CHAPTER 11 ELSIE OWEN "Oh? Bakit balot na balot ka?" sita sakin ni Abcd. Nakasuot kasi ako ng sweater at jogging pants. Ayokong sabihin nya na inaakit ko sya o nagbibigay ako ng motibo. Ayaw ko pang mawala ang kayamanan ko! "W-Wala. Nilalamig lang ako." dahilan ko. Hindi ako makatingin ng diretso dahil sa mga kabalbalang sinabi nito kahapon. Bakit ka pa bibili ng talong sa palengke. Eh, mas mahaba naman ang talong ko. Pakshet! Lumayo agad ako sa kanya at tumakbo sa kwarto ko para magtago sa kanya. Nandun lang ako maghapon kahit na ilang beses na kinakatok ni Abcd ang pinto ko. Lumalabas lang ako kapag ginugutom ako tapos tatakbo na ako sa kwarto kasi hinahabol ako ni Abcd! Ewan ko ba! 'Di naman siya aso! Ngayong umaga na ulit ako lumabas. This time, balot na balot na ko. "Summer

