Naiwan akong nakatulala pa rin sa pwesto niya kanina. Naikunot ko ang noo ko. Ako ba talaga si Kelsi? Napahawak ako sa kwintas na suot ko. Tama ba talaga ang pamilyang inuwian ko? Doon ba talaga ako nararapat? Guttierez ba talaga ako? “Hoy! Anong ginawa sa 'yo ni Sidney ha?” si Chel na bigla na lang sumilip sa mukha ko. “Ayos ka lang ba, Kelsi?” si Chubby. “Hindi talaga mapapagkatiwalaan ang magandang mukha no'n!” si Curly. Isa-isa ko silang tiningnan. Si Chubby ay magkaiba man sa maraming bagay maging sa appearance ay may mga aspeto namang masasabi mo pa rin magkapatid sila. I bit my lower lip. “Sabihin niyo nga sa akin, magkamukha ba kami ni Sidney?” Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat, nagtataka kung bakit gano'n na lang ang naging tanong ko. “Bakit mo naman naitanong 'ya

