Chapter 5

1047 Words
~Shanaia~ Pangalawang araw ngayon ng pasok namin ni Helga ngayon. Ano na naman kaya angangyayari ngayong araw? "Tss..." Nakaharap ako ngayon sa salamin upang tingnan kung maayos na ba ang itsura ko, pero kahit anong suotin mo naman sa paaralang iyon ay talagang pupunahin nila! "Kainis!" "Best... Ready ka na ba? Tara na, uy!" Sunod-sunod na katok at tawag sa 'kin ni Helga sa labas ng kuwarto ko. 'Excited. Eh ang aga pa masiyado!' "Oo susunod na..." "Sige, bilisan mo nakahanda na ang breakfast. 'Wag ka nagpagandaasiyado, best. Matagal ko nang alam," sabay hagikhik ng loka. Ang aga talaga niyang asarin ako. Pagdating ko sa hapag ay nakangisi pa ang loka kaya simamaan ko siya nang tingin. 'Mamaya ka lang!' Pagkaupo ko ay nagsandok na agad ako nang kanin at saka hinanap ng mga mata ko si Tita Roxanne. "'Nay, nasa'n po si Tita?" tanong ko kay nanay. "Ah. May lalakarin lang daw siya pero babalik din agad. Kumain ka na, 'nak." Tumango na lang ako bilang tugon at nagpatuloy na sa pagkain. Ngunit nakakailang subo pa lang ako ay naramdaman kong may sumipa sa paa ko. Tumaas ang kilay ko dahil alam kong kaninong paa iyon! "Bakit ba?" "Makikita na naman natin iyong tatlong guwapo. Papansinin pa kaya nila tayo ngayon?" Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko naman napansin gaano ang mga mukha nila lalo na iyong preskong isa. "Pakihanap ng paki ko?" Napanguso si Helga sa sinabi ko. "'To naman. Gusto lang pakipagkilala ni Xian eh! Ang harsh mo best," may himig nang pagmamaktol niyang sabi. "Sige, isusumbong kita kay nanay. 'Nay–" "Hoy! Bunganga mo diyan! Sshhh ka lang. Baka mamaya mamantal ang singit ko sa tindi nang kurot ni Nanay eh!" Natawa na lang ako't maging siya ay natawa na rin. "Dalian mo nang kumain. Mauunahan pa kita samantalang mas nauna ka pa sa akin." "Ngeee... Ang bilis mo kasi. Nakaisang subo pa lang ako tatlo na iyong sa iyo!" "Sus! Ang sabihin mo, puro ka kasi dada diyan kaya ka nahuhuli. Tulad niyan oh!" Turo ko sa bibig niya't may sasabihin pa sana ngunit hindi na natuloy. Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain. "Bye...hintayin na lang kita sa labas." Sabay kindat at iniwan na siyang hindi pa ubos ang nginunguya. Naglalakad na kami pa pasok sa paaralang ito at gano'n na lamang ang tingin na ipinupukol nila sa amin ni Helga, o, sa akin lang? Pinagsawalang bahala ko na dahil wala naman akong mapapala sa mga 'to! "Ayan na sila! Iyong isa diyang ang nakasagutan daw ni Xi kahapon. Ewww! Napaka-yabang! Akala mo nga naman maganda. Saan ba sila galing?" "Don't know! Bakit sa 'kin ka nagtatanong? Wala akong alam like the way she ware an outfit. Duuhh..." Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Helga sa braso ko. Kung sa akin wala lang iyong mga naririnig ko, malamang itong isang 'to may paki. "Best. Narinig mo naman siguro sila 'di ba? Grabe, parang ayaw ko na rito," aniya. Napabuntong-hininga na lamang ako't hinila na siya. Mas binilisan ko ang paglalakad para maiwasan na ang mga iyon subalit lahat yata ng sulok ando'n lang sila! Napatigil kami sa paglalakad nang biglang may nambato sa amin. Pinulot ko iyong nakabilog na papel at may lamang bato sa loob. Nagtatagis ang bagang ko at hinarap ko sila! Hangga't maari ay may pagtitimpi pa ako. "Sino ang bumato?" tanong ko sa kanila ngunit narinig ko lamang ang mga tawanan nila. "Best tara na! Hayaan mo na lang natin sila." Hinila na ako ni Helga pero hindi ako pumayag dahil sumusobra na sila! Anong karapatan nilang manakit? Ni katiting ay wala! Anong klaseng paaralan ba 'to? "Hindi! Hindi ko palalampasain kong sino ang may pasimuno nito!" "Pero– Aw!" napadaing si Helga dahil natamaan siya sa ulo hanggang sa nagsunod-sunod ang pambabato maging ako ay natatamaan nang muli. "Matapang ka ha!" "Akala mo kong sino!" "Iyan buti nga!" Dinig na dinig ko ang mga sinasabi nila habang nakayuko kami ni Helga upang iwasan na hindi nila kami matamaan sa ulo at mukha. "What's going on here?! Isang boritonong boses ang narinig ko ay kasunod no'n ay ang pagtigil ng mga batong tumatama sa amin. Pag-angat ko nang tingin ay nasa harapan namin ni Helga iyong tatlong lalaki at ang isa iyong preskong nakasagutan ko kahapon. "Tss! Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo malaman?" Ngumisi siya nang nakakaloko. "Aba tingnan mo nga naman! King hindi nga kami dumating dito ay hindi pa tumigil 'yang mga 'yan eh! Pasalamat ka pa nga!" Natawa ako sa sinabi niya. "Talaga ba? Obvious naman na dahil sa iyo kaya sila ganiyan sa amin! Mukhang dead na dead sa iyo mha kababaihan dito. Mga walang taste!" Napasinghap ang lahat sa sinabi ko maging si Helga. Puwes! Hindi ko rin sila uurungan! Nagsalabong agad ang kilay niya, hindi nagustuhan ang mga sinabi ko! Wala akong pakialam dahil sigurado akong siya ang may pakana nito dahil nagbanta siya kahapon. "Sumusobra ka na–" "Opps! Buds, relax lang! Calm your temper, okay?" Pigil sa kan'ya ng dalawang kasama nang akmang susugurin ako. "Ahm... Ms. ayaw namin ng gulo okay? Puwede ka bang makausap ng maayos?" Mariin ko itong tinitigan at mukhang matino naman. "Sino ba nagsimula? Kami? 'Yang mga asungot ang nauna at nambabato! Can't you see? Kararating lang namin dito at iyan ang salubong sa akin? Sino ba ang matutuwa kung paulanan ka ng mga bato?! Napakamot siya ng ulo. "Yeah! I understand you, but, hindi si Xian ang may utos niyan! We came here because we saw what they did. Wala kaming ibang intentions kun 'di sawayin lang sila," pahayag pa nito. Wala na akong gana makipag-diskusiyonan na pa kaya tumango na lamang ako't nagpaalam. "Okay, fine! Sabi mo eh!" Tatalikod na sana ako nang biglang magsalita na naman si Mr. Yabang! "So, that's it? Hindi ka magso-sorry?" Pairap ko siyang hinarap. "Sorry my ass! At bakit? kanino? Sa iyo?! "Of course, dahil nambibintang ka!" singhal niya pa sa akin kaya tinawanan ko na naman siya. "Patawa ka! Kami na nga binato taa gusto mong magsorry ako sa iyo? Nek! Nek! Mo! Tara na Helga!" Agad ko nang hinilang muli ang kamay nito at mabilis na naglakad papalayo sa mayabang na iyon! "Magsama-sama sila! Buwisit!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD