.
Nag angat ako ng paningin kay Aldrin at nakitang nakatingin na rin pala siya sa akin. Nagkasalubong ang aming mga tingin at yuyuko na sana akong muli pero nginitian niya ako kaya napahinto ako sa balak na gagawin.
Amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango na humalo sa sarili niyang amoy. Jusko! Ang sarap sa ilong!
Tumabi sa akin si Aldrin at sobra-sobra ang ginawa kong pagpipigil na huwag magpakita ang ngiti kong kinikilig.
Tahimik kaming nagsimulang kumain. Kakatuhog ko pa lang sa pancake ko at mag s-slice na sana nang natigilan ako dahil nakatingin na si Aldrin sa plato ko.
“B-bakit po?”
Umiling siya. “Napansin ko lang, mahilig ka pala talaga sa mga heartshapes,” sabay ngiti niya.
Napatitig tuloy ako sa plato ko. Apat na pinagpatong-patong na hugis-pusong pancake ang nasa plato ko na binudburan ng vanilla syrup sa pinakaibabaw. Sa tabi naman ng plato ko ay ang strawberry milktea ko na may desinyong hugis puso sa ibabaw. Kahit na hinigopan ko na ito kanina gamit ang straw ay hindi pa rin nasisira ang magada nitong desinyo.
“Uhh...” Matunog ang naging pagngisi ni Aldrin. “15 minutes lang ang break na ibinigay sa inyo kaya magsimula ka ng kumain.”
Napatingin ako sa kanya at sabay kaming napangiti sa isa’t-isa.
Jusko! Nakakatakot! Baka makalimutan kong propesor namin siya. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Okay na ako sa paghanga lang. Ayaw kong palalimin ito at mauwi sa mapag-angkin na pagmamahal.
“Guttierez ang apelyido mo? Taga saan ka?” Direktang tanong ni Tairon Lim sa akin matapos ang ilang sandaling katahimikan at pagiging abala naming lahat sa pagkain.
“Taga Davao po talaga ako,” sagot ko.
“Oh! Ang layo no'n. Paano ka napadpad dito?”
Nagkatinginan kami ni Chel. Hindi pa ako handang buksan ang usapin patungkol sa buhay ko pero tinatanong niya. Paano ako makakahindi sa isang propesor namin?
“Chel’s family adopt me...”
Natahimik silang lahat at ramdam ko ang paninitig nila. Halatang naghihintay ng magiging sagot ko.
“Isinama nila ako pabalik dito sa Maynila pagkatapos mamatay sa isang aksidente ang mga magulang ko.”
“You have your parents with you? Hindi ka adopted?” tanong niya na nagpatulala sa akin.
Nagkatitigan kami ni Tairon Lim. Paano niya nasabing adopted ako? May alam ba siya tungkol sa akin?
Nag re-research ba ang mga professor ng family background at history ng mga magiging estudyante nila bago nila ito tanggapin sa kanilang klase?
Sasagutin ko na dapat siya pero itinikom kong muli ang bibig ko nang biglang tumunog ang malakas na bell.
Kailangan na naming pumasok sa susunod na klase.